Elle, Mr. President, and Mr. Sticky note

194 3 1
                                    

"2nd week palang ng klase ay ikaw nanaman ang nasa office na ito"

Tahimik lang akong nakikinig sakanya, Ano ba yan? Ipapamukha nya saakin na Pasaway ako. Bahala sya! Matutulog nalang ako!

"Ms. Climente Im talking to you"

"Im listening Mr. President"

Mr. Student Council President is Christianne Jose Baron Navato portraying  Ven Fernandez

Matangkad.

Gwapo.

Matalino.

May banda.

Masungit.

Mas Masungit.

Pinaka-Masungit.

Nasakanya na daw lahat.. ang corny OO ANG CORNY eh ang pangit pangit nga nya eh! Kasing pangit ng ugali.

"Ayaw nyo po yun? Araw-araw nyo makikita mukha ko. Ayos!"

"Dtay here until 12:00pm, dahil nag cut class ka kailangan mong matuto!"

"Ako po ba niloloko nyo?" Ang boring dito. Tapos mag-isa lang ako!

"Parusa mo yan Ms. Climente"

"Parusa mo yan Ms. Climente....." panggagaya ko "ang OA nagutom lang ako!" Pagpapatuloy ko.

Napailing nalang sya at umalis na. Iniwan nga ako! Di bale may pagkain naman ako.

Magdadalawang oras na ako dito at nakatulog na ako, wala talagang konsensya yung Presidenteng yun! Sa susunod ay hindi ko na sya iboboto.

Wala akong nagawa kundi matulog ulit. wala naman ako ibang magawa dahil naiwan ko phone ko sa bag na nasa class room!

Sanay naman ako eh, simula nung 3rd year ako ay napapalagi na ako dito sa student's office mung hindi ako nahuli sa Canteen ay minsan naman nasa Leisure room ako madalas din akong mahuli sa Klase at sa kasamaang palad si Mr. President ang laging nakakahuli saakin.

ELLE'S POV

Lunch break na at wala parin si Bim, Malamang nasa Student's office nanaman yun. Kinuha ko na bag ko at lumabas na..

"Hi Love....." Hinalikan nya ako sa pisngi. Wag kayong echos! Boyfriend ko to!

"Hi, Good Morning! Si Bim nasaan? Di ba sya sasabay sa atin mag-lunch?"

"Nasa student's office siguro.. lumabas yun kanina eh pagkatapos ng first subject"

"Di nanaman sya pinalampas ni Ven at nahuli nanaman, di paawat si President!"

"So.. ano tara na?"

Tumango ako at naglakad na kami papuntang Canteen. 11:30 natapos class namin at 12:00 ang limit sa pag stay sa Student's office.

CHANELLE MARIE LIMEN is JANE OINEZA

Chanelle Marie Limen

C.M. as they call or Elle.

Bestfriend ni Bim.


Nakilala ko sya nung 3rd year kame, kakalipat nya lang tahimik syang tao, Swear hindi sya kasing kalog nya tinitignan nyo o iniisip nyo.

Mahinhin syang tao, unang kita ko sakanya natakot ako ang sama ng tingin sa mga tao sa paligid nya.

Pero pauwi na ako noon sa dorm na tinutuluyan ko ng makita ko sya na umiiyak sa labas ng skwela, nilapitan ko sya at tinanong kung bakit sya umiiyak pero bigla nya akong niyakap.

Kinabukasan, naging malapit kami sa isa't isa tahimik parin sya pero ngumingiti naman sya at sumasagot pag kinakausap ko, ewan ko ba biglang naging pasaway yan at laging tumatambay sa Student's office.

At simula nung nakilala ko sya bukod sa nagkaroon ako ng bestfriend nagkaroon din ako ng kapatid.

Nakatira ako sa bahay nya dahil wala syang ibang kasama kundi si Nanay Elie at Mang Ted lang kasambahay at Driver nila.

Only Child sya. Ang alam ko wala na ang Mama nya at ang daddy nya out of the country. Business.

Nung maging malapit kami sa panahong nagkaproblema ako sa Tuition at bayad sa dorm pinilit nya akong tumira muna sakanila para mabawasan daw ang gastos ko at para may kasama narin sya sa bahay.

Di naman ako ganun ka yaman kaya di ako tumanggi. Laking probinsyana ako. Lumuwas ako dito para mag-aral ng High school at Kolehiyo.

Nasa pribadong paaralan ako kaya wala akong masyadong kaibiga noon dahil mayayaman at ang gagara nila, may lumalapit naman kaso nakakajiya gumawa ng mali kasi parang ang taas taas nila kaya sobrang saya ko nung dumating si Bim di sya maarteng tao nung una nahihiya pa ako pero nung nakilala ko sya ay naging komportable na rin ako.

Wala akog alam sa istorya ng buhay nya dahil ayokong makialam, nakikitira na nga lang ako eh.

Ni-minsan di ko tinanong kung bakit sya bigla bigla nalang umiiyak, Oo kilala ko sya. Oo best friend ko sya, pero hindi yun sapat na dahilan para makialam ako.

Mahaba-haba na to kaya sana sapat na to bilang pakilala ko sa sarili ko.

Nga pala yung boyfriend ko isisngit ko lang, si Klein Toroza portraying DIEGO LOYZAGA.

Bim's POV

Isang malakas na pabagsak ng kung anong bagay ang gumising saakin na nagpataranta saakin at napatayo ako.

"Ano ba naman yan! Kitang natutulog yung tao eh!"


"Ms. Climente its 12:15 and its been 15 minutes at kanina pa kita ginigising"

"Ito na lalabas na nga po eh" kinuha ko yung librong binagsakan nya sa lamesa at binagsak ko rin yun sa harapan nya tsaka umalis na ako.

Dumiretso ako ng canteen dahil nag-aalburoto na yung tyan ko!

Agad kong pinuntahan sa pwesto si Elle na paalis na kasama si Klein, Good. Tapos na sila. Di ako hinintay.

"Elle pahiram nga ng pera gutom na ako eh nasa bag yung wallet ko di ko na kinuha! Babalik ko rin mamaya!"

"Oh.. mauuna na kami! Sunod ka nalang sa Library!" Bait talaga nitong kaibigan ko, binigyan nya wallet nya pero iiwanan ako.

Umiling nalang ako at pumunta sa pila. Nung naka-order na ako ay tumingin ako sa drinks kung saan

yung Mogu-Mogu at ang haba ng pila kaya matagal kong pinag-isipan na sa tubig nalang ako pipila.

Pagbalik ko sa table kung saan ako usual na umuupo ay may dalawang Mogu-mogu na nakalagay dun at may sticky note.

"Have a great lunch. A mogu-mogu for you. This is your favorite, right?"  -Def. =)

Lumingon ako pero wala akong nakitang lalaking galing sa direksyon na to. Umupo nalang ako at kumain na.

Pagkatapos kong kumain umupo muna ako saglit at pinaglalaruan ung bote ng mogu-mogu naubos ko na yung dalawa at nabitin pa rin ako.

Nung medyo okay na ay tumayo na ako at lumabas ng cafeteria dala dala yung wallet at sticky note.

Dumaan ako ng locker para ilagay yung sticky note sa box na iniwan ko dun pumupuno na ito pero di ko parin nakikilala kung sino yung lalaking yun.

Sinarado ko na ang locker ko at dumiretso sa Classroom.

-

Hiiiiii CJILES kaway :) :P

Ayan!! Bukas ko na itutuloy at gusto ko ng matulog. Hahaaha Good Night at salamat sa pagbabasa.

It Sarted When...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon