Chapter 3
"Axel my loves! Saan punta mo?" Tanong ko kay Axel.
Huminto siya tinignan ako pagkatapos ay naglakad na ulit.
"Ang sungit naman ng bebe loves ko" usal ko.
Hindi niya pa rin ako pinapansin. Ang bilis pa maglakad kaya lakad takbo na ang ginagawa ko. Napahinto pa ko ng batiin ako ng mga soccer player kaya nakipagbatian pa ko sakanila.
"Sige na, iniwan na ko ng bebe loves ko" Paalam ko at hinabol na si Axel.
"Love, di mo naman ako hinintay"
Wala pa ring reaksiyon. Okay na 'yon kesa naman hindi ko siya makasama kahit sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang likuran ni Axel. Ang yummy naman. Lumingon ako sa kaliwa ko ng batiin din ako ng isang lalaki. Hindi ko tuloy nakita ang paghinto ni Axel kaya nabunggo ako sa likuran niya.
"Love, Wala man lang warning. Ang sakit 'non ah. Nagdahan-dahan ka naman sana" biro ko. Pero di man lang tumawa.
"Can we talk, Axel?" Napa-ismid ako ng si Clea pala ang nasa harapan namin.
"Ayaw niya. Shupi ka na. Mag se'sex pa kami, diba love?" Tanong ko kay Axel. Matalim pa kong tinignan kaya nag peace sign ako.
Humarap siya kay Clea at tumango. Magrereklamo sana ako ng tinalikuran nila akong pareho. Aba't!
"Hoy love! Di na yan virgin wag ka diyan!" Sigaw ko. Naagaw ko pa atensiyon ng ibang estudyante kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Kingina 'yan!" Inis akong nagmartsa pabalik sa building ko.
B'wisit na Clea. Isa na lang talaga bi'bingo na siya saakin.
Sinulyapan ko si Faye ng suminghot ulit siya. Ako naman ay kumakain lang ng pop corn at umiinom ng beer. Ano bang nakaka-iyak diyan sa movie na 'yan parang tanga.
"Ano ba naman 'yan, Leane. Mauubos ko na tissue ko dito hindi ka pa rin umiiyak?" Tanong niya na ikina-irap ko.
"Gago ka ba? Gawa-gawa lang naman 'yan. Hindi ako tangang iiyak diyan"
Binato niya ako ng unan.
"Hindi ka man lang ba na-touch sa story?"
Umiling ako saka uminom ng beer.
"Tang ina mo. Demonyo ka talaga"
Natapos ang movie kaya humanap ulit siya ng papanoorin. Ayaw na daw umiyak pero ang hinahanap naman puro mga sad love story. Tanga talaga. Gusto atang magbawas ng stress dahil midterm na bukas. Sumalangit nawa ang utak ko bukas.
Bagot na bagot akong nanunuod kasama niya. Napapairap pa pag naririnig ko siyang impit na umiiyak. Tanga talaga.
"Sagutin mo nga 'yang phone mo! Kanina pa nag riring istorbo ka" hinampas niya ko ng unan.
"Ako ba nag-iingay? Nanahimik ako dito "
"Sagutin mo na lang!"
Wala akong nagawa kaya inabot ko na ang phone ko sa center table.
"Oh?"
[ Sorry, wrong number]
Saka ako binabaan. Gago 'yon ah. Wrong number pero nakailang tawag saakin. Oh pa nga lang nasasabi ko. Napailing ako. Habang patagal ng patagal nagiging bobo ang mga tao. Wow, Leane ang talino mo.
Nakangisi akong naglalakad sa hallway. Habang ang iba ay abala sa pakikipag buno sa exam nila. Ako? Eto, chill lang. Nag pa early take exam ako. Reason? Siyempre ginamit ko ulit ang acting skill ko at sinabing hindi maganda pakiramdam ko at feeling ko buntis ako. Naawa pa sila saakin kung kaya ko bang pagsabay-sabayin ang tatlong subject ngayong araw. Pag nalaman nilang nagsinungaling ako edi sasabihin kong false alarm petiks. Ang haba tuloy ng bakante ko. Feeling ko tuloy pag mamay-ari ko ang buong cafeteria dahil ako lang estudyante.
YOU ARE READING
Fall for You
Teen FictionJan Leane Penzo doesn't mind the people who talked behind her back. Only matter to her is herself, her happiness--Axel Sean Dela Fuentes. She's a rebel one. A typical badass girl. Will Axel fall for her ?