Chapter 1
Lakad-takbo na ang ginagawa ko ng makitang late na ko ng 5 mins. sa major ko. Sumilip muna ko sa pintuan bago pumasok ng makitang wala pa 'yong prof namin. Inayos ko ang suot kong damit at pinunasan ang pawis sa noo ng maka-upo ako.
Tinaasan ko ng isang kilay si Clea ng makitang nakatingin ito saakin. Tinignan niya ko ng nakakadiri bago humarap sa kausap niya. I smirk. Sa kamalas-malasan ng buhay ko kaklase ko pa 'tong pa-virgin na 'to.
"Wala kang pasok?"
Kinuha ko ang inabot niyang sigarilyo at sinindihan ito.
"Obvious ba?" Balik kong tanong at inabala ang sarili sa mga nag lalaro ng darts.
Tumawa siya at inakbayan ako.
"Cutting ka lang" Siniko ko siya.
Tumayo ako at sumunod siya saakin. Parang tanga naman 'tong babaeng to. Parang langaw sunod ng sunod.
"Leane!"
Napangisi ako at nakipag-apir sa kaniya. May inabot siya saaming beer. Nagpaalam si Faye saakin na makikipag-laro siya sa mga nagda'darts.
"Tang ina mo, Dom. May yummy ba dito?" Tanong ko. Tumawa siya saakin at itinuro niya ang sarili niya. Binugahan ko siya ng usok at nandidiring tumingin sa kaniya.
"Condolence sa baga mo, gago."
Iniwan ko siya at lumapit sa mga nag bibilyar.
Tinawag nila pangalan ko at nakipag-abrasa saakin. Tinuro ko ang lalaking tinuturuan ni Joan na hindi makapasok kahit ni isang tira man lang. Napailing ako.
"Kingina, Joan. Baka iba ang gustong pasukan niyan" Biro ko.
Natawa si Joan habang ang lalaki naman ay nanlalaking matang tumingin saakin. Namula pa ang tenga, Ngina yan.
"Patirahin mo nalang sayo 'yan. Paniguradong makaka-shoot 'yan" Bastos kong biro.
Mas lalo silang natawa at kinantyawan pa na gawin na lang kung ano ang sinabi ko. Kaya hindi na ko nagtaka ng makitang naghahalikan na ang dalawa. Mukhang ilang na ilang pa ang lalaki dahil malikot ang mata niyang tumitingin sa paligid.
Kinuha ko ang cue stick sa kamay ni Felix. Wala akong balak na maglaro gusto ko lang humawak. Tinungga ko ang beer at humithit sa yosi. Natatawa ako pa ako habang pinapanood kung paano molestyahin ni Joan 'yung lalaki halatang hindi niya gusto ang kaso lang lunod na rin siya sa kalibugan niya.
"Jo! Matigas na ba?" Bastos kong tanong.
Huminto si Joan at nag thumbs up saakin. Inipit ko ang yosi sa bibig ko bago lumapit sakanila at akmang hahawakan na ang etits ng lalaki ng mahagip ng mata ko si Axel na nakatingin saakin.
Kinuha ko ang yosi sa bibig ko at ngumiti kay Axel. Kagat-labi akong sumunod sa kaniya ng umalis siya.
"Hey!" Tawag pansin ko ng palabas sa compund na 'to ang direksiyon niya.
Tumingin siya saakin at sa hawak ko. Pasimple kong tinapon ang yosi at binigay sa dumaang babae ang hawak kong beer.
"Anong ginagawa mo dito?" Ngiting tanong ko.
Wala pa rin siyang reaksiyon. Tinago ko ang dalawa kong kamay sa likod at mas lalong ngumiti sa kaniya. Humarang ako sa daanan niya ng makitang naglalakad ulit siya. Inis niya kong tinignan.
"Alis"
Pagtataboy niya umiling ako. Damn his voice! Mas lalo akong nainlove.
"Pa-halik muna"
YOU ARE READING
Fall for You
Teen FictionJan Leane Penzo doesn't mind the people who talked behind her back. Only matter to her is herself, her happiness--Axel Sean Dela Fuentes. She's a rebel one. A typical badass girl. Will Axel fall for her ?