MAMA CONNIE POV
“Anak, nandito na ako. Kumain ka na ba?” masayang bati ko kay Xavier
“Opo ma. Nilibre po ako ng kaibigan ko.” sagot nya
“Ah mabuti naman. Magluluto lang ako ng kakainin natin para sa hapunan at saka ako aalis.” paliwanag ko sa kanya
“Ma, Anong oras po kayo uuwi?” tanong nya sakin
“Ah anak, hindi ko sigurado kung makakauwi ako ng 10pm. Alam mo naman kung gaano katraffic.” sagot ko
“Sige po. Magbaon po kayo ng meryenda.” sabay abot niya ng isang balot ng hopia.
Nakakatuwa talaga ang binata ko.
XAVIER POV
Alam ko naman kung bakit doble kayod si Mama.
Kahit hindi kami ganun kayaman, gusto niya akong makapag-aral at makapagtapos sa magandang paaralan.
Ang dami niyang pangarap para sakin.
“Makapagdrawing na nga lang..” bigla kong nasabi habang hawak ang binili kong pen.
Pagpasok ko sa aking kwarto. Binuksan ko ang sketchpad.
Isa-isa kong tinignan ang larawan ng babae na matagal ko nang iginuguhit.
“Napakaganda nya.. sana maging totoong tao ka na lang..” bulong ko saking sarili
Hindi ko namalayan, ang mga kamay ko ay nagsimula na palang gumuhit..
“Aba, maganda pala ang ink nito.” nakangiting sabi ko
Matapos kong iguhit ang babaeng pinapangarap ko. Napabuntong hininga ako.
“Hay.. Saang lugar kaya kita makikita?”sabi ko habang nakatingin sa drawing
“Kamusta ka Xavier?”
Napalingon ako.
Isang magandang boses ang narinig ko. Pero hindi ko alam kung saan yun galing.
Tumingin ako sa harapan ko at nagulat ako sa aking nakita.
Unti-unting lumalabas ang babaeng ginuhit ko mula sa sketchpad.
Nananaginip lang ba ako.
“Totoo ka ba?” sabay kurot saking pisngi
“Oo” nakangiting sagot nya sakin
“Paano kaya nangyari yun? Yung ballpen..” sabay tingin ko sa pen
“Dahil sayo kaya ako naging totoo, ikaw ang bumuhay sa akin.” sabi nya
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa isang iglap natupad ang hinihiling ko. ^__^ Ang lakas ko naman…
(Hahahaha! Wala naman akong masamang balak sa kanya,
disente akong lalake.)
“Anong pangalan mo?” tanong ko sa kanya
“Hindi ko alam, basta ang alam ko nabuhay ako para sa iyo.” sagot nya habang hawak ang pisngi ko
“Dahil mukha kang anghel, Angelica ang itatawag ko sa iyo.. Gusto mo ba iyon?” tanong ko
“Angelica” nakangiting sabi nya
“Anak, kakain na tayo ng hapunan” narinig kong tawag ni Mama
“Ahh Angelica, dito ka lang. Hindi ka pwedeng makita ni Mama.” sabi ko sa kanya
“Bakit hindi ako pwedeng makita?” tanong nya
“Ipapaliwanag ko mamaya. Basta dito ka muna sa kwarto.” mahinahon kong sagot
“Osige” nakangiting sabi nya
Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Palinga-linga kung nakita ba ako ni Mama.
“Hay mabuti naman.” nasabi ko pagkatapos huminga ng malalim
“Anong mabuti?” tanong ni Mama sakin
__________________________________________
PATAY! Malalaman na ba ni Mama Connie ang tungkol kay Angelica?
BINABASA MO ANG
Pen of HeartS
Dla nastolatkówWhat will you do? When suddenly your artwork becomes alive? Could it be a dream come true for Xavier? Who’s been looking for his true love.. Alamin natin.. ^__^