Vanthers POV
"Honey ,saan ka ba galing?"tanong ko Kay Tamara halos kakauwi Lang Kasi Niya Ng bahay ngayon madalas ko siyang naabutan na huli na Kung umuwi at Hindi man niya sinasabi Ang dahilan Kung bakit at Kung saan siya galing
"Wala may pinuntahan Lang ,Honey"sabay kuha Niya Kay Third na para bang normal na sa kanya Ang ganun
Nakangiti siya na hinalikan ako sa labi at dumiretso sa kwarto
"Honey-"naputol Ang salita ko Ng bigla niyang sinarado Ang pintuan Ng kwarto
"Honey diyan ka muna sa labas ako na Ang bahala Kay baby Third"sambit Niya Mula sa loob Ng kwarto
Napabuntunghininga na Lang ako kailan Lang Ang sweet Niya sa akin tapos ngayon Parang hangin na Lang ako sa kanya
Bumaba ako sa Sala at umupo sa tabi Ni Lenalyn na nagbababad na manood Ng cartoons habang kumakain Ng cookies
"Baby si Mama mo ba kapag sinusundo ka Niya may pinupuntahan ba Kayo?"
Nilingon ako Ni Lenalyn at ngumiti
"Si Mama ?Minsan Kasi late na po siya dumating sa school atsaka ..."napalihis siya Ng tingin sa akin at bumalik sa panonood
"Atsaka ano?"tanong ko
Ngumuso siya at tumingin sa akin
"Lagi kasi kasama Ni Mama si Tito Vernon "
Napahinto ako sinong Vernon Naman Yun?
"Sinong Vernon?"
"Siya po"sabay turo Niya sa screen Ng T.v Kung saan lumabas Ang mukha Ni Vernon Montes Ang ex Ni ate Monique
Medyo bumilis Ang pintig Ng tibok Ng dibdib ko at para bang may Kung anong inis Ang naramdaman ko Hindi ko mapigilang manggigil habang pinagmamasdan Ang pagmumukha Ng damuhong Yun sa T.V
"Seryoso ka ba Lenalyn?"
"Opo Daddy Ang bait nga Po Ni Tito Kasi dinala niya kami Ni Mama sa restaurant atsaka binilhan niya si Third Ng bagong Toys bilang gift"Saad Ni Lenalyn
"Ano!?"napasigaw ako sandali"Bakit lahat Naman Ng laruan Ni Third eh bago!atsaka-"pilit Kong pinigilan Ang sarili ko sa pangigigil Ng mga oras na Yun Dahil baka Kung anong salita Ang marinig ng anak ko
Tumayo ako at tumungo sa kusina hinanap ko Yung maiinom na Makita ko at nilagok Yun
Di man angkop sa Oras Ang paa inom ko Ng alak ngayon ay Parang may nag udyok sa akin na gawin Yun
Siguro?sa sobrang galit kaya ako uminom Ng ganito
"Ano bang nangyayari Kay Tamara?may balak ba siyang lokohin ako?ano Ito?bakit-"mapasuntok na Lang ako sa mesa
"Honey anong nangyayari?"
Bumungad si Tamara naabutan Niya Kasi akong binubunton ang galit sa mesa
"Ah-wala-wala Lang na stress Lang ako sa opisina kanina Kaya ganito"Saad ko
"Hmmm ganun ba?okay Sige kumain ka na ba?'
"Oo kumain na"
"Okay "tumungo siya sa refrigerator at kumuha Ng cake dun atsaka umupo sa may dining table at dumiretso dun na para bang Wala ako sa harapan Niya
Nakita ko na may tumunog sa phone Niya
Pinagmasdan ko Ang gagawin niya Kita ko na nakangiti siya habang binabasa Ang message dun
Hindi kaya? Bulong ko
Lumapit ako at tumabi sa kanya bigla niyang iniwas Ang phone Niya sa akin
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Game
Fiction généraleTamara Collete Mendez was living her normal life as a single mom for almost six years May sariling bahay ... May stable na Trabaho at higit sa lahat... Isang cute na Bata na laging nakangiti sa kanya kapag uuwi siya... Pero paano Kung bumalik Ang t...