Ina ng Lahat

26 4 2
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is unedited. Expect some typographical and grammatical errors while reading the short story. Please be advised that this story is not suitable for young readers for it may have mature themes for their young age. 

•••

Narito ako ngayon sa harapan ng isang napakalaking bahay at namangha ako dahil mukhang sobrang dami ng naninirahan sa bahay na ito. Sa tingin ko ay hindi pangkaraniwang bahay ang dapat itawag dito kung hindi ay isang mansyon.

"ikaw ba si Renzo?"

Napatingin naman ako kung saan nanggaling ang boses na aking narinig. Nakita ko na may babaeng mas matanda sa akin na sumisilip sa malaking pinto ng kanilang mansyon.

Nanatili lang ako sa aking puwesto at sinagot ko siya ng buong makakakaya ng aking boses.

"Opo, ako po!" sabik na sigaw ko sa kaniya. Natawa naman ang binibini sa aking inasta at lumapit siya sa akin para ilahad ang kaniyang kamay.

"Ako si Manang Lydia. Ako ang tagapamuno sa mga katulong dito sa mansyon."

Tinanggap ko naman ang inalok niyang kamay at nagpakilala na rin sa kaniya. "Ako po si Renzo Dimasilangan, ang personal care giver na inyong kinuha." Ningitian lang naman niya ako at inaya nang pumasok sa loob ng kanilang mansyon.

Nandito ako sa malaking sala ng mansyon at namangha ako sa laki at angking ganda ng aranya (chandelier)  na nakasabit sa kisame. Kumikislap-kislap ang mga kristal dahil sa bumbilyang nakabukas sa loob nito. Umupo na muna ako sa kanilang malambot na sofa at nagpatalbog talbog ako ro'n dahil sa sobrang lambot n'on.

Napaayos naman ako ng aking pagkaupo nang nagsalita si Manang Lydia. Bigla naman akong nahiya sa aking ginawa sapagkat hindi ko naman bahay iyon pero ganoon ang inasal ko.

"Hijo, maiwan muna kita rito saglit para maayos na ang kwarto na iyong tutulugan."

Tumango na lang ako bilang sagot at agad naman siyang umalis para asikasuhin ang aking kwarto. Napangiti na lang ako sa sarili ko sa sobrang tuwa dahil mukhang magiging magarbo ang aking kwarto.

Napukaw naman na atensiyon ko ang malaking litrato ng pamilya sa gitna. Tumayo naman ako at pinuntahan ang litrato para tingnan ang pamilya ng aking aalagaan.

May isang matandang babae at apat na anak ang nakapalibot sa kaniya. Dalawang dalaga at dalawang binata ang nakapalibot sa kaniya at makikita na sobrang saya ng matandang babae kaysa sa mga anak niya na puro peke ang ngiti sa litrato.

"Siya siguro 'yung aalagaan ko.. " bulong ko sa sarili ko.

"Tama ka diyan, hijo. Si Nanay Frances ang iyong aalagaan."

Napatalon naman ako bigla nang may narinig akong boses sa aking gilid. Nagulat na lang ako nang makita na naroon na pala si Manang Lydia na nakangiti pa sa akin.

"Kanina pa po ba kayo diyan? Pasensya na po kung lumilibot ako ng walang paalam," pagpapaumanhin ko sa kaniya.

"Ano ka ba, hijo. Ayos lang. Mabuti na rin 'yung kinikilala mo ang iyong aalagaan para alam mo kung paano mo siya pakikisamahan," ngiting sabi ni Manang Lydia sa akin.

Ina ng Lahat - (The Mother of All)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon