April 22, 2017
Jul's POV
Dalawang linggo na simula ng bumalik si Cath. Dalawang linggo na rin akong hindi mapakali. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing kasama namin si Cath. Matagal na kaming magkakaibigan. Matagal na kaming magkakasama lalo na ni Nico. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba kapag nakikita kong naguusap o di kaya ay nag-aasaran si Cath at Nico.
Katulad ngayon. Nag-aasaran sila ng tungkol sa kung paano kami tinalo noon ni Cath sa basketball. Nasa bahay kami ni Cath para makikain ng meryenda. Masarap kasing magluto ang mama ni Cath kaya doon ang paborito naming tambayan.
"Anong gagawin nyo ngayong hapon?" tanong ni Cath sa amin ni Nico.
"Ano ba magandang gawin?" tanong ni Nico.
Sumali na ako sa usapan nila. "Tara tol basketball tayo." aya ko kay Nico.
"Gusto mo sumali pusa?" tanong ni Nico kay Cath. Bakit mo naman inaaya si Catherine? Sabi ko sa sarili ko. Nagsimula na naman akong mainis.
"Hindi Nics. Jusko sa lalaki nyong yan. Ano namang panama ko sainyo?" natatawang sagot ni Cath.
Panalo ka nga sa akin. Sabi ko isip ko. "Edi tayo nalang." sabi ko kay Nico habang nakatingin kay Cath. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Catherine.
"Sige Tol tara magbasketball. Pakurot muna ako pusaaaa." sagot ni Nico habang tumatayo sa kinauupuan nya. Kinurot kurot nito ang pisngi ni Cath. Nainis na naman ako sa nakita ko.
Pumunta kami ni Nico sa basketball court na katapat lang ng bahay nina Cath. Nasa gitna iyon ng subdivision. Wala pang gumagamit ng oras na iyon. Kumuha saglit si Nico ng bola sa kanilang bahay kaya naiwan ako sa gitna ng court. Mayamaya ay bumalik rin ito. Pinagmasdan ko si Cath. Nakatingin ito kay Nico habang naglalakad.
"Tol saluhin mo!" sigaw ni Nico sa akin habang bato ang bola papunta sa direksyon ko. Sa sobrang lakas ng pagkakabato ni Nico, tumama sa ulo ko ang bola. Natumba ako sa hilo.
"Tol? Ayus ka lang?" tanong ng pamilyar na lalaki sa akin. Hindi ako makabangon sa sakit ng ulo ko. Magkakabukol pa ata ako.
"Juls? Ayus ka lng ba?" rinig kong sabi ng isang babae sa akin. Si Cath! Hinahaplos nito ang aking noo na tinamaan ng bola.
"Cath, pwede ba kitang ligawan?" wala sa sariling tanong ko kay Catherine. Narinig kong nahulog ulit ang bola ng basketball sa aking tabi. Napuwing ako sa pagkakahulog na iyon.
Ano ba yan napakamalas ko naman. Napabalikwas ako ng bangon sa kahapdian ng aking mata.
"Juls anong sabi mo?" tanong ni Cath sa akin.
"Teka lang napuwing ako." hindi ko maimulat ang aking kanang mata. Parang maraming buhangin ang pumasok sa mata ko.
Nakita kong lumapit sa akin si Cath. Lumuhod sya sa harap ko at nagsimulang hipan ang aking mata. Napakalapit nya sa akin.
"Cath, pwede ba kitang ligawan?" tanong ko kay Cath.
Malinaw na sa akin ang lahat. Nagkakagusto na ako kay Catherine. Kaya ako ganito ng mga nakaraang araw. Kaya hindi ko kayang makita ang pagiging close ni Nico at Cath. Kaya hindi ko magawang lumapit ng matagal kay Cath. Dahil hindi lang paglapit ang nais ko sa kanya. Kundi ang matawag syang akin lamang.
Sana palarin. Sana hindi ako mabigo.
BINABASA MO ANG
Nico, Cath & Juls
RomanceJust when you thought you know how this story ends, who will win the war between love and friendship? ----------------------------------------- Story is written in Tagalog - English (TagLish) Started: September 28, 2020 Completed: --