"Ma nandito na po ako" sabi ko kay mama at nag-mano, ngumiti naman si mama bilang tugon."Anak bakit napaaga ka?" Tanong niya sakin habang busy sa ginagawa niya. Lumapit naman ako sakanya at tinulungan siya.
"Eh wala naman akong magawa doon, tsaka isa pa kailangan ko pang tulungan ang maganda kong mama!" Sabi ko at ngumiti sakanya umiling-iling nalang si mama.
"Si papa nasan?" Tanong ko naman. Ngumiti sya at sinagot na naghahanap na naman ng ma raketan, as usual kailangan para sa amin.
"Oh ikaw anak? Kumusta naman ang first day mo? Buti at pinapasok ka na." Sabi ni mama tumango naman ako.
"Okay naman ma, may na kaibigan naman ako mababait sila, tsaka ma! Ang laki ng paaralan na yun ang daming aircon naiinis ako, alam mo naman ma diba ayoko sa mga ganyan kasi di ako sanay." Pagmamaktol ko sakanya. Natawa naman siya sa inasta ko.
"Nako anak masanay ka na, wag mong sabihin ayaw mo ng pumasok kasi ayaw mo sa aircon?" Tanong ni mama napailing naman ako, siyempre hindi no, kailangan ko pang makita ulit si Mr. Stranger, ay speaking of him.
Hiyang-hiya talaga ako kanina, bwisit na bwisit ako sa inasta ko, ng dahil sa kahihiyan hindi ko na alam saan yun bumaba basta ang alam ko sa may Magallanes pa din yon.
Pero ayoko ng hanapin siya nakakahiya, mas mabuting wag nang mag-krus ang landas namin baka mapabili ako sa walang oras ng Cornetto, leche ka yana.
Napabalik naman ako sa realidad ng may bumili sa carenderia namin. Iyon lang ang ginagawa ko hanggang sa magsara kami.
Pagkatapos ay naligo ako at nagbihis para sana matulog na ng biglang may nag-text sakin.
096********
👩🏻 Madam si Ashley to, nagawa mo na ba homework natin? Tulungan mo naman ako oh, di ako sure sa mga answers ko pero tapos nako, review nalang kulang.
Napabalikwas naman ako sa higaan, hala! May homework pala?! Bakit di ko alam? Napakamot naman ako sa ulo at ni-replyan si Ashley na tawagan ko siya
Ng sinagot na niya ay mas mabilis pa sa alas-kuwatro pa ako nagsalita sa kaniya.
"Madaam! Hindi ko alam na may homework pala! Tulungan mo ako bilis na!"
["Abnormal ka din no? Ako na nga nagpapatulong magpapatulong ka pa ano tayo dito mag tangaan nalang?!"] Napairap naman ako sa sinagot niya sakin.
"O sige wag kang mag share ng answer, hindi din kita bibigyan pag meron akong answer." Sabi ko at ngumisi, tignan lang natin tong babae to.
[" HAHAHA, excuse me, Kianna, don't you remember? Ikaw palagi yung nanghihingi ng answer kasi your reason is late ka na nakapasok so behind ka for other subjects but well totoo naman pero yon nga"] napataas naman ang kilay ko, ano ba yung sinasabi ko?
Nasapo ko na lang yung kamay ko sa noo dahil sa stress mukhang wala akong kawala kailangan ko talagang mag-aral ng maayos, at sasagot.
"Ah, mukhang wala na akong magawa, sige na paalam na, kainin mo yang homework mo ha? Damot na damot eh" sabi ko at pumunta sa desk ko.
[" Really Kianna? Tumahimik ka diyan, akala ko ba nasasayangan ka sa knowledge mo kaya ka nag-aral ulit? What happen with that?"] parang sarkastikong sabi niya.
Ni-loud speaker ko yung phone at nilagay sa gilid ng desk ko, para naman makapagsimula na ako habang in-call pa siya.
"Tumahimik ka din, dami mo ng alam no? Itapon na kaya kita sa ilog?" Sabi ko naman, ang dami ng alam eh.
YOU ARE READING
Finding A Stranger Around Magallanes (Cebu Street Series #1)
Teen FictionMagallanes Street. Would you even take a risk finding someone that is complete stranger to you? Be a witness of Kianna's curiousity. 'First Installment of Cebu Street Series' Inspired by: 2wincitties Started: September 25, 2020 Ended: