Bim's POV"Psst. Bim pakopya nga!" Pasigaw na bulong ni Elle.
"Hah!?" Wala sa sariling sagot ko.
"Sabi ko pakopya! Di ko alam eh" tong babaeng to!
"Oh, sa susunod mag-aral ka na nga!" Inabot ko ang quiz paper ko sakanya.
Nasa likod kame kaya di naman masyadong mahahalata ni ma'am.
Nagbilang na si ma'am kaya dali daling pinasa iyon ni Elle.
"Okay makinig kayong lahat. May importante akong sasabihin. Maghahanda kayo para sa presentation para sa Agosto na buwan ng wika. Bawat isang seksyon at nakatakdang sumayaw ng kahit anong pilipinong sayaw. Kailangan ko ng Cooperation and trust sa mga sarili at grupo nyo. Ako na ang bahala sa magiging pair nyo pero kailangan nyo ng paghandaan ang Costumes & props nyo. Matatagalan ang pagtatahi kaya kailangan nyong paghandaan ng mabuti"
Lahat nakikinig sa paliwanag ni Maam.
"May isang buwan at isang linggo kayo bago ang agosto, I want a unique presentation kung pwede hanapan nyo na ng idea ang sayaw na gagawin nyo"
Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko tungkol sa mga ideas nila. Nanatili akong tahimik.
"Naiintindihan nyo!?"
"Opo Ma'am" alertong sagot nila.
"May problema ba binibining Climente?" Napaangat ako ng tingin.
"W-wala po" pailing-iling kong sagot.
"Inaasahan ko ang magandang kalabasan ng seksyon na ito, Binibining Climente You are the top in this classroom so take care of it"
Uwian na at dumaan muna ako sa locker para lagyan ang mga libro ko. Si Elle ay pinauna ko na at sinabi kong may dadaanin pa ako.
Sinundan ko si Elle at Klein hanggang gate ng school nung sumakay na dila ng motor ni Klein at umandar na ay dali-dali akong lumabas at sumakay ng jeep patungo sakanya.
"Manong para po!" Binayad ko na pamasahe ko at bumaba na.
Kumaway ako kay manong guard na taga bantay dun at pumunta ako kung saan may tindahan.
"Maam bulaklak po.." pumili ako ng magandang kulay at bumili narin ako ng Kandila. Pagkatapos ay naglakad na ako papasok.
Natatanaw ko na sya ng malayuan hanggang sa nakalapit na ako. Tinanggal ko ang mga dahon na tumatakpan sa pangalan nya "Ano ba yan nung nakaraang araw lang ako nandito, ang dumi nanaman"
Tinayo ko na ang mga bulaklak na paborito niya at sinindi ko ang kandila at tinayo nang mapansin kong.... may kandila na tunaw. Alam kong hindi akin yun dahil nung nakaraang punta ko dito ay hinintay kong matapos ang kandila saka ako umalis at kulay asul ang laging dala ko dahil iyon ang paboritong kulay nya "May pumunta ba sayo dito?" Lumingon baka may matanto akong tao pero wala.
"Di bale baka nagkamali lang ng lagay"
"Alam mo bang nahihirapan na ako ngayon? Teka.. may kwento pala ako, Alam mo bang natambay nanaman ako sa Student's office kanina? Syempre di mo alam wala ka dun eh. Nahuli kasi akong bumibili sa canteen ng class-hours. Nagutom lang naman ako. Tapos... yung presidente ng campus Ingles ng ingles eh taga pilipinas lang naman. Buti di ko yun binoto nung eleksyon"
Natahimik ako sandali at biglang napaisip "kung nandun ka lang siguro hinila mo ako para tumakas, kung nandun ka lang siguro kokontrahin mo yun pag sinabing 'go to the student's office' kug nandun ka siguro baka samahan mo akong tumambay. Kung nandun ka lang.... pero wala ka dun eh."
"Sana buhay ka pa, sana nandito ka parin"
Bigla akong natawa sa sinabi ko kaya binawi ko agad "Hahha joke lang wag mo akong mumultuhin ha?"
Matagal akong nanatili dun at nagkwento lang ng kung ano-ano.
Maya-maya ay naisipan ko ng umuwi "Magdidilim na mauuna na ako at babalik nalang ako baka hinahanap na ako ni Nanay at Mang Ted, Ang OA pa naman mag-alala ni Elle"
Hinawakan ko lapida nya kung saan naka-ukit pangalan nya...
'Clifford Bret Alionso
Died: December 21, 2013'"Miss na miss na kita, bantayan mo ako lagi ah?" Kinuha ko ang keychain unicorn sa bag ko at nilagay sa lapida nya.
"Ayan. Sayo na yan"
Tumayo na ako at tumalikod na. Nang.... may natanaw akong di ko kilalang lalake na nakatingin sa direksyon ko pero agad na nagtago sa likod ng puno.
Tumayo ang balahibo ko at tumingin sa lapida nya "uy. Joke lang yun kanina wag ka naman manakot" pabirong sabi ko.
Dali-dali akong naglakad palabas ng cementery nang hindi lumilingon at agad na pumara ng jeep.
************************************************
Sorry for short update. Hiii. Exam tomorrow. Need to study. Pero seryoso di ko alam saan ko nakuha ang idea na yan at di ko alam ang pinagsusulat ko. Nalost ang copy ko!!
Salamat sa pagbabasa.

BINABASA MO ANG
It Sarted When...
AléatoireCj Navato and Miles Ocampo Fan Fiction. When I say 'FICTION' It's invented or Gawa-gawa lamang ng aking Imahinasyon. Sooo.... This is it! Hiiiii. -RL