'Good morniiiing maaaam' bati saakin ng mga kabataan
Ang saya'y sa tinig nila mahihimigan
kahit paulit - ulit lamang naman,
ang kwentong nais nilang mapakingganAng araw ay tuluyan nang lumisan
Hindi na alintana ang buhos ng ulan
aking sinulong ang bawat patak
hanggang sa nakarinig ako ng mga padyak
Mga padyak na alam kong palapit saakin ang daang tinatahak
at sa paglingon ko'y , ang mga butil ng tubig ay hindi ko na naramdaman
dahil sa itaas naming dalawa'y sumasangga ang payong na walang kulayHindi ko alam kung kailan
Kung paano at kung saan
Pero ramdam kong dito na nagsisimula ang kwento
kung paano akong nahulog saiyo.Kwento kung paanong sa tyan ko'y nagkaroon ng paru paro
Kwento kung paano mo ipinaramdam na ako'y espesyal sayo
Kwento kung paanong pinatahan mo ako
Kwento kung paanong niyakap mo ako sa panahong tinalikuran na ako ng mundoKwento, kung paanong nagliliwanag ang iyong mga mata
sa tuwing nakatingin ka sa kaniya
Kwento kung paano akong nasisilaw sa iyong mga ngiti
sa tuwing magtatagpo ang inyong mga labi
Kwento kung paanong sinambit mo ang salitang 'mahal kita' habang nakatingin sakaniyaOo, mahal kita pero teka
parang magulo na..
Magulo na ba?
Kasi Oo, magulo talaga.
Kasi Oo, mahal kita.Minahal kita, habang nasasaksihan ko kung paanong unti unti mong naabot ang salitang 'mahal din kita' mula sa kaniya.
Minahal kita, habang nasaksihan ko kung paanong pinatahan mo din siya.
Minahal kita habang nasaksihan ko kung paanong minahal mo siya.
Minahal kita at nanatili ako.
Minahal kita at nanatili akong minamahal ka.Magulo talaga...
dahil ang mga paru parong iyon ay bunga lamang ng imahinasyon ko
dahil ang mga espesyal na pakiramdam na dulot mo'y dahil lamang magkaibigan nga tayodahil akala ko ako, tayo ang bida
Pero nagsasalaysay lamang pala ako ng kwento ng ibakwento ninyong dalawa.
Ikaw? Anong kwento mo?