Chapter 23

25 3 68
                                    

BYEONGYUN’S POV

Pagkatapos kong maihatid pauwi si Soobin, na wala naman talaga dapat sa aking plano ay umuwi na ako sa bahay.

Wala na rin naman akong ibang gagawin maliban sa mag-impake ng aking mga gamit para sa pagpunta sa bahay ni Ate Jiyun bukas.

Pabagsak akong napahiga sa kama matapos kong isara ang isang malaking bag na may lamang mga damit.

“Are you leaving?”

Lumingon ako sa aking gilid at doon ay nakita ko si Uno habang patay-sindi ang ilaw sa nagsisilbi niyang mga mata. Para siyang kumukurap.

Napangisi ako.

“Are you trying to look cute in front of me, Uno?”

“Can I—”

“Yes, I’m leaving tomorrow, but you can’t come with me,” pagputol ko sa kaniyang sasabihin.

“Okay,” aniya sabay alis sa aking harapan.

Bumangon ako’t naupo sa ibabaw ng aking kama habang pinapanood si Uno. Para kasi siyang batang nagtatampo.

“You have to stay in the house for me, Uno. No one’s going to take care of it when I’m away,” sigaw ko saka napangiti.

Muli akong nahiga makaraan ang ilang segundo. Bumuntong-hininga pa ako nang maisip ko kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin.

Kinapa ko ang aking telepono sa ilalim ng mga unan at nang makita ko iyon ay nagtipa agad ako ng mensahe para kay Ate Jiyun.

“Can I call?”

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad siya.

“In a meeting. Why? What’s up?”

Gumulong pa ako sa kama bago ako nag-reply sa kaniya.

“In a meeting, but you replied instantly? Kidding me, lady. Who are you texting with except to your brother right now?”

“Do you really think I would tell you?”

Napataas ang aking kilay. Habang nakatitig sa screen ng aking telepono ay napasinghap pa ako.

“So I’m right? I’ll kill him tomorrow,” reply ko.

“Come on, Byeongbyeong. Did I threatened Deborah’s life?”

Dahil sa nabasa kong iyon ay natigilan ako. Agad din akong napabangon saka tinitigan ang cursor sa message reply box.

Sa ngayon, sa tuwing naaalala ko si Deborah ay hindi ko pa rin maiwasang hindi maisip ang katangahang ginawa ko kanina.

Humiga ako ulit kasabay ang pagbato ng aking telepono sa aking gilid.

“Naega michingeoya!” I’m going crazy! hiyaw ko nang matakpan ko ng unan ang aking mukha.

Maya-maya’y tumunog ang aking telepono senyales na may tumatawag. Nag-alangan pa ako kung hahayaan ko na lang bang tumunog iyon o sasagutin ko rin.

Inalis ko ang unan sa aking mukha. Nang kunin ko ang telepono at tingnan iyon ay hindi ako nagkamaling si Ate Jiyun ang tumatawag sa akin.

“Where’s my reply?” aniya pagkasagot ko sa kaniyang tawag.

Tumikhim ako bago ako nakapagsalita. Sabi ko, “I thought you’re in a meeting? Why are you calling me?”

Ramdam ko ang pagtikwas ng kaniyang nguso matapos kong sabihin iyon.

“Tss. Is it because I called you Byeongbyeong or is it because of Deborah? Why? You two had a fight?”

Fulfilled Duties (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon