Chapter 7

1.5K 31 2
                                    

Vanther's Pov

"Bakit kaya di ka magpakasaya ngayong Gabi sa Bar nina Chester ,Vanther ?"

Nilingon ko Ang gunggong na si Emmett na nag aaya pang makipag inuman ngayong Gabi

"At bakit ko Naman gagawin Yun?sa tingin mo pupunta ako sa ganung ka cheap na lugar mas okay na sa Bar na pagmamay Ari ko tahimik at nagkakaroon ako Ng peace of mind kaysa sa maingay at sobrang gulo na Bar Ng Chester na Yun"Saad ko habang binabasa Ang ilang contract na patuloy Kong pinipirmahan"

Ngumisi siya at prenteng binuklat Ang magazine na nakalatag sa mesa ko

"Mukha ka kasing stress lately concern Lang ako sa iyo tol Hindi sa nakikialam ako sa buhay mo ...marami lang kasing babae Ang pwede mong makilala sa Bar Ni Chester na pwedeng pumalit sa babaeng hinahanap mo sa ngayon just give yourself a break "

"No I don't want mas gusto Kong magparami Ng pera kaysa Ang magpakasayaa"

"Magparami Ng pera o ginagawa mo Lang dahilan iyan Dahil Hindi mo makalimutan Ang babaeng iniisip mo pakiramdam ko Kasi hanggang ngayon ginugulo niya pa Rin Ang isipan mo"

"You better shut up Emmett Wala Kang karapatan na sabihin sa akin Ang mga ganyang bagay "

"Okay okay Kung ayaw mo na sumama at magpakasaya bahala ka magpakamatay ka diyan kakatrabaho at Isa pa libre ka Naman na pumunta dun Kung gugustuhin mo ...sige na aalis na ako"tumayo siya at sinarado Ang pintuan

Mabilis akong bumuntunghininga at hinilot Ang sentido ko

Masakit Ang ulo ko hanggang ngayon Lalo na at ni ayaw umamin Ng pesteng part timer na Yun Kung saan makikita Ang babaeng Yun

Ni Wala siyang naibigay na impormasyon sa akin halos back to Zero ako sa paghahanap sa kanya

"Napakawalang kwenta!"sigaw ko

Tumayo ako at iginala gala Ang mata ko sa labas Ng building na Yun tinatanaw ko Ang laki Ng siyudad Mula sa labas

Hindi ko Alam Kung paano ko siya makikita

Masyadong malaki ang bansang ito para hanapin siya

"Kailangan ba talaga kitang Makita?bakit kahit anong pilit Kong hanapin ka eh Hindi ko malaman Kung nasaan ka?"

Kinuha ko Ang iniwang VIP card Ni Emmett sa lamesa ko at binasa Yun medyo malapit Lang sa building Ang letseng bar Ni Chester

"Wala Naman sigurong masama...Tama nga siguro siya I have to take some break para makapag isip ako Ng maayos"

......

"Di daw pupunta pero nandito at Parang nag eenjoy sa pag inom niya"mapang asar na sambit Ni Emmett sa akin habang nakatingin sa mismong kinauupuan ko at tinatagayan ako sa baso"

Isinandal ko Ang katawan ko at nilagok Ang ikalawang shot Ng alak

"Narealized ko Kasi na Tama Ang magbigay ako Ng oras sa sarili ko minsan matalino ka Rin palang kausap Emmett"

"Bruh... Bakit?nandito ka ba Dahil sa babaeng hinahanap mo?"

"Hinahanap?Teka Kayo ba may Hindi sinasabi sa akin?"Saad Ni Chester nang marinig Ang sinabing iyon Ni Emmett

"Wala akong babaeng hinahanap masyadong malisyoso Lang Ang Emmet na iyan"

"Talaga ba?"

"Oo nandito ako para magkaroon Ng mapaglilibangan"

Nagtawanan silang dalawa na para bang nakikipaglokohan ako sa kanila

"Talaga?himala at nagbabago ka na"

The Billionaire's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon