Chapter 7 Maybe

4 0 0
                                        

Pag katapos ng gabi na yun .

Halos tatlong araw na kami hindi nag kikita ni rob .

Hindi ko din alam kung bakit .

Hindi ko naman siya iniiwasan .

Kung tutuosin nga parang hinahanap ko pa siya e .

Dun ako dumadaan kung saan kami una nag ka kilala .

Dumadaan ako sa R.Blvrd at minsan bumababa pa para bumili ng balot na hiningan ni rob ng plastic cup .

Pero wala e . Hindi ko siya makita . Baka iniiwasan na niya ako .

At ngayon nandito ako sa tapat ng school nila russ

Niyaya ko kasi siya mag shopping baka makita namin si rob sa Mang Inasal . Malay natin .

"uy!" pag gulat sakin ng lintek na si russ "t*ngn* mo!" yan nalang nasabi ko

Tarages kasi nito ni russ . Nag moment ako eh .

"tara na ! Akala ko ba shopping?" pag ayaya nito sa akin

"tara na kunin muna sasakyan mo" pag sabi ko dito sabay pasok sa kotse ko .

At ng pinastart ko na to biglang bumukas ang pinto sa kabilang banda ng kotse ko ...

At si tarages na russ lang pala .

Ng makaupo to sa tabi ko agad na sinabing .

"parang iba yang inaasahan mo?" pag tanung nito habang nag lalaro sa cp niya

"manahimik ka dyan o tatadyakan kita palabas" sabi ko dito

"ehRobm" pang aasar nito sa akin gamit ang pag ubo .

"lumayas ka na nga ! Nasaan naba yang kotse mo?!" pikon na sabi ko dito

"nag sumbong si tito dave kay daddy . 1week ko hindi magagamit ang baby ko. Kaya sagot mo ko" habang nag lalaro padin sa cp niya .

No choice konsensya ko pa to .

Agad kung pina andar ang sasakyan dahan dahan lang

Baka makita ko kotse ni rob .

"niña? Akala ko ba idol mo si paul walker?" pag tanung sakin ni russ habang mata ko e makulit na nililibot ang paligid sabay sagot ng "o?" tipid na sagot ko .

"eh bakit tila si internet explorer na ang trip mo ngayon?" pansusura nanaman sa akin ni russ

"manahimik ka nalang diyan kung ayaw mong ipabugbog kita kay The Rock ." seryosong sagot ko kay russ habang paikot ikot padin ang mata ko .

Ng maka rating kami sa mall . Ni anino ni rob di ko man lang nakita .

Hays nakaka disappoint .

Habang hinihila ako ni russ papunta sa mga Branded na gamit . Umiikot padin ang mga mata ko . Baka nandito si rob .

May nakita ako .

At hindi si rob yun .

Si tom . At ang nakakagulat .

Kasama niya si .

Daddy .

"tito dave!" sigaw ng lintek na si russ na tila nakainom ng Sampung energy drink at napaka hiper . Ang sarap itali .

"o russ? Ano ang ginagawa niyo dito?" mahinhin na tanung ni Tom kay russ . Tss kunware kapa .

"ah ito kasing si niña nag aya mag shopping pero siya tung dalawa palang ang nabibili" sinasabi niya yan habang naka turo ang isa niyang daliri sa akin nako ..

"hi niña" pag bati sa akin ni tom na hindi ko pinansin

"daddy bakit niyo kasama to si tom?" inis na tanung ko kay daddy .

Bakit kasama niya tung manloloko na to .

"ah nag coffee lang kami kasi si tom muna ang humahawak ng company nila kasi may sakit ang tito ryan mo" sagot sa akin nito habang kumakain ng Krispy Kreme .

Hilig talaga ni daddy ang matatamis .

Buti nalang at hindi siya nag kaka sakit na wag naman sana .

"ah ganun sige una na kami ni russ daddy , " pag sabi ko dito sabay hatak kay russ na panay ang sabi ng "bye tito dave !!!! Bye tom !!!!" sinasabi niya ata yan hangang mawala sa paningin namin sila daddy .

Ng matapos kami kumaen sa isang korean resturant sa mall na katapat ng Mang inasal .

Agad kung binigyan ng 500 si russ .

"ano naman ang gagawin ko dito?" nag tatakang tanung ni russ habang naka tingin sa papel na binigay ko .

"pang taxi ayoko ihatid ka." poker face na sagot ko dito .

"ahahahah sayo nayan marami akong ganyan " sabay balik sa akin ng 500 pesos .

"baka kasi makonsensya ako . O ito na nga lang" sabay abot ko dito ng dalawang 1000

"niña na iintindihan kung iikot ka nanaman sa R. Blvrd kaya ayaw mo ako ihatid o siya mauna nako ! Bye mwuah love you !" sigaw nito sa akin sabay sakay sa taxi .

So alam pala niya hahah hindi talaga ako makapag tago dun .

Yan ang nasa isip ko habang nag d-drive papuntang R.Blvrd

Ng makarating dun. Umupo lang ako sa bench at pinapanuod ang magandang tanawin ng sunset . Ng may biglang umupo sa tabi ko .

Si tom .

"bakit ka naman nandito ?" pagtanung ko sa kanya .

Pero imbes na sagutin ang tanung ko .

Nilagay niya ang isang earphone sa tenga ko .

At nag play ang kantang 'Maybe-King'

There a was waiting for a chance

Hindi naman libre ang second chance tom . Kung iisipin higit pa sa dalawa ang ibinigay ko pero bakit ngayon ganito ka .

As my love its stronger than before i want to see you more and more but you close the door

Bakit kung kailan nahuhulog nako sa iba na dalawang araw ko pa lang nakakasama

Maybe it's wrong to say please love me too because i know you'l never do.

Pero ano nga ba ang masama sa second chance . Kung ang diyos nga nagagawa ako pa kayang hamak na tao lamang .

Somebody else is waiting there outside for you .

Baka ito na ? Baka ito ang hinihintay ko ?

"sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko .." naluluhang sambit sa akin ni tom ng matapos ang kanta .

"oo tom. Wag ka ng umiyak ." sabi ko dito sabay yakap dito .

ROB POV

Bakit may kayakap siyang iba ?

Ito yung lalake sa bar .

Pero bakit ?

Bakit ganito ang nararamdaman ko ?

Parang pinipiga ang dibdib ko .

---

Please Share and Vote !

---Loveyouall ♥♥♥

The Person Who Risks Nothing Does Nothing .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon