Chapter VII - SCARED

10 1 0
                                    

"guys! wala das tayong pasok ng 3 days! tuloy daw yung pag alis ng mga teachers and staff tomorrow!" -pasigaw na balita ni Clai,  di naman siya excited sa three days na yun hano? pero ako, hindi excited, excited na excited lang!! :D nandito nga pala kami ngayon sa dining area,, kanina pa kami tapos maglunch, ang dami naming napuntahan kanina pagkatapos naming mag ice cream, tapos syempre hindi mawawala yung dingdong ditch, ayun naka 4 na bahay kaming tinakbuhan, yung isa kulang nalang habulin kami ng may dalang itak, galit na galit talaga e, haha

"talaga?! talaga?! talaga?!" -paulit ulit na tanong ni Drey,, excited din ha? haha, sabagay sino ba namang hindi magiging excited, friday nalang ang pasok, tapos activity day pa! kaya sobrang saya! walang math, walang physics! wala ding checking ng topic para sa thesis! haha, masarap magbunyiii!! :D wala pa kasi akong naiisip na topic e, bawal daw kasi yung parepareho, e yung topic namin nung third year halos lahat may kapareho,, kaya ayun, para fair lahat kami magbabago ng topic,,, pero sa sobrang sipag ko, hindi pa di  ako nag iisip ng topic kahit na bukas na yung checking nun! hahaha, ako pa e sobrang sipag ko!

"oo nga, kulit!" -sagot ni Clai na kunwaring naaasar,,

"e ano nang plano?" tanong ni Erwin,,

"edi extended ang over night!!!" sagot ni Ice, haha, natutuwa siya kasi hindi lang kami nila kuya ang makakasama niya habang wala sila mama,,

"understood na yun noh! pero idagdag natin si Khiel sa plano!" -sagot ni Clai, kabarkada na kasi ang turing namin sa kanya, o diba, half day palang namin siyang kasama close na agad! haha

"e sino ba may sabing papayag ako ng hindi niyo ko kasama?" -sagot ni Khiel, natawa naman kaming lahat,,,

"so, pano tayo magkakasya sa kwarto, nandiyan na si Khiel, tapos idadag pa si hilaw? pano yon? siksikan? parang sardinas lang? aba di ako payag nun!" -tanong ni Drey,, arte lang! dinaig pa ko a! haha, si kuya nakita ko namang pumasok,,

"edi ilipat niyo yung bed ni Nic dun sa kwarto niyo,," -sabat ni kuya habang papunta sa may ref,,

"oo nga noh! galing mo din kuya! sino magbubuhat?" -sarcastic kong tanong,, e pano ba naman ang laki laki non,,

"edi kayo," -sabay turo sa amin nila Drey, Kim, Erwin at Lex, wow a! kasama talaga ako? di ba dapat siya yung kasama nilang maglipat? ang laki laki nung katawan niya tapos di siya tutulong? pagdinapuan talaga ng katamaran 'tong kuya ko o!

"e bakit di ka tutulong?" -tanong ko,

"sineryoso mo naman? haha, alam mo namang hindi ka pinagagawa ng trabahong lalaki dito sa bahay e"-sagot ni kuya, oo nga noh? haha, kahit na minsan lalaki ang turing sakin ni kuya, hindi nila ako hinahayaang gumawa ng man's duty dito sa bahay, sadyang ako lang ang nagiinsist minsan,, mahirap naman yung hindi ko natatry yung ganun noh,, atleast alam ko,,

"ano? tara na, ayusin niyo na yung kwarto niyo at ng mailipat yung kama,," -sabi pa ni kuya,,

"tara!" - pag-aya ni Kim,, so ayun, umakyat na kami at dumeretso sa room of the adopted, hindi naman namin masyadong binago yung ayos, nagligpit lang kami tapos inusod yung mga kama para magkasya yung kama ko,, tapos yung cabinet naman, kulang din, kaya nagpasama ako dun sa mga lalaki para kuhanin yung dati naming cabinet nila drey, para sa tatlo yun kaya makakaroon ulit ako ng cabinet!!

"nandun yun o!" -sabi ko sabay turo sa hagdan paakyat ng atique,,

"a, tara!" -sagot ni Drey, umakyat na kami, nauuna si Lex,, pag akyat niya,,

"o, nasaan yung pinto?" tanong ni Lex, haha, ngayon lang kasi sila nakaakyat dito, tapos hindi pa halata yung pinto dito, ako nakaisip niyan, pinaayos kasi ni mama 'tong bahay, ayun namakielam ako, haha, ako pa! dun ako magaling e!

Pakinggan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon