Chapter 33(Asar)

15 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw at hindi nga umalis sa bansa si renz
As in hinintay niya talaga ako

Hindi ba siya hinahanap ng higad niyang fiance at nandito siya kasama ako?

Duh? Ayokong maging kabet helur

"hoy? Bakit nandito ka pa din? Diba sabi ko sayo umuwi kana sa pinas at susunod ako?"
Reklamo ko

Agad naman siyang tumayo sa sofa at inilapag ang magazine sa lamesa

"kapag sinabi kong hihintayin kita! Hihintayin kita! Naiintindihan mo ba?" determinadong saad niya

"arghhhhh! Nakakainis ka"
Sambit ko at ginulo ang buhok ko

"bakit kasi hindi mo binasa yung sulat ni kim ha?"
Reklamo na naman niya

"pakialam mo ba ha?"
Saad ko

"aishhhh! Nakakainis ka naman teysi eh!"
Sambit niya

Bumilis naman ang tibok ng puso ko

Bakit kapag tinatawag niya akong teysi anlakas-lakas ng impak sakin?

Agad naman akong tumayo sa swivel chair ko at akmang lalabas ng opisina nang hilahin niya ang braso ko

"saan ka pupunta?"

"sa lugar kung saan wala ka!"
Diretsong saad ko

"paano ba 'yan? Kahit saan ka magpunta ay nandoon ako!"
Pang-aasar niya

"ano ba renz? Dikaba titigil?"

"finally,tinawag mo ulit akong renz!"

"eh ano naman sayo?"

"ang sarap lang pakinggan! Tsaka ano"

"tsaka ano?"

"bumilis bigla yung kabog ng puso ko! Parang ganito oh!"

Nangunot naman ang noo ko at tinignan siya na humawak sa dibdib niya

"DugDugDugDug"

Natawa naman ako sa ginawa niya

Napakasiraulo talaga

"oh! Diba napatawa kita!"

"ewan ko sayo perez"

"tara na nga alam kong gutom kana"
Hinila niya ako palabas ng kumpanya at iniuwi sa bahay

"bakit dito moko dinala?"
Reklamo ko

"ipagluluto kita!"

"what? Ayoko nandito si tito"

"eh ano naman? Hindi naman ako iba sa angkan mo ah"

Hindi pa ako nakakasagot ay dire-diretso na siyang pumasok sa loob

Wala naman akong nagawa at sumunod na lamang

Pagkapasok naman namin sa mansion ay nakangiti na agad si tito

"nagkabalikan na kayo?"

"ah hindi p..."
Hindi pako sa tapos magsalita ay hinapit na niya ang bewang ko at siya na ang nagtapos nang sasabihin ko

"opo tito! Noong isang linggo pa pagkagaling niya sa pinas"

Kinurot ko naman ang tagiliran niya at parang wala lang sa kaniya

"mabuti kung ganon! Kailan ang kasal?"
Tanong muli ni tito

"baka po next month tito" sagot niyang muli

Arrrgh! Pigilan niyoko naaasar nako sobra! As in! Gusto ko nang lapain ng buhay si renz sa sobrang asar!

LOVE AT FIRST CHATWhere stories live. Discover now