Cath's POVMaaga akong nagising upang maghanda ngayong araw. At last! After 4 years, makakauwi na rin sa aking lupang sinilangan, Cebu City!
I got up to take a bath and eat breakfast. Naalala ko ang dalawa kong kaibigan. Ano na kayang itsura nila? I mean, of course, nakikita ko naman sila sa facebook pero syempre iba yung sa personal.
Kinuha ko ang mga gamit kong dadalhin pauwi. I swept my gaze all around the bedroom to check if I forgot something. Nakita ko ang diary kong naiwan pa sa side table. Dali-dali kong kinuha ang diary ko upang ilagay sa bag. Nahulog mula sa diary ang isang litrato. Kaming tatlo nina Juls at Nico ang nandon nung nga bata pa kami. Napangiti ako sa alaala.
My aunt and uncle drove me to the airport for my Cebu flight. Nagpasalamat ako sa mga ito sa apat na taong pagpapatuloy sa akin sa Manila.
"Tita, Tito, alis na po ako. Salamat po ng marami sa pagpapatuloy sa akin. Promise po bibisita pa din ako." sabi ko kina Tita Marie at Tito Ted.
"Magiingat ka iha ha. Itext mo kami pag nakalapag ka na." naluluhang paalam ni Tita sa akin.
Niyakap ko sila bago ako maglakad papasok ng NAIA.
10:30am
Nakalapag na ang eroplanong sinakyan ko papuntang Cebu. From afar, I can easily see my father waiting on the waiting area.
"Papa!" tumatakbong sigaw ko kay Papa. Namiss ko talaga ang yakap ng Papa ko.
"May dadaanan ka pa ba bago tayo umuwi?" tanong ni Papa sa akin habang inaayos ang aking mga gamit sa sasakyan. Matagal na ang sasakyang ito sa aking ama. Teddy ang tawag naming magkakabarkada dito. Naalala ko nung minsang sinubukan naming idrive ang sasakyan na ito. Ako ang driver, ang dimunyung taga-turo ay si Julio at Nico. Nasagasaan namin ang lahat ng halaman ni mama, at ng mga kapitbahay na nakapaso. Napagalitan kami noon ng magulang ko. Natawa ako sa alaalang yon.
"Bibili lang po ng pasalubong Papa."sabi ko kay Papa. Pasalubong para sa mga pamangkin kong maliliit. Anak ni Kuya Kiel.
Dumaan kami sa Pasalubong Center malapit sa airport upang bumili ng pasalubong. Nakakita ako doon ng iced gem. Paboritong pagkain namin iyon nina Nico at Juls. Naalala ko, inuubos muna namin ang icing bago namin kainin ang tinapay. Muli akong napangiti sa mga alaala.
Habang nasa daan, pinagmasdan ko ang bayang kinagisnan ko. Napakarami ng nagbago. Marami na rin ang mga nakatayong establishments sa mismong City.
Ala-una na ng hapon ng makarating kami ni Papa sa aming baranggay. Napaka-nostalgic ng paligid sa bawat bahay at kanto na nadadaanan ko.
Mayamaya pa, nakarating din kami sa aming bahay. Pinagmasdan ko ang bahay namin bago ako bumaba. Walang nagbago. Yun pa rin ang bahay na kinagisnan ko.
Nakita ko kaagad si Mama pagbaba ko ng sasakyan. Tatakbo akong yamakap kay Mama.
"Namiss ka namin anak." naluluhang sabi ni Mama. Ako man ay naluluha rin. Nandoon sa bahay lahat ng pamilyar na mga tao sa akin. Hinanap kagad ng aking mga mata ang pakay ko sa bahay.
Nakita ko si Juls na nakatayo at nakatingin sa akin malapit sa kusina. Mabilis akong lumapit sa kanya, hoping na walang nagbabago.
"Juls." nakangiti kong bati kay Julio.
"C-cath, hi." nauutal na sagot ni Juls. Nakakapagtakang parang nagulat mula sa malalim na pagiisip si Juls. Nagbago ka na ba? Hindi mo ba ako namiss? Nagtatampong sabi ko sa isip.
"Kamusta? Tagal din nating di nagkita ah. It's been 4 years!" sabi ko kay Juls, hoping na makipagkwentuhan sya sa akin.
Out of nowhere, Nicodeyl-the-bully appeared.
"Catheriiiiineeee. Pusaaaaa!" tumatakbong sigaw sa akin ni Nico sabay yakap sa akin. Ang laki na nyang tao. Ang laki ng itinangkad nila. Nagmukha na silang binata sa paningin ko. Samantalang ako, kid size pa rin.
"Hahahahaha. Hanggang ngayon ba Nicodeyl yan pa rin ang tawag mo sa akin?" natatawang sagot ko kay Nico.
Napansin kong lumayo na sa amin si Julio papunta sa lamesa upang kumuha ng pagkain. Bakit sobrang tahimik mo Juls? Anong nangyari? Hindi mo nga yata ako namiss. Malungkot kong sabi sa isip ko.
"Kamusta Cath? May boypren ka na ba?" diretsong tanong ni Nico na nagpabigla sa akin. Nasamid ako sa diretsahang tanong ni Nico.
Bat mo naman tinatanong yan Nico? Ako? Magkakaboypren? Hahaha. "Jusko Nicodeyl Santos, bat naman ganyan ang mga tanungan?" natatawa kong tanong kay Nico.
Tiningnan ko si Juls. Nakatingin lang sya sa amin ni Nico. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya ngayon. Kung bakit sobrang tahimik nya. Hindi ka naman dating ganyan.
"Alam mo Nico kumain ka na lang doon ng lumpiang shanghai. Sige ka mauunahan ka na ni Julio oh." sabi ko kay Nico habang tinutulak siya.
Napansin kong nagkatinginan ang dalawa sabay lingon sa aking gawi. Lumingon ako sa bandang likuran ko upang tingnan kung ano ang tinitingnan ng dalawa. Wala naman. Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?
BINABASA MO ANG
Nico, Cath & Juls
RomanceJust when you thought you know how this story ends, who will win the war between love and friendship? ----------------------------------------- Story is written in Tagalog - English (TagLish) Started: September 28, 2020 Completed: --