Maaga akong nagising. Sa totoo lang ay hindi ako excited sa halip ay kinakabahan ako. Lalo na at parang may nalalaman na sila Kim at kapag nangyari yon ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
Panigurado ay walang tatanggap saakin. Halos lahat na ng estudyante sa school namin ay nabully ko na. Walang tatanggap saakin wala na akong kakampi.
Umiling-iling ako sa mga naiisip ko at pinagpatuloy ang pag-ayos ng gamit ko. Nagsuot ako ng kulay yellow na damit dahil kulay yellow daw dapat ang damit ng section namin. Pinusod ko ang buhok ko saka naglagay ng kaunting lip tint.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako dala ang bag ko. Agad kong namataan si tatay na natutulog pa din kaya ganoon nanaman ang pag-usbong ng inis sa pagkatao ko.
Galit akong lumapit sakanya at inuga-uga ang papag na tinutulugan niya. "Ano ba?! Gumising ka nga!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang papag.
Agad naman siyang nagising at wala sa sariling napabalikwas ng bangon. "Anak pasensy na. Umalis pa ako kagabi dahil kailangan kong maghanap muli ng trabaho para bumili ng damit--"
"Hindi ko tinatanong. Pwede bang imbes na magsalita ka ng magsalita dyan, mag-ayos ka na lang ng gamit mo?!" Sigaw ko at pinutol ang mahaba niyang paliwanag. Agad naman siyang tumango saka wala sa sarili akong nilagpasan at kinuha ang damit.
"Kulay dilaw dapat! Bakit itim yang suot mo?!" Sigaw kong muli ng makita ko ang damit niya. Ngunit ngumiti lang siya ng pagkatamis-tamis.
"Naku anak, alam mo bang mamahalin ito? Si Andrea ang bumili nito sa mall nang agad kong makuha ang sweldo ko." Nakangiting paliwanag niyang muli saakin. Wala na akong ginawa kundi irapan siya.
Kahit hindi niya sabihin ay alam kong mamahalin ang damit na iyon. Talagang ginawa niya ang sinabi kong kailangang mamahalin ang damit.
Lagi siyang ganoon. Isang sabi ko lang ay susundin niya na. Kapag naman hindi niya sinunod ay talagang sisigawan ko siya.
"Anak mag-jeep na lang tayo, dahil wala na akong pera." Sabi niya na bakas na ang lungkot.
"Susunduin tayo ni Brielle. At pwede ba wag mo kong tawaging anak dahil baka matawag mo kong ganyan mamaya sa school." Inis nanaman na sabi ko saka naupo. "Hindi kita tatay." Pairap pang dagdag ko at kinuha ko na lang cellphone at doon nagpalipas ng oras habang inaantay siya.
Nang matapos na siyang mag-ayos ay inaya niya akong kumain ngunit tumanggi ako. Pano ba naman kasi ay isang itlog lang ang niluto niya at share pa kami don. Tss, never akong makikipag-share lalo na sakanya.
"Gusto mo ba bumili pa ako ng isa pang itlog?" Tanong niya saakin matapos kong tumanggi.
"Dzuhh, ayoko. Puro na lang itlog nakakasawa." Pahina ng pahina na sabi ko at dapat ibabalik na muli ang tingin sa cellphone ng mag salita muli siya.
"Pasensya na. Wala na talaga akong pera." Tugon niya na bakas na bakas talaga ang lungkot sa boses.
Umirap lang ako at hindi na siya pinansin. Matapos niyang kumain ay saktong dating ni Brielle. "Andun na si Brielle sa labas." Sabi ko at walang paa-paalam na iniwan siya.
Ramdam ko ng magmadali siyang sumunod saakin ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Agad kong namataan si Brielle na katayo sa harap ng kotse niya habang nakangiti.
"Hi Brielle!" Masayang bati ko at agad naman siyang ngumiti ngunit imbes na ako ang yakapin ay ang tatay ko ang niyakap.
"Hi Tito Emmanuel, Goodmorning!" Bati niya at kita ko kung paano ngumiti ang tatay ko. Yung ngiti na natural talaga. Hindi yung lagi niyang pinapakita saakin na may halong pait at lungkot.
BINABASA MO ANG
My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]
Conto{completed} {unedited} I thought I would be happy because I get what I want. But I was wrong, in my habit of feeling rich I lost the only person I have. Just because of my worst mindset, my dad disappeared. I really admit that I'm wrong, but from my...