Part Fourteen - Soul Bound

15 5 0
                                    


Pinunasan ko ang mumunting pawis habang  nagpapahinga sa labas.

Kung gaano ako katuwa nung nalaman kong sa bahay na kami nakatira, ganun din ang pagsisisi ko ngayon.

" Ah! Nakakapagod maglinis," sambit ni Bryan at nag-unat. 

" Sana nga sa kweba nalang tayo eh. Hindi natin kailangan maglinis dun," tugon ko.

We had a schedule for general cleaning today. I cleaned every book, making sure no dust would taint it. I need to weed out the garden, sweep the backyard and all. It's exhausting. Hindi nga ako nagwawalis sa amin tapos dito daig ko pa maintenance staff!

" Ngayon ko lang rin yan na realize," nagmamaktol na wika ni Bryan. " Balik na ako sa loob ha, ang dami  pa nating lilinisin eh. Sumunod ka saken agad," he added.

Tinanguan ko lang sya.

Nang makapasok na si Bryan sa loob ay agad akong tumakas. Maingat at patakbo akong nagpunta sa ilog malayo sa bahay.

" May naghahabol ba sa'yo?" 

Nagulantang ako at napalingon  sa nagsasalita. He's wearing his usual mask and cap.

" Ikaw lang pala," I said and smiled.

We met again and my heart is thumping differently like it usually does around him.

" Anong ginagawa mo dito Seike? Sinusundan mo ba ako?" I asked.

" Sinusundan?" he repeated in disbelief. " Nakita mo yang mansyon na yan? Dyan ako nakatira. Mas tama yatang sabihin na sinusundan mo ako."

Pinagpagan ko ang sarili.

" Di ka naman mabiro ," wika ko at umupo sa lupa.

Maya-maya lang ay nagsasalita sya ulit.

" I haven't seen you in a while," aniya.

" I've been away. Far away."

He nodded and we were silent for seconds.

" May ipapakita ako sa'yo." May pinutol syang stem ng kung anong damo at ibinigay sa akin.

" Ano yan? Hindi ganyan ang binibigay sa mga babae. Bulaklak dapat hindi damo," natatawa  kong wika.

Ano bang akala niya saken? Kambing?

" Pagmasdan mo 'to," aniya.

Pinagmasdan ko na lang din ang damo.  Dahan-dahang  nabubuo ang Violet flower mula dito.

" Waaaah! Is this for real?!" Hindi ko mapigilan ang sariling mamangha sa nakita.

"It's called Kesei Flower."

" Can I have it?"

" You can't. Ako lang ang natatanging makakahawak nito."

I am slightly disappointed because I expected that it's for me. Will he give it to another girl?

" I would love to give it to you. But you'll burn your hands when you touched it."

Napaismid ako. When his grip of the flower loosened, I stole the flower from his slender fingers.

I chuckled upon imagining his shocked reaction.

" See? Puro ka kayabangan eh. Akala ko ba masusunog ang kamay ko," I said as I twirl the flower in my fingers.

I can't see his face but I can sense the disbelief his mask can't hide .

" Pa'no mo nahawakan yan?" 

Ngumiti lang ako at hindi na pinansin ang tanong niya.

" I'm a bit curious. You always covered your face like that. I can't even see your eyes. "

Claves Series 1: The World Beneath My Blanket  Where stories live. Discover now