1

20 1 0
                                    

Chapter One

"Hindi ka ba talaga nagsasawa sa ginagawa mo?!" naiinis na tanong ko pagkatapos kong punitin sa harapan niya ang isa nanaman sa mga 'love letters' niya. Hindi ko pa binabasa ay alam ko na agad ang laman nun.

Three years, tatlong taon na niyang ibinibigay sakin ang parehong mga sulat na yun at sa totoo lang ay hindi ako kinikilig, natutuwa, or naf-flatter man lang.

Nakakafrustrate kaya!

"Pwede ba tigilan mo na ako? Pagod na pagod na ako kakapunit ng mga basura mo.." I asked sincerely. "Maawa ka naman sakin.. Pati na din sa sarili mo.." I added.

Nakayuko lang siya pero halata sa mukha niya na nasaktan ko siya sa mga sinabi at ginawa ko. Pero what should I do? I couldn't help it! Ilang beses ko nang sinabi na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sakanya.

Wala na akong masabi pa kaya naman ay agad na akong tumalikod at naglakad palabas ng comfort room.

"Si Monique nanaman?" Gav asked. Napabuntong hininga na lang ako before I gave him a nod. "Wow, 3 years na ah.." he said na para bang namamangha sa kakulitan ng babaeng yun.

Monique used to be my closest friend during 9th grade. Maganda siya, hindi nga lang palaayos. Typical nerd at ako naman ang kaibigan niyang 'extroverted'.

Okay naman ang lahat. Nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay. Not until she confessed her gender identity and her feelings for me.

"I know.. At nakakaurat na talaga siya.." I said. "I felt betrayed! Nakakahiya, nakakainis.. Lahat! To think na lagi kaming magkasama! It's so gross thinking that halos sabay kaming nagbibihis parati.. Malay ko ba kung minamanyak or binobosohan na niya ako." I huffed.

Hindi ko agad napansin na medyo nagdadabog na pala ako habang naglalakad.

"Ven, I think that's too much. Hindi naman siguro ganun si Monique.."

Napahinto ako sa paglalakad and looked at him unbelievably. Hearing those words from Gav made me feel betrayed.

"At kinakampihan mo na siya ngayon?!" I asked.

"Hindi naman sa ganun.." agad niyang sagot. "You two were friends. Alam mo naman siguro na hindi niya gagawin yun sayo.." he explained.

Yes. We were friends. And never kong naisip na aabot kaming dalawa sa ganito.

"Do you think I am homophobic?" tanong ko bago nagsimulang maglakad ulit.

"No.. Wala akong sinasabing ganyan.."

"Wala naman kasi talagang problem sakin kung lesbian siya. Kahit pa maging bisexual or pansexual siya wala akong pakialam.." I explained. The truth is, ayaw ko rin namang ganito kami ni Monique. After all, she was my friend. "I even asked her to remain as my friend diba? Ang problema ay yung hindi niya pagtigil sa 'panliligaw' sa akin. Gav, ilang taon ko nang sinasabi sakanya na straight ako at may boyfriend na ako! Ano bang mahirap intindihin dun? Mahirap ba magets yun?!"

Gavriel stopped in front of me kaya naman napahinto rin ako sa paglalakad. He smiled at me revealing his deep dimple sa right cheek niya.

Ano nanamang trip nito?

"What?" I asked.

Instead of answering ay niyakap niya ako while gently caressing my hair.

"I'm sorry.. " he whispered. "We are supposed to celebrate pero nainis and nastress yata kita dahil sakanya.. Wag na nga natin siyang pag-usapan.. She's ruining the mood.."

I hugged him back. Gavriel never fails to calm me down. Napakaswerte ko talagang ako ang naging girlfriend niya.

Yes, Gavriel Santiago is my boyfriend for 2 years.. and counting.

G a v r i e l Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon