"Please study about this, I'll be having a long quiz next meeting, that's all goodbye" sabi ng professor namin sa Math. Napapikit nalang ako. Paano ba na ang hirap kaya ng Math napairap nalang ako at nilagay ang notebook ko sa bag."Ano ba yan! First at Second pa yun na subject pero parang namamatay nako! First day pa naman ah, bakit may pa quiz na? May pa lesson? Ano ba yan? Di ko gets! Nahihirapan na ako, baka mamaya patay nako ang dami pang subjects." Padabog kong sabi at pinatid ang upuan sa unahan ko. Na ang nakaupo ay si Ashley.
"Aray! Baka mauntog ako, ano ka ba Kianna? Baka nakakalimutan mo na late kanang pumasok? Ang dami mo pang satsat! Muntik mo pa akong binangga sa unahan ng upuan. Kain lang yan dali punta tayo Canteen." Sabi niya at tumayo.
Kumunot naman ang noo ko. Wala akong pera baka mamahalin yung tinda nilang snacks dito.
"Ayoko, ikaw nalang." sabi ko at aakmang isubsob ang ulo sa lamesa. Nang hinablot niya bigla yung kamay ko.
"Aray ano ba! Bakit mo ako kinaladkad sabi ng ayoko eh!" Sabi ko at gumawa ng paraan para makawala.
"Wag kanang pabebe ako manlilibre, buti at mabait ako, kurutin kita dyan eh! Bakit naman kasi hindi ka nagdadala ng pera? Alam kong wala kang pera, bakit ba?" sabi niya sakin at huminto na nakatingin sakin.
Yumuko naman ako at nilalaro ang mga paa ko. Tumawa ako ng mahina habang nakayuko, uto-uto din to si Ashley minsan ano.
"Hoy sagutin mo ko, may problema ba?" Sabi niya at dahan-dahang yumuko at tinignan ang itsura ko.
Pipigilan ko sana ang sarili kong tumawa para naman maawa siya, pero di ko keri kaya napahalakhak ako ng napakalakas, nakit ko pa nga na may mga na gulat.
"Buwiset ka talaga Kianna, sana hindi kita tinuoungan kanina babae ka." Sabi niya at hinampas ang aking noo.
Napahinto naman ako sa pagtawa at napapikit sa sakit habang hinihimas ko ang noo ko.
"Aray naman ang bigat ng kamay mo, feeling ko mag marka yang kamay mo sa noo ko, tignan mo." Sabi ko at inirapan siya.
"Eh bakit ba kasi ayaw mong pumunta ng canteen aber?" Sabi niya ng nakapameywang. Tumawa naman ako ng mahina.
Sa totoo niyan ay, ayoko lang talaga dahil singkwenta lang ang dala ko, paano na jung mamahalin ang mga pagkain nila doon? Unibersidad pa naman ito, expected that no cheap around here.
"Wala, singkwenta lang ang dala ko at tsaka baka hindi na ako makauwi mamaya may Lunch pa naman baka hindi na ako makapag lunch neto. At isa pa ginawa ko iyon para malibre mo ako, tricks you know aanhin mo ang utak kung di mo gagamitin." Sabi ko at lumakad na, nakita ko naman sa peripheral vision ko na sumunod sya.
"Kaya di hamak scholar ka, ano pala trabaho ng mga magulang mo?" Tanong niya habang naglakad kami patungo sa canteen, medyo malayo-layo pa at ang dami pang hagdan na lalakarin.
"Hm, from now kasi hindi naman talaga kami originally na taga-dito, mga dayo nga lang naman as some say, si papa naghahanap pa din ng ma raketan habang ganoon ay nagtitinda si mama ng mga pagkain." tumango naman siya sa sinabi ko.
"Bakit nga pala kayo lumipat dito?" tanong na naman niya.
"Ipina-demolish kasi yung mga bahay namin doon gagawin daw na extended na kalsada, nasa gilid ng kalsada kasi yung bahay namin. Kaya wala kaming choice kundi lumipat dito ang mahal din kasi ng mga lupa doon hindi kami nakaka-afford." Sabi ko at nangangalay na ang binti bakit ang layo ng canteen? Nak ng pucha.
"Ahh, saan ba kasi kayo nakatira noon?" tanong niya ulit, andaming tanong ilagay ko nalang kaya sa maalaala mo kaya ang buong storya ng buhay ko para masubaybayan niya.
YOU ARE READING
Finding A Stranger Around Magallanes (Cebu Street Series #1)
Teen FictionMagallanes Street. Would you even take a risk finding someone that is complete stranger to you? Be a witness of Kianna's curiousity. 'First Installment of Cebu Street Series' Inspired by: 2wincitties Started: September 25, 2020 Ended: