Two~

21 3 0
                                    

[Gabriella:]

"Tulala ka na naman.."

"Huh?"

"Alam mo ang dapat diyan magpahinga ka nalang.." Aww, sweet. :'> LIKE I CARE!!

5ng araw nang nakakalipas mula nung araw na yun. Nakakainis kasing isipin na parang kilalang kilala ako nung lalaking yun? At ang mas masaklap natamaan ako dun sa mga sinabi niya. Bakit? Kase, totoo? Baka nga.

"Gabie, pasyal tayo.."

"Kyle, alam mo namang di ako pwede o sumasama sa mga ganyan. Unless kung activity yan sa school or what."

"Sige na.." Tsk! Kulit! "Promise! Di ka magsisisi. And I think you need a break."

"Break?"

"Yes, a break. Far from all these works. Gabie, your still a student. Enjoy life. Dahil, oras na magtrabaho ka na. Baka magsisi ka dahil nasayang oras mo sa pag aaral."

"P-pero--"

"Gabie, just this once.. Please? Give time for your self. Give time for your happiness... Give time for me.." Napaisip ako dun. Tama si Kyle. Kailangan ko ding magsaya. Dahil, once in a life time lang 'to. At 'di na maibabalik ang nakaraan. Nakaraan...

"Oo, na." Nakita kong napangiti siya. Dahil dun napangiti na din ako. Masaya ako na masaya siya. Dahil bukod kay mama at Gabriel siya nalang ang natitira kong pamilya at kaibigan.

---

"Wow! Ang ganda naman dito, Kyle!!" Nasa isang amusement park kame. Hindi sa EK ah.. Kung baga mas magara. Pero, wala akong pera. Pang entrance pa nga lang walang wala na ko.. Pano ba yan?

"Haha. Sabi na nga ba magugustuhan mo eh.."

"Kyle, sobra na nga to eh.. Pang mayaman lang dito. Di ako nababagay." Kase wala akong pera!

"Ano ka ba? Wag mong sabihin yan. Bagay ka dito, bagay na bagay.." Sabi ng hindi eh!!

"Totoo naman eh. I don't belong here. I'll never be." Tumingin siya mata ko. Mata sa mata.

"Maybe you don't belong here now. But, in the future you do." Lalim nun ahh. Pero, what does he mean? "Tara dun tayo!"

"Pero, wala akong perang pang entrance.." Nahihiyang sabi ko. Kahit na alam ko na alam niyang mahirap lang kame, nahihiya padin ako sakaniya. Dahil feeling ko pabigat ako masyado.

"Ano ka ba? Diba ako nag-yaya? Kaya ako ng bahala sayo.." Sabi niya at ngumiti.

"Pero--.."

"Wag ka ng umangal dahil wala ka lang namang magagawa.."

Wala na kong nagawa kung 'di sumunod nalang.. Psh. Nakapasok na kame. At ng makita 'ko yung roller coster bigla akong naexcite! Matagal ko ng gustong sumakay sa roller coster eh!

Dahil sa sobrang excite ko. Nauna na kong sumakay. Pero, ang kinagulat ko ng biglang may sumingit kay Kyle at umupo sa tabi ko.

"Ah.. May nauna po sa--"

"Wala akong paki!"

Nakakainis! Si Kyle dapat dito eh!! Grrr!! Napatingin nalang ako sakaniya. At nagsenyas na wala na talaga kaming magagawa nag-okay sign naman siya. Ano ba yan! Ang layo ko kay Kyle! -.-"

Haayy, di ko hahayaang masira araw ko ngayon. Diba break ko ngayon? Kaya dapat ienjoy ko lang to. At walang makakapigil sakin. Nng matapos ang 1234567890 years umandar na din.

Sa una medyo mabagal pa. Pero habang patagal ng patagal, pataas ng pataas at pabilis ng pabilis. Hindi ko alam na ganito pala nakakatakot dito. Eh, kung alam ko lang esi sana di ko nalang niyaya si Kyle dito! TT.TT

Hindi ako mapakali. Bakit? Dahil takot ako? Hindi noh.. Dahil takot na takot ako! Huhu!

"Ano ba ang galaw mo?!"

"Ah.. Ehh.. Natatakot ako eh.." Mahinang sabi ko.

"Ano?!"

"Sabi ko natatakot akoooo--- WAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!!" Bigla nalang ako pumikit. Di ko binuksan mata ko dahil natatakot na talaga ako..

Eto na ba katapusan ko? Eh, masyado pa kong bata para mamatay eh!

Huhu! Papa God, ayoko pa pong mamatay. Opo, miss ko na po si papa pero di pa tapos mission ko eh! Tutuparin ko pa drem house namin. Huhu! TT.TT

Papa God, alagaan niyo po kapatid at mAma ko habang wala na kami ni papa ah? At paki sabi din kay Gabriel na itigil na ang paglamon ng strawberries. Dahil wala na kaming pera. At pipili nalang siya ng paborito niya yung mamahalin pa.

'Ano ba Gabie! O.A mo masyado!'

Paki mo ba?!

Habang nag-dadasal ako sa lahat ng oba pang Santo at Santang pwedeng madasalan at sa pakikipagdebate sa utak ko napansin ko unti unti ng bumabagal ang takbo ng cart hanggang sa tuluyan na itong tumigil.

"Pwede ka na atang bumitaw, miss." Huh? Dumilat ako ng may nag-salita at.. SHOCKS!! O-o

NAKAKAHIYAAAAA!!!

"S-sorry." Sabi ko at boglang tinganggal ang pagkayakap ko sa kaniya. Nakakahiya ka talaga Gabie!!

"Okay lang. Pasalamat ka may awa pa ko sayo. Kung 'di kanina pa kita tinulak pahulog sa cart. Tsk! Swete mo. Ay hindi. Chansing pala." Aba't ubod ng pogi--este yabang naman neto ah!

Papatulan ko pa sana ng bigla na siyang tumayo ako umalis na. Aba't! Di lang pala siya mayabang bastos pa! Gwapo sana. Oo, gwapo. Pero, walang modo!

"Tara na?" -kyle

Nawala ako sa pagkukulam nung lalake sa isip ko ng biglang sumulpot si Kyle.

"Sige.."

---

(A/n: hehe. Sorry. Long UD. ^-^v sorry dami ding typo! :D)

Dreams do come True [ON GOING:]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon