FFY 5

2 0 0
                                    

Chapter 5

Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Axel at ang Iba pa dahil tahimik na ang condo ni Faye ng lumabas ako ng kwarto. Hindi man lang ako ginising ng bruhang 'yon.

Kumain ako ng nakahandang breakfast para saakin. May note pa kasi kaya alam kong saakin. Bumalik ako sa kwarto ng matapos at nagsuot ng damit. Hindi ako papasok ngayong araw kailangan ko ng pera kaya pupunta ako sa compound.

"Leane! Ang aga natin ngayon dito ah" Bungad ni Dom pagka'kita saakin. Hindi ko  tinanggap ang inaabot niya saaking bote ng beer.

"May makakalaban ba dito?" Tanong ko.

Ngumisi siya kaya napasimangot ako.

"Gipit na gipit?"

"Tang ina mo, Ano meron ba o wala?" Inis kong tanong. Hindi niya ko sinagot at hinila sa area ng mga naglalaro ng billiard. Mas lalong nalukot ang mukha ko ng makita ang pagmumukha ng grupo ni Red.

"Sino gustong lumaban? Gipit ang prinsesa ngayon"

Binatukan ko si Dom ng pagtawanan nila ako. Kasalanan ko bang wala na kong pera ? Inirapan ko si Red ng ngisihan niya ako.

"Game" Ani ni red.

Nagpa-full tank na muna ako bago dumiretso sa starting line namin ni Red. Pagdating ko doon kinukondisyon na ni red ang motor niya. Napangisi ako ng makitang tumingin siya saakin. Bwisit siya.

"Diretso lang ang daan, walang shortcut. Kung sinong unang makadalawang ikot. Siya ang panalo, naiintindihan niyo ko?" Tanong ni Dom. Sinuot ko ang helmet ko bago tinuro si Red.

"Ulitin mo daw, Hindi niya daw narinig dahil sa kaba" pang-aasar ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Nang Ibaba na ni Dom ang flag pareho na naming pinaharurot ni Red ang motor. Pagnanalo ako dito may 30K ako. 10 lang naman pinusta ko dahil 'yon na lang pera ko. Masyadong mayabang lang si Red dahil sabi niya dadagdagan niya ng 10 pag natalo ko siya. Ha! Anong akala niya saakin.

Sa totoo lang, delikado 'tong ginagawa namin dahil highway daan namin. Kung mamalasin kami baka police ang humabol saaming dalawa at isa pa madadaanan ang University. Wish ko lang na hindi lumabas si Faye mamaya pagdaan ko.

Nauuna na saakin si Red t'wing lulusot ako sa mga kotse may matutumbok naman akong isa. Na-iipit tuloy ako. Nag over take ako sa kotseng kasunod ko ng makakuha ako ng tyempo. Pinabilis ko ang takbo ng motor kaya naabutan ko na si Red. Alam ata ng langit na wala na kong pera dahil ng mag o-overtake siya may truck na bumuluga sa gilid niya kaya napabagal ang takbo niya. Ako naman ay mas pinabilis ang takbo ng makitang magre'red light na.

Natawa ako ng mastuck na si red sa traffic light. Binggo. 'yan lang ang alas ko. Beat the light mokong hahaha. Chineer pa ako nila Joan ng ako ang unang maka-ikot. Muntik pa kong mawalan ng balance ng sa pangalawang ikot ko nakita ko si Faye kasama sila Axel palabas ng University. Nakita ko pa rearview mirror ko ang paglingon ni Faye sa motor ko. Tang ina.

Inaantay na lang namin si Red na dumating. Naki-agaw pa ko ng yosi kay Jake. Napangisi ako ng dumating na si Red. Hinubad niya ang helmet at sinenyasan pa ang isang kasama niya na ibigay saakin 'yong pera na malugod kong tinanggap.

"Nice game" ngisi niya.

Lumapit ako sakaniya para sana halikan sa pisngi pero ang mokong humarap kaya labi niya nahalikan ko. Bwisit talaga siya.

Dumiretso ako sa University para pumasok sa iba ko pang subject. May spare uniform naman ako sa locker. Dumiretso muna ako sa cafeteria para kumain.

"Bitch! Nag karera ka!" Inis na hinila ni Faye buhok ko kaya napa-aray ako. Napasulyap ako kay Axel saka automatic na gumuhit ang ngiti sa labi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall for YouWhere stories live. Discover now