"Ma, dapat ko pa po bang ituloy ang ginagawa kong istorya? Nahihirapan na po kase talaga ko. May maisip man akong ilagay. Nawawala din kapag pumapasok sakin na hindi akma yun or hindi siya magfifit."-tanong ko kay mommy habang kumakain kami ngayon dito sa kusina.
"Alam mo anak. Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo. Ikaw ang nagsusulat. Kaya nasasa'yo iyon kung kaya mo pa bang ituloy o hindi. Ikaw ang magdedesisyon dahil kamay mo yan. Ikaw ang gumagawa. Ang tanging sa akin lang, huwag mong sayangin ang isang bagay na naisipan mong gawin. Dahil baka mamaya, isang beses. Pagsisi-sihan mo lang."-paliwanag naman ni Mommy.
"So, itutuloy ko po?"-tanong ko ulit.
"Kumain ka na nga lang muna."-sabi naman ni Mommy habang naiiling iling na natatawa sakin.
_______________________________
Kagigising ko lang at mukhang hindi pa sumisikat ang araw. Napagdesisyunan kong bumangon na. Dahil gising na din naman ang diwa ko.
Naghilamos ako at nagmumog. Bumaba ako at naabutan ko si Mommy na nagluluto na ng agahan namin.
"Ang aga mo naman yatang nagising ngayon, anak?"-tanong ni Mommy sakin.
"Naalimpungatan lang po ako. Kaso, nagtuluy tuloy na gising ko eh."-paliwanag ko naman.
"Oh ayan. Pancakes. Kumuha ka nalang ng syrup diyan."-sabi ni Mommy.
"Wow! Favorite! ^_^"-sabi ko at tuluyan ng kumain.
Nang matapos akong maligo at nakapagpahinga ng kaunti. Napagisip isip kong mag-jogging muna. Maaga aga pa naman at hindi pa masyadong sikat ang araw kaya maganda pa ang oras para tumakbo. Sinama ko ang aso kong si Bunny. Isa siyang bearded collie. Napagpasiyahan kong umikot lang dito sa Village. Para hindi ako mapagod ng sobra,dahil after kong mag-jogging. Pupunta na ko ulit sa park. Yeah. Buo na ang desisyon ko. Itutuloy ko ang istorya about love.
Nakaupo ako ngayon sa gutter. Nagpapahinga muna. Pagod na din naman si Bunny. And as usual, kumakain ako ngayon ng wafrets. Si bunny, siyempre dog food. XD Hawak hawak ko ang tali ng aso ko. Kahit kailan hindi ko pa yan nabibitawan. Bakit? Dahil kilalang kilala ang mga bearded collie sa pagiging magaling sa pagtakas sa amo. So eto ko ngayon, bantay sarado siya.
Iinom sana ko ng tubig. Nang biglang lumuwag ang tali ni Bunny sa kamay ko.
O_O"
"Bunny!"-sigaw ko sa kaniya.
At siyempre, hindi yan titigil kahit amo niya ko. T^T
"Bunny! Akala ko pagod ka na. Bakit ang bilis mo pa ding tumakbo."-sabi ko habang hinahabol siya.
Teka? Nasaan na yun? O_O"
"Bunny? Bunny? Nasaan ka na? Bunny naman eh. Huwag ka na magtago kay Mommy okay? Come here na. Please."-yan lang ang tanging sinasabi ko habang hinahanap ko siya.
"Bunny!"-sigaw ko pa.
Hanap dito, hanap doon. Wala pa ding Bunny. Paiyak na sana ko nang biglang...
"Arf! Arf!"-kahol ng isang aso.
At hinding hindi ko makakalimutan iyon. Dahil yun ang...
"Bunny ko! Thanked God you're safe!"-sigaw ko habang patakbo ko sa kaniya.
"Muwaah! Namiss ka ni Mommy! Huwag mo ng uulitin yun okay? Iiyak talaga ko, sige ka."-sabi ko habang inaamo siya.
"Halata nga."-...
Huh? O_o
"Arf! Arf!"-kahol ni Bunny.
"Bye doggy. Pakabait ka na next time ah."-...
"Arf! Arf!"-Bunny.
O_o
At hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi pa din ako makaimik.
"Siya din ba yung kahapon sa park?"-natanong ko nalang sa sarili.