Bim's POV
I was on my way home when I saw couples kissing under the rain in the middle of the road.
Oh, ano ba yan! Wala na bang ibang waiting shed na pwedeng silungan para akong nasa movie neto, ang corny!
Kaya kahit umuulan ay tumakbo na ako not minding the couples attention. Naglalakad lang ako at naghihintay na may dumaang taxi. But there's no sign na may dadaan nga.
Di na ako nag abalang tumakbo kasi basa na naman ako kaya kahit tumakbo ako ay hindi naman ako tutuyo. Buti nalang at wala akong dalang libro kundi nabasa pa yun.
Medyo tumitila ng ulan kaya naglakad nalang ako, ano ba yan! Wala paring taxi! May day off ba sila? Naglatuloy lang ako sa paglalakad ng may narinig akong bumubusina na sasakyan sa likod ko, tumalikod akala ko ay taxi pero isang itim na kotse ito simple pero mukhang magara.
Tumabi ako baka dadaan. Pero bumubusina parin, Ang laki ng daan tapos nagsisikip sa gilid? Binilisan ko paglakad ko nung naisip kong baka kidnapper ito! Naku, dapat nagpasundo nalang ako.
May nakita akong tao sa gilid ng tindahan nakasarado na parang sumisilong, baka pwedeng hingian ng tulong.
Kinapa ko ang phone ko bulsa at halos kabahan ako nung nakitang basa ito dahil sa ulan. Anobayan! Malas.
Di ako lumingon, at naghanap lang ako ng mapagtataguan o payphone. Ang tahimik sa daan walang ibang tao. Di ko napansin na nasa unahan ko na pala yung kotse at napahinto ako.
Ghad! Holdaper ba to? Ang yaman na nga. Ang gara pa ng kotse. Wala na nga akong maibibigay eh. Sira phone ko.
Napasigaw nalang ako ng "TULLOOOONGGGGG!"
Natahimik ako dahil may narinig akong malakas na tawa. "Hahaahah! You should have seen your face, Hahahahahahahahaha" habang nakahawak sa tyan nya.
Tinignan ko sya ng masama, tumila ng ang ulan at nagsisi ako kung bakit hindi ko dala libro ko para mahampas ko sana taong to! "Ano ba Darrius!! Tinakot mo ako!!!" lumapit ako sakanya para batukan sya. Naka-iwas naman sya.
"Sorry, I'm on my way home when I see you. Saan ka ba galing maagang natapos ang klase hah? Bakit ngayon ko lang umuuwi? Teka.. hindi naman to ang daan galing skwela hah. Saan ka galing?"
"Tatay ba kita? Daddy. Ikaw ba yan?" I said kiddingly.
"Halika na nga! Pasok ka na, hatid na kita sainyo!"
Pinagbuksan nya ako sa harapan pero hindi ako sumakay.
"Ano na!?" Pagtataka nya.
"Basa ako" simpleng sagot ko.
"Okay lang, kapal ng mukha mo mahihiya ka pa!" Wala na akong nagawa kundi pumayag. Bago ako sumakay ay sinilip ko muna yung taong nasa may tindahan pero wala na. Di ko nakita mukha nun kasi madilim na. Baka umalis na, wala ng ulan eh.
Nung sumakay na ako ay inandar nya na ang kotse nya. May nakita akong kotse sa unahan namin na parang kakaandar narin at umalis na. Wala naman akong nakitang kotse kanina uh? Napailing nalang ako.
"Oh, para hindi ka lamigin" inabutan ako ni Darrius ng jocket nya, varsity jocket nya na may seal pa ng school namin.
"Salamat isasauli ko nalang pag nalabhan na!" At dali daling kinuha kasi nilalamig na ako.
Si Darrius Francisco isang malapit naming kaibigan ni Elle. Classmate ko. Varsity player. Honor students din. Kwela. Mabait? Ha, dipende. Hahaha. Una ko syang nakausap kay Elle. Tinanong ko kung nasaan ang section ko at tinuro nya sakin. Pero si Elle ang nauna kong nakilala. Di ko kasi tinanong ang pangalan nya.

BINABASA MO ANG
It Sarted When...
De TodoCj Navato and Miles Ocampo Fan Fiction. When I say 'FICTION' It's invented or Gawa-gawa lamang ng aking Imahinasyon. Sooo.... This is it! Hiiiii. -RL