Nathalie's POV:
"Late na naman akooo!!!" Sigaw ko.
Unang araw na unang araw ng klase ay malalate nanaman ako.
Eh paano kasi nanood ako ng movie kagabi. Di ko na namanlayan ung oras, UMAGA NA!
3:30 na nang umaga nung nakita ko ang oras.
Masyado akong na libang kakapanood. Kaya eto
baka malate nanaman ako.Pagka dating ko ng school ay hinanap ko muna si Alex dahil sabi nya ay hihintayin nya ko sa front gate.
Nang hindi ko siya makita ay naghanap ako sa paligid at iyun! Nakita ko sya papasok na ng building!
Hayy! Sabi ko na nga ba tatamarin ito mag hintay sa akin sa gate.
"Alex!" Tawag ko kay Alex habang tumatakbo papunta sa kanya.
"A..lex." Hingal na sabi ko ng makarating sa kanya. "Bakit di mo ko hinintay doon sa gate? Sabi ko hintayin mo ko." Kunwaring nagtatampo na sabi ko.
"Eh kasi naman, napaka bagal mo. Kung di ka kasi laging puyat, eh di maaga ka makakapasok. Buti nga di ka nalate ngayon." Mahinahong sagot nya.
Tama naman siya. Kaya lagi akong late ay dahil na rin sa aking pagpupuyat. Kaso hindi ko mapigilan na magpuyat dahil hindi naman ako gaanong inaantok pa.
"Oh sya, tara na at baka malate pa tayo. Madamay ka pa." Naglakad na kami papunta sa classroom.
Di pa pala ako nakakapag pakilala sa inyo.
Kamustaaa? Ako si Nathalie Winter but you can call me Nat. Kung tutuosin maganda naman ako kaso kulang nga lang sa talino. Isa rin ang dahilan noon ay ang pagiging puyatin ko.Pero kahit ganoon, wala ako eyebags at pimples di katulad ng nagbabasa nito. Charot!
Pag pasok namin sa classroom, ay marami nanamang mga babae at nag titilian at ang mga lalaking mga walang pakialam.
Bakit? Dahil etong kasama ko na ito, isa sa mga heart throb ng school namin.
"OMG! EEEKKK! GIRLSSSS!!!! SI ALEXXXX!"
"WAHHH!!! AMPOGI NYAAA! OMAYGHAD!"
"Pogi nga ang pangit naman ng kasama! Tsk!"
Tilian at bulong ng mga babae sa room namin.
Ngunit wala na akong pakialam dito dahil sanay na ako. Umupo nalang kami sa aming upuan at naghintay sa pagdating ng aming guro.
Pag dating ng aming guro ay syempre bumati muna kami at nagsimula na mag discuss ang teacher namin.
disscusss...discuss...discuss.
Pagkatapos mag discuss ng mga teacher namin ay pumunta na kami sa cafeteria at kumain.
Pagdating namin sa cafeteria ay syempre marami nanaman tumili at nagbulung-bulongan sa paligid.
Nang tignan ko ang mukha ni Alex, ay parang walang wala na sa kanya yun at paranag sanay na sanay na sya na nangyayari ito.
Well, gayun din naman ako. Sanay na rin ako dito dahil simula pa ng mga bata kami ay nangyayari na ito.
Flashback:
"Uy guys si Alex! Kaso kasama nya nanaman yung babaeng yun. Di naman kagandahan."
"Oo nga. Dikit ng dikit ung babaeng yun sa kanya. Sino ba siya?"
"Baka isa rin sya saatin noh? Tas sumusunod sunuran lang sya kay Alex para lang mapalapit sa kanya."
Nang marinig ko iyong mga bulong na iyon, ay tumakbo ako palalayo sa lugar na yun at pumunta sa lugar kung saan kaunti lang ang nakaka-alam.
Di ko alam na sinundan pala ako ni Alex papunta dito.
Nakita nya akong umiiyak kaya pinuntahan nya ako dito.
"Oy panget. 'Wag ka ng umiyak. Alam ko naman na hindi totoo ang mga sinasabi nila. Mag bestfriend tayo. Alam ko yan."
Kahit kaunti lang ang sinabi niya, ay gumaan rin ang pakiramdam ko. Sana nga lang totoo 'yun.
End of Flashback.
Kaya alam ko nana mangyayari ito dahil talaga simula pa ng maging kaibigan ko sya, nangyayari na ito.
Umorder na muna kami ng pagkain at kumain na.
Pagkatingin namin sa oras ay may 30 minutes pa kaming oras kaya't napagpasyahan namin na tumambay muna sa library at mag basa basa.
Pagdating namin sa library ay may tao kaming hindi inaasahang makita.
YOU ARE READING
Flying With You
RandomCan her Childhood Best friend be with her until the end? Can her Childhood Best friend be with until she is FLYING? Can they fulfill the promises the promised with each other? A/N: Sorry for the mistakes and wrong grammars.