April 11, 2017
Juls' POV
I was awakened with the urge to sneeze due to something poking on my nose. I opened my eyes and saw Nico grinning ear to ear while inserting feathery-something on my nose.
"Anu ba tol! Natutulog yung tao eh." pasigaw kong sabi kay Nico. Pero parang bingi itong kaibigan kong ito dahil itinuloy naman niya sa kiliti sa tenga ko ang hawak nyang balahibo.
"Tol! Ano ba! Bakit ka ba nanggugulo agang-aga eh!" sita ko kay Nico.
"Tol bumangon ka na dyan may kelangan tayong gawin bilis tanghali na!" sagot ni Nico sa akin habang pinapahid sa mukha ko ang balahibong hawak nya.
Bwisit. Bat ko ba naging kaibigan 'tong mokong na'to! Pinilit kong bumangon kahit pupungas-pungas pa ako para lang matigil na si Nicodeyl sa kakulitan.
"Ano bang meron? Ano bang gagawin natin?" tanong ko sa kanya habang hinihilamos ang kamay ko sa aking mukha.
"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong sa akin ni Nico.
I looked the date on my phone to check. April 11. "Anong meron ba ngayon?" Nagtatakang tanong ko kay Nico.
"Ano ka ba tol? Ngayon ang uwi ng prinsesa natin!" sagot ni Nico.
Prinsesa? Hala! Oo nga! "Tol bat ngayon mo lang pinaalala? Di mo agad sinabi tara na!" nagmamadaling sagot ko habang inaabot ang tuwalya malapit sa aking higaan. I decided to take a shower first before going downstairs. It's a big day today. Pinauna ko nang bumaba si Nico.
"Oh nak, kain na. Magkape muna kayo ni Nico." sabi ni mama pagpunta ko sa kusina para mag-almusal.
"Opo ma." sagot ko kay mama. "Tol ano plano?" tanong ko kay Nico habang kumakain ng pandesal.
"Syempre pupunta tayo sa kanila. May inihahanda ng pa-welcome back sina Tita Grace doon." sagot ni Nico.
"Ah ganun ba? Sige." sagot ko. Ano kaya ang magandang gawin bilang salubong sa kanya?
Pagkatapos naming kumain at magkape ay nagmamadali kaming pumunta sa bahay nina Tita Grace. Ilang metro lang ang layo ng bahay namin ni Nico sa isa't isa. Ganun din ang bahay nina Tita Grace.
Pagdating namin sa kabahayan ay nadatnan naming abala ang mga tao. May nagkakabit ng bandera sa dingding ng sala na may nakalagay na "Welcome Back".
Nakita namin si Tita Grace naglalabas ng mga pagkain.
"Tita tulungan na namin kayo." sabi ko kay Tita Grace habang kinukuha sa kanya ang dala nitong pansit.
"Tita may lumpiang shanghai ba?" tanong ni Nico. Natatawa namang sumagot sa amin si Tita Grace.
"Mga batang 'to talaga oo. Buti at nandito kayo. May mga ilalabas pa doon." sagot ni Tita Grace.
Natapos namin ang paghahanda bandang ala una ng hapon. Gutom na kami. Gutom na ako. Pakiramdam ko kinakain na ng big intestine ko ang aking small intestine. Kawawa naman.
"Tita asan na daw po sya?" tanong ni Nico na hinihimas na rin ang tyan. Malamang gutom na'tong mokong na'to.
"Malapit na daw sya sabi nya sa text kanina." sagot ni Tita Grace. Saktong may pumaradang sasakyan sa labas ng bahay. Sasakyan yon nina Tito Jun, asawa ni Tita Grace.
Andyan na sya! Nakaramdam ako ng kaba. Taon na rin mula ng huli kaming magkasama-samang tatlo.
Bumaba ang isang maliit na babae sa sasakyan. Mas maikli kumpara sa dating gupit ang buhok nya ngayon. Mas maputi at mas nagkahubog ang katawan. Nakatingin lamang ako sa babaeng naglalakad palapit sa amin. Napakaganda nya.
Catherine Medina. Ikaw ba talaga yan? Tanong ko sa sarili ko habang papalapit sa amin ang magandang dilag.
"Juls." sabi ni Cath sa akin habang nakangiti.
"C-cath. Hi!" nauutal kong sabi. Fuck! Bat ba ako nauutal? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nauutal na makaharap ang aming kaibigan.
"It's been 4 years! Kamusta?" tanong ni Cath sabay tapik sa braso ko. Tapik lang naman ang ginawa ni Cath pero para akong nakuryente. Sasagot sana ako ng biglang lumabas sa kusina si Nico.
"Catheriiinneee! Pusaaaa!" tumatakbong sigaw ni Nico kay Cath. Muntik ng matumba sa pagkakayakap ni Nico si Cath. Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa tagpong iyon.
"Hahahaha. Hanggang ngayon ba yan pa rin tawag mo sa'kin Nicodeyl?" natatawang sabi ni Cath.
"Namiss ka namin! Kamusta ka?" sagot ni Nico.
Napagdesisyunan kong iwan muna silang dalawa dahil nagugutom na ako. Habang kumukuha ng pagkain, hindi ko mapigilang tingnan ang dalawa kong kaibigan. Masaya silang naguusap at nagkukwentuhan. Pero parang hindi maganda ang nararamdaman ko. Julio Oliva anong nangyayari sayo?
BINABASA MO ANG
Nico, Cath & Juls
RomanceJust when you thought you know how this story ends, who will win the war between love and friendship? ----------------------------------------- Story is written in Tagalog - English (TagLish) Started: September 28, 2020 Completed: --