Vanther's pov
"Tol birthday Ng anak ko tapos Ganyan Yung pagmumukha mo Sana Hindi ka na Lang umattend panira ka"reklamo sa akin Ni Emmett habang buhat buhat Yung five years old na anak niyang lalaki Kung saan inabot Niya iyon sa Asawa Niya para ayain ako sa minibar Niya sa bahay
"Sorry may iniisip lang"matamlay Kong sambit Hindi ko Kasi makalimutan Yung nakita ko kanina Lalo na Yung mga sinabi sa akin Ni Tamara
Pakiramdam ko di ko matanggap na may Asawa at anak na siya Dahil Kung sakaling ganun ano pang puwang ko sa buhay Niya?ayaw ko Naman na maging kabit niya
At Yung batang Yun kakaiba Yung naramdaman ko nang Makita ko siya Lalo na Yung itsura Niya
Kamukha Niya si Ate Vianca nung five years old siya...
Kamukhang kamukha niya
"May problema ka ba?mukhang may dinadamdam ka na Naman yata diyan Vanther?Yung babae na Naman ba iyan?grabe Hanggang Ngayon di ka pa Rin makalimot?Mag move on ka na"
"Wala na kayong pakialam "Saad ko sa kanila Ni Chester
Sumandal ako at tinunggga Yung isang basong beer na kalalagay lagay pa Lang ni Emmett
"Mukhang may pinagdadaanan nga itong si Lover boy"pang aasar nila
Tumingin ako sa kanila at sandaling nanahimik
"Kamusta na si Ms.Tamara? nagkikita pa rin ba kayo?"tanong Ni Emmett
"May Asawa na siya"Saad ko
Kita ko Ang pagtataka nila sa mga salitang sinabi ko
"Sinong may Asawa?"Tanong Ni Chester
"Yung babaeng Yun Hindi ko man Lang nalaman na may Asawa na pala siya"
Lumunok ako at pinagpatuloy lang pagsasalita ko
"Tol may itatanong ako paano Kung halimbawa lang na ikaw Ang mas nauna sa babae tapos nalaman mo na may anak na Yung babaeng yun Ang kaso nga Lang nagpakasal na siya pagkatapos nun sa tingin mo kaninong anak Yung Bata?"
Medyo nagsalubong Ang kilay nina Emmett at Chester Ng marinig Ang sinabi Kong yun
"Tol baliw ka ba?Anong sinasabi mo?Ang gulo mo?"
"Sagutin niyo na nga Kasi sa tingin mo kaninong anak Yung Bata dun sa asawa o dun sa nauna"
"GAGO! edi dun sa pinutok sa loob!"pabiro nilang sambit sabay tawa
"Sigurado ka?"
"Oo sigurado dun sa nagpunla Ng marami "para silang baliw na nagtatatawa
"TEKA bakit mo ba kami tinatanong Ng ganyan ikaw ba?"tanong Ni Emmett
"Tol ikaw ba ?"halos napahinto si Chester at Emmett
"Ano?"
"Ikaw ba tol ?"
"Pakiramdam ko Kasi anak ko Yung batang Yun"
Halos naiduwal Ni Chester at Emmett Ang alak na iniinom nila
"May anak ka?!"sigaw Ni Emmett
"Siguro di ko pa sigurado"
"Kanino dun sa babaeng maganda? Yung sexy na babaeng Yun may anak?Kay Tamara ba?grabe bakit Hindi Naman halata"
"Bakit Parang di ka makapaniwala?"Saad Ni Emmett
"Wala Lang...para kasing nagbibiro lang itong si Vanther minsan Kasi lutang iyan "Saad Ni Chester
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Game
BeletrieTamara Collete Mendez was living her normal life as a single mom for almost six years May sariling bahay ... May stable na Trabaho at higit sa lahat... Isang cute na Bata na laging nakangiti sa kanya kapag uuwi siya... Pero paano Kung bumalik Ang t...