CHAPTER SIX: AMINAN

23 3 0
                                    

[Third person POV]

"Anong ginagawa mo diyan?!" Sigaw ng isang babaeng hulas na hulas nang dahil sa pawis.

Hindi malaman ni Hoseok kung ano ang dapat isagot sa tanong na iyon.

"Ah.. ano Llean... Napasok kasi ako dito.. Nakita ko lang tong picture." Medyo nag aalangang sagot Ng lalaki.

"What's this commotion about?" Tanong ni ashley habang dahan dahan siyang ibinababa ni TaeHyung sa kaniyang wheel chair.

Nabalot sila ng isang nakabibinging katahimikan.

Napatitig si Ashley sa kwartong unti unti niyang nakikilala.

Ito ay ang kwartong.....

Ang kwartong.....

The kwartong....

Ang room....

Osige na ito na...

Ang kwartong....

Nilagyan niya ng mga bagay na maaaring magpaalala sa kaniya ng batang nais niyang makalimutan.

Binasag niya ang katahimikang bumalot sa kanila.

"Hoseok oppa.... What are you doing in that room?" Sabi niya nang may mga luhang nagsisimulang mamuo sa kaniyang mga mata.

"And most importantly.... what are you doing.... holding...that...frame?" Sinabi niya at nagsimula nang tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

Mukhang may dapat akong ayusin.... naisaisip ni Hoseok na ngayon ay nakatayo habang hawak ang frame gamit ang isang kamay..

"Ashley, can we talk alone?" Sabi ni Hoseok at iniwan na sila ng iba.

[Ashley POV]

Bakit siya nandito sa loob... ng kwarto na to?

Iniwan na kami ng iba.

"Why are you in here?" Tinanong ko habang umiiyak ako. Ayoko nang balikan pa yung pangyayari na yun. Naaasar lang ako.

"Do you still remember..... who this kid is?"

"Bakit mo ba ko tinatanong niyan?! Wala ka namang alam!! Wala kayong alam!!! Wala kayong alam sa nakaraan ko kaya please lang wag niyo na akong pakialaman ngayon!" Tapos umiyak na ako nang umiyak.

Naaasar ako... Bumalik ulit lahat. Lahat ng sakit na naramdaman ko.

"Ashley, alam mo ba na ang batang kasama mo dito.... ay si J--"

"Oo!! Alam kong si Jean (john) ang kasama ko si litratong yan! Masaya ka na ba?!" Naaasar na ko sa kaniya.

"Hindi siya ang kasama mo. Si SeokJin ang batang to." Napatigil ako bigla

Hindi....

"Hindi!!! Tama na!!! Tama na!!! Ayoko nang marinig ang mga sasabihin mo!! Sinungaling!!!" Sigaw ko.. Iyak lang ako nang iyak.

Ayoko sa batang yan... Dahil yan ang batang pinipilit nilang ipakasal sakin...

Oo.... Bata pa ako noon.. Pero nakikita ko kung paano yung mga awayan nila mama at papa. Ayokong magpakasal sa lalaking pinilit lang sakin.

Naiinis ako. Ganun kasi ang nangyari kay mama at papa. Arranged marriage. Pareho nilang ayaw pero wala silang ibang choice dahil sila lang ang kaisa isang anak ng mga magulang nila.

Narinig yata ng iba yung sigaw ko. Narinig ko na nagkakalampagan sa labas.

"I'm sorry Llean... Alam ko kasing may hindi ako maaayos kung hindi ko to gagawin.... Sana hindi ka galit sa kin."

Lucky He's Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon