Hi! Im Jill Cortez. And Im a writer. 23 years old. At nandito ako ngayon sa isang park, nakaupo sa isang bench. Hindi para maglaro pero para magkaroon ng ideas tungkol sa magboyfriend and girlfriend. Kailangan kong mag-observe para sa ginagawa kong libro.
Hindi naman sa wala akong alam sa mga ganun. Pero, first time ko kasing gagawa ng isang istorya tungkol sa magkasintahan. Ang talagang sinusulat ko kase ay tungkol sa mga kalikasan o mga bagay. Pero hindi talaga related sa love. Kaya ngayon, kailangan ko talagang mas makilala ng mabuti ang sides ng bawat isa. Alam ko na ang lahat tungkol sa isang babae. Mula sa mga gusto, at mga galaw nito. Siyempre. Babae ako. :P Kaya nahihirapan nalang ako sa lalaki. Mula sa ugali, porma, kilos, at mga gusto nila. Hirap na hirap talaga ko. Wala kase talaga kong alam sa kanila. Well, may mga kakilala akong lalaki. Pero it's not enough para maging perfect ang ginagawa kong story. T^T
Wala naman akong friends na lalaki para sila nalang ang pagbasehan ko. Kaya heto ako ngayon. Nagmamasid sa mga magkarelasyon.
"Hay."-ilang beses na bang lumabas ang salitang yan sakin? -_-
"Kanina pa ko dito, pero wala pa din akong maisulat."-nasabi ko nalang sa sarili ko.
Kinuha ko ang isang biscuit mula sa bag ko. Wafrets. Lagi kong kasama yan. Kapag problemado ako, kakain nalang ako niyan. Tapos, mawawala na. :) Makakaisip na ako kaagad ng paraan para masolusyunan ang problema ko.
"Saan ba ko magsisimula?"-tanong ko sa hawak kong notebook.
Nababaliw na yata ako. -_- Hay nako! Bakit ba kase ito pa ang naisipan kong gawin ngayon? Eh alam ko namang wala akong hilig sa topic na 'to? >//<
Itinago ko muna siya sa bag ko kasama ang ballpen na bigay ng mommy ko. Itinaas ko ang paa ko sa bench at nag-indian seat. Rest time muna. Nangangalay na ko. Kumuha pa ko ng isang Wafrets. Actually, marami akong dala kaya hindi ako magugutom saan man ako magpunta. Isang plastic kaya bitbit ko. xD
"Miss, pwedeng makahingi?"-...
Napalingon ako sa nagsalita. "Ako ba kausap nito?" tanong ko sa sarili. Siyempre, sa isip ko lang. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Walang tao. So, ako nga?
"Ito ba?"-tanong ko sa kaniya habang pinapakita ang wafrets na hawak ko.
Tumangu-tango siya bilang sagot. Kaya kumuha pa ko ng tatlo sa bag ko at inabot ko sa kaniya.
"Ang dami naman nito. Salamat ah."-sabi niya.
Ngumiti nalang ako.
Hindi naman siya mukhang mahirap o pulubi para humingi sakin ng pagkain. Hindi din naman siya mukhang holdaper or whatsoever para gumawa ng masama. Pero, mukha siyang mayaman. Dahil maputi at makinis ang balat niya. At mula dito sa kinauupuan ko, amoy ko ang mamahaling pabango niya.
Alam kong mamahalin, dahil naamoy ko iyon sa mga taong nakakasalamuha ko kapag may nire-release akong libro.
Teka nga? o,O"
Alam ko na! *O*
Makakatulong 'to sa ginagawa ko! Haha! Sabi na eh! Wafrets ang solusyon sa problema ko. :D
Kinuha ko kaagad ang notebook at ballpen ko.
___________________________________________
Note:
Mahilig ang mga lalaki sa pabango.
__________________________________________
Ayan. May nasulat na ko kahit papano.
Napansin kong umalis na ang lalaking nanghingi sakin ng wafrets. "Sino kaya siya? Pwede kaya niya kong tulungan?"
Tanging nasa isip ko habang nakatingin sa lalaking palayo sa direksyon ko.