XAVIER POV
“Ah mabuti po at kakain na tayo, kanina pa po ako nagugutom.” sabay ngiti ko
“Ikaw talaga, halika na at maghugas ka nang kamay bago kumain.” paalala ni Mama sakin
Buti nakalusot ako, pero pilit kong iniisip kung paano ko maitatago si Angelica.
Pagkatapos naming kumain ni Mama, ay agad na siyang umalis para magtrabaho.
Nagmamadali naman akong bumalik sa aking kwarto.
“Angelica nandito na ako.” masayang bati ko pagpasok sa kwarto
Nabigla ako nang hindi ko makita si Angelica sa loob.
“Nababaliw na ba ako?” tanong ko saking sarili
“Marahil ay gawa lamang ng imahenasyon ko si Angelica. Nagugutom narin kasi ako kanina.
Masyado lang akong nag-iisip. Makatulog na nga lang.” sabi ko
“Badtrip… May GF na sana ako, naging bato pa. Kung mamalasin ka nga naman.” Binubulong-bulong ko habang nakahiga sa kama
Hanggang sa unti-unti na akong nakatulog.
Kinaumagahan…
“Goodmorning Xavier” nakarinig ako ng malumanay na boses
Unti-unti kong minulat ang aking mata.
“AA-AN-GEL-LICA!” nagulat kong sabi
“Oo, ako nga ito.” nakangiting sabi nya
“Pero paano? Nawala ka kagabi. Tapos…” tanong ko sa kanya
Agad niyang pinigil ang sasabihin ko.
*Hmmm MWUAH*
At hinalikan niya ako sa pisngi. Nabigla ako, pero syempre nagustuhan ko ang kiss nya. Iniisip ko kung sana sa susunod hindi lang sa pisngi. ^////^
ANGELICA POV
“Galit ka ba?” tanong ko
“Hindi.” sagot nya
“Pasensiya na Xavier, alam kong ayaw mo akong lumabas sa kwarto. Pero gusto kong makita kung ano ang meron sa labas. Kaya…” pagpapaliwanag ko
“LUMABAS Ka?” pagtatanong nya
“Oo, nakita ko ang sala, kusina, banyo, bakuran at ang Mama mo. Kamukha mo siya.” masayang sagot ko
“Nakita ka ba ni Mama?” nag-aalalang tanong nya habang hawak ang mga braso ko.
“Ahhh hindi, sabi mo hindi niya ako pwedeng makita.” sagot ko
“Mabuti naman.” sabi nya
“Bakit hindi pwedeng makita nya ako? Ayaw mo ba akong ipakilala sa Mama mo?” tanong ko
“Hindi naman sa ganon. Humahanap lang ako ng magandang tyempo para ipakilala ka.” sagot nya
BINABASA MO ANG
Pen of HeartS
Novela JuvenilWhat will you do? When suddenly your artwork becomes alive? Could it be a dream come true for Xavier? Who’s been looking for his true love.. Alamin natin.. ^__^