CHAPTER 9

32 3 21
                                    

Tatay Emmanuel's POV
**********
"Emmanuel." Agad akong napangiti ng marinig ang pagtawag ng boss ko sa pangalan ko.

Nakangiti akong lumapit sakanya ngunit ng makita ko ang pagngiwi niya ay agad akong nadismaya. "Sa susunod na muna ang sahod mo. Late ka na pumasok kanina at madami ka pang utang na nakalista dito, Emmanuel." Seryoso na sabi niya at pinakita saakin ang listahan ng mga utang ko.

Umabot iyon ng tatlong pahina na tanging nakasulat ay utang ko. Nanghihinayang akong tumango saka pilit na ngumiti. "Paumanhin, sir may kailangan nanaman kasi yung anak ko kanina kaya hindi na ako nakatulong sa mga kasamahan ko dito."

"Spoiled na spoiled mo kasi yang anak mo Emmanuel. Agahan mo bukas para ikaw ang mauna kong bigyan ng sahod." Ngumiti siya at nag-abot ng 50 pesos para daw may pangkain pa din ako sa anak ko.

Alam naman ng lahat ang katayuaan namin sa buhay. Matapos kong makipagusap ay lumabas na ako ng palengke. Dito ako sa palengke nagt'trabaho, nagbubuhat ako ng mga produkto na idedeliver dito sa palengke. Madami kami at kung sino ang pinakamadaming natulong ay siya ang mauunang bigyan ng sweldo.

Noong pumasok ako dito ay nag-alangan pa sila dahil masyado na daw akong matanda pero hindi ko na inintindi yon. Sa dami ng pangangailangan ng anak ko ay walang-wala itong 50 pesos ko.

Lahat ng magulang ay gagawin ang lahat para lang sakanyang anak. Magkakaiba kami ng paraan kung paano sila mamahalin ngunit iisa at iisa lang ang gusto naming iparating. Na mahal namin sila at gagawin talaga namin ang lahat para sakanya.

Agad akong bumili sa tindahan ni Andrea ng sardinas. Isa sa naging katuwang ko na sa buhay si Andrea. Isa siya sa tumutulong saamin lalo na kapag ganto lang ang nakukuha kong sahod.

Niluto ko kaagad ang sardinas pagdating ko sa bahay saka ako nag-abalang silipin si Julianna sa kwarto niya. Napangiti ako ng makita kong nakangiti siya habang nagcecellphone. Kung pwede lang kitang titigan ng ganyan katagal habang nakangiti ka ay gagawin ko, anak ko.

Inaya ko siyang kumain ngunit gaya ng inaasahan ay sinigawan niya lang ako kaya ng makalabas muli ng kwarto ay doon ko na hindi napigilan ang mga luha kong tumulo.

Naisipan ko munang matulog dahil sa pagod kahit na gutom na gutom na ako. Mas gusto ko pang makasabay ang anak ko sa pagkain kaya kayang-kaya ko magtiis ng gutom. Ngunit ng magising ako ay nakita ko na siyang kumakain.

Ngumiti ako ng pilit at akmang uupo at kakain ng makitang wala ng pagkain. Wala ng sardinas, wala ng kanin. Hindi na ako makakakain.

**********

"Wala muna kayong pasok ngayon. Magbabakasyon daw si Randie kasama ang pamilya niya" sabi ni Andrea habang kami ay nakaupo dito sa tinutulugan ko.

Kanina pa siya andito. Siya na ang nagluto para saamin at siya na din mismo ang nagdala dito ng itlog galing pa sa tindahan niya. "Wala nanaman pala akong pera." Nanghihinayang na sabi ko.

"Ayos na muna yon Emmanuel. Ngayon ka na nga lamang makakapagpahinga. Minsan matulog ka maghapon para naman makabawi ka ng tulog. Tignan mo mata mo." Iiling-iling na sabi niya na nagpayuko saakin.

"Kagabi kasi inantay ko pa si Julianna. Umalis nanaman tapos gabing-gabi na umuwi." Sagot ko habang nakayuko pa din.

"Tss lagi mo na lang iniisip ang anak mo. Isipin mo naman yang kalusugan mo." Masungit na tugon niya na nagpa-angat ng mga tingin ko. "Puro si Julianna ang binibilhan mo ng mga bagong gamit habang ikaw tignan mo yang damit, sira na at sobrang luma." Dagdag niya pa.

My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon