Chapter 7
Upset
After my encounter with Vann's mother or should I say family? Bago kasi siya umalis nakita ko sa kotse ang alam kong tita rin ni Vann na masama ang tingin sa akin.
So pamilya talaga ni Vann ang may ayaw sa akin.
Napailing iling nalang ako. His family was crazy! Akala ko sa mga storya ko lang ito nababasa, ngayon nangyayari na sa buhay k-
Natigilan ako bigla sa paglalakad. What if... story nga lang talaga kung nasaan ako ngayon? Mabilis akong umiling at napapadyak pa sa lupa. Kainis naman!
"Ano bang nangyayari sa akin?" Nanlaki ang mata ko bigla.
Inaasahan ko na hindi ko mababanggit ang salitang iyon pero nasabi ko?
'Diba nasasabi ko lang iyon kapag kasama ko si Leon? Mabilis kong nilingon ang paligid ko at confirmed! Natanaw ko si Leon na nakasandal sa puno, na katabi lang ng school hindi kalayuan sa akin.
Nakatanaw siya sa akin at mariin akong tinititigan. Hindi na ako nag-alinlangan pa na lapitan siya kaya tumakbo na ako para makarating agad kung nasaan siya pero bigla akong nagulat nang mabago ang paligid ko.
Hala naman! Ang tagal kong hinintay na makita siya ulit eh! Kailangan ko na siyang makausap!
"Narizz, what's wrong? Let's go." Napalingon ako kay Vann na nakatayo na sa harapan ko.
Palabas kami ng room namin at may pupuntahan na naman yata. Hindi ko alam.
Sinundan ko lang siya at hindi na nagsalita, ilang minuto naman kaming naglakad, huminto na siya kaya ganoon din ang ginawa.
Nasa tapat na kami ngayon ng faculty ng mga teachers. At nang makapasok kami, gustong manlaki ng mga mata ko nang makita ko si Leon na nasa tabi ni Ma'am Lyn.
Bungad lang kasi ang pwesto ni Ma'am kaya kita na kaagad siya kapag pumasok ka, kahit nasa pintuan pa lang.
Nagtama ang tingin namin ni Leon pero tinignan ko lang siya nang masama. He just gave me a smirked.
"Good afternoon, teachers," bati ni Vann sa mga guro na naroon samantalang ako ay tinanguan lang ang mga nakatingin sa amin.
"Ma'am pinatawag niyo raw kami?" Dagdag na sinabi ni Vann at nakita kong dumako pa ang tingin niya kay Leon.
"Ah, gusto ko lang sabihin sa inyo na mula ngayon magiging kasama niyo na si Leon sa pag-aayos ng science fair. Okay lang ba sa inyo?"
My lips parted at muling nilingon si Leon. Mas lalo lang lumawak ang ngisi niya. Hindi ako nakapagsalita, ganoon din si Vann.
Matagal din siyang tahimik pero kalaunan ay tumango. "Okay lang naman po ma'am Lyn. If you have trust in him that he will do a good job on this, then..." hindi na itinuloy ni Vann iyon at tumango nalang ulit.
Malalim na bumuntong hininga naman si Ma'am at ngumiti. Pero bakit parang napansin ko na pilit iyon?
"Sige, I am counting on you, all of you na magiging maayos ang science fair natin. Pinsan mo naman si Leon saka STEM students naman kaya alam kong makakatulong siya sa inyo."
Oh! He's Vann's cousin? Very great!
"Jerk naman..." I suddenly murmured na ikinagulat ko rin. Tinignan ko si Ma'am at si Leon pero mukhang hindi naman nila narinig. Pero narinig naman yata ng katabi kong si Vann dahil napansin kong nakatingin ito sa akin na may namamanghang mga mata.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay kaya inilingan niya na lang ako bago muling binalingan si Ma'am at nagsalita. "Okay po, ma'am Lyn. Actually may meeting nga po kami ngayon ni Narizz."
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...