June 25, 2035....
"Julianna lumabas ka na kasi dyan! Ang daming nag-aantay sayo sa labas oh." Giit ni Brielle habang ako ay nakaupo sa isang sofa at nakatulala lang.
"Nahihiya ako." Tipid na sagot ko at sumandal habang nakangiwi.
"Anong nahihiya?! 18th birthday mo ngayon at maayos naman ang itsura mo! So anong nakakahiya doon ha!?" Maingay na sabi niya.
Ngayon na ang aking kaarawan. Unang kaarawan na wala ang tatay. Hindi ko na siya makakasama kahit kailan, ngunit gaya ng lagi kong naiisip ay naadyan siya sa tabi ko kahit na saan ako magpunta.
18th birthday ko na at nakasuot ako ng kulay pink na gown. Napaka-bongga nito. Si Brielle at ang pamilya niya ang nagayos ng party na to ngunit kahit anong pilit nila ay ayoko talagang lumabas.
Ayoko sanang magsuot ng gown o dress manlang dahil mayroon akong masamang ala-ala dito ngunit gaya ng huling usapan namin ng tatay ko ay gusto niyang magsuot ako ng mas bongga pa sa dress na binili niya sa kaarawan ko at ngayon na ito.
"Hoy Julianna, yung make-up mo! Ano bang drama yan, kung lumabas ka na matutuwa pa ko sayo." Nakahalukipkip na nasabi ni Brielle habang kunot na kunot ang noo at ngayon ko na lang namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Agad ko itong pinunasan at pairap na tumayo saka huminga ng malalim. Napapalakpak siya sa tuwa at binuksan ang pintuan na para akong prinsesa at siya ang aking alalay.
Wala reaksyon ang aking mukang dumeretso pababa. Ngunit natigilan kung gaano kagarbo ang party ko na ito. Talagang ginastusan. Ngunit kung kasama ko lamang ang tatay ay sigurong wala ng mas sasaya pa doon. Putangina kasi ng dress, tangina. Putangina ko din, tangina.
Wala pa ding emosyon akong bumaba ng dahan dahan at kita ko ang ibang pamilyar na muka at hindi pamilyar. Nahagip ng mata ko ang table nila Aling Andrea na kasama ang anak niya na si Carol habang naglalakad ako. Tipid na ngiti lamang ang iginawad ko sa kanila saka sila nilagpasan.
Kasunod na nahagip ng mata ko ay ang mesa kung nasaan sila Kim. Kim, Gideon, Stefanie at Curtney. Nakangiti sila saakin na parang walang nangyari sa pagitan namin noon. Imbes na irapan ay ginawaran ko din sila ng tipid na ngiti.
Nasa tabi naman nila ang mesa ng pamilya ni Brielle na nakangiti saakin at nakita ko pa na tumulo ang luha ni tita.
Sa dinami-dami kong naging kaibigan, si Brielle lang ang napatunayan kong totoo saakin. Sa dinami-daming mga nakangiting tao sa harapan ko si Aling Andrea lang ang napatunayan kong tunay ang ngiti. Isa ang ngiti ng aking ama na hinding-hindi ko na paniniwalaan.
Kahit na siya ay nahihirapan, naadyan pa din ang kanyang ngiti na nakasilay sa kanyang labi. Natutunan kong hindi lahat ng nakangiting muka na nakikita natin harapan ay ganyan din ang muka na iyon sa ating likuran. Hindi lahat ng nakangiti ay hindi nahihirapan. Kaya naman hinding-hindi na ako magpapaloko sa isang ngiti. Ngiti ang nagpaniwala saakin na ayos lang siya. Mga ngiti niya ang nagpaniwala saakin na hindi masakit. Mga ngiti niya ang nagpaniwala saakin na wala akong dapat ipag-alala.
Pesteng mga ngiti. Nagagawang manloko.
Nagpalakpakan ang mga tao ng makarating na ako sa pinakaunahan. Nagawa kong matawa, lumuha, maexcite at halo halo pang emosyon ang aking naramdaman habang naguumpisa ang aking party.
"Julianna, my bestfriend. You're so old na oh my god. Parang kahapon lang nasa school tayo at may pinagt'tripan kayo pero ngayon, tignan mo nga naman ang bilis ng panahon! Mahal na mahal kita Julianna at lagi lang akong nandito para sayo. Isang tawag mo lang, wala pang ilang segundo nasa tabi mo na ko at handa ng makinig sayo. Happy happy birthday my bestfriend. I love you, stay strong!" Hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo at lapitan si Brielle na tumakbo papunta saakin at yumakap.
BINABASA MO ANG
My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]
Short Story{completed} {unedited} I thought I would be happy because I get what I want. But I was wrong, in my habit of feeling rich I lost the only person I have. Just because of my worst mindset, my dad disappeared. I really admit that I'm wrong, but from my...