3

17 1 1
                                    

Chapter Three

Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante habang naglalakad ako papasok ng building. Maski ang ilan sa mga cleaning staffs ay napapatingin sa akin.

Anong meron at bigla akong sumikat?

Nakita ko ang ilan sa mga estudyante na nagbubulungan sa stairs at bigla silang nanahimik kapag malapit na ako sakanila. Nang makapasok ako sa classroom ay naabutan kong nagkukumpulan ang mga classmates ko.

Weird.

Binaba ko ang gamit ko at lumabas para kumuha ng libro sa locker. Napangiti ako nang makitang wala ng red envelope doon. Wala kahit anong pula. Himala!

'Siya yun diba? Yung apo ng director?'

Sinamaan ko ng tingin yung bumulong. Bumalik ako ng classroom at pinaglaruan ang ballpen na hawak ko habang pinapanood ang mga kaklase ko.

Nasaan na ba si Gav at nang matanong ko siya kung anong nangyayari?

As if on cue ay biglang dumating si Gav. Nagmamadali siyang pumasok at naglakad papunta sa akin.

"Hey, wha---"

"Your grandfather is looking for you."

Habang naglalakad papunta sa office ni lolo ay nararamdaman ko ang kaba ni Gav. Oo, si Gav ang kinakabahan. At kung may nararamdaman man ako ngayon, yun ay curiosity lang.

Sa buong buhay ko ay tatlong beses pa lang ako kinausap ng lolo ko. Yung una ay noong kasal ni daddy na ayaw kong umattend, pangalawa ay noong naguidance ako dahil sa pananakit ko sa classmate ko, at yung pangatlo ay noong libing ni Rachel- ang kapatid ko. In short, kinakausap lang niya ako kapag may nagawa akong mali.

What is it this time?

"I think I should come with you.." Gav suggested.

Nakatayo kami sa labas ng office ni lolo at ayaw niya akong papasukin mag-isa.

"What is this all about ba?"

Pakiramdam ko kasi ay alam niya na kung anong meron. And I really think this is the same reason why people keeps on looking at me.

"Ven.. Si--"

"Get inside, Raven."

Hindi na natapos ni Gav ang sasabihin niya. Lolo politely asked him na bumalik na sa class dahil ako lang ang excused at baka ma-consider daw siya na nag-cut ng classes.

"Dad--"

Isang malakas na sampal ang sinalubong sa akin ni Daddy. Agad naman siyang inawat ni lolo.

"Did you do it?!" he asked angrily.

"Do what?" I asked. "As far as I remember wala akong ginagawang mali."

"Paano ako maniniwala when all you do is cause trouble?! Akala mo ba hindi ko alam na hanggang ngayon kayo parin ng Gavriel na yun?!"

Biglang nag-init ang dugo ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Leave me and Gavriel alone!"

"The both of you, shut up!" lolo shouted.

Pinaupo kami ni lolo sa harapan niya. Pumasok ang isa sa mga secretary niya at may binulong.

"Monique Valdez was found in room 430 last night." he said. "She was hovering between life and death. There were blood all over the room and this is really disturbing." dagdag niya at itinuro niya ang malaking monitor na nasa bandang likuran namin.

Displayed in the big screen is a photo of Monique covered with blood. Mukhang naglaslas siya.

"All deaths are disturbing.." comment ko.

G a v r i e l Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon