Cassandra's POV
Pagdating namin sa office, pinagtitinginan kami habang papasok ng lobby na tila nagtataka sila kung bakit kami sabay ni Kenneth. Late na kasi ako ng 10 minutes. Usually kase 10-15 minutes lang ang byahe. Pero dahil medyo traffic ay inabot kami ng 25 minutes so ayun late ako ng 10 minutes.. Never kasi akong nalate kaya din siguro nagatataka ang mga officemates ko. Sa private elevator ako pinasakay ni Kenneth. Bigla niya kase akong hinila nung pasakay na sana ako sa regular elevator na lalong ipinagtaka ng ibang mga empleyado dito since wala naman masyadong nakakaalam ng tungkol samin. Mga heads lang naman ang nandun nung nangyari yung una naming pagkikita ulit."Cassandra, simula ngayon, dito ka na sa elevator na ito sasakay ok."
basag niya sa katahimikan nang makasakay kami sa elevator.
"Pero Kenneth, regular na empleyado lang namn ako dito at hindi vip kaya sa susunod wag mo ako hihila---"
"Makimili ka Cassandra Andrea, sa Private elevator ka sasakay o hindi ka na papasok sa opisina na ito at dun ka nalang sa bahay."
"At bakit, huh.. Sino ka para diktahan ako.. Ni hindi pa nga kita manliligaw ehh..."
"Aiiisssshhh.. Ehh kasi naman yung mga empleyadong lalaki na kung makatitig sayo akala mo huhubaran ka nila. Bat ba kase ganyan pa ang suot mo?!"
"Duhh?! Ganto kaya lagi kong suot simula pa lang dati!! Wag ka nga jan!!"
*ting*
Saktong tumunog naman ang elevator at nasa 15th floor na kami. Lumabas na ako ng elevator at pumunta sa opisina ko. Kala ko maayos akong makakapasok sa opisina ko ng biglang..
"Hoy bruha!! Ano nanaman ang eksena nio ni Boss dun sa elevator?! Kaloka kayo ahh!!"-May
"Oo nga... Mawawalan ka na tuloy ng manliligaw...hahahahahaaha"-Trice
"Hahaha...nako bes! Ano bang nangyari at usap-usapan kayo sa buong building na to?!"
"Wala! Maarte lang talaga ang mokong na yun!! Sge na pasok na muna ako.."
"Weeehhh...ayaw mag-share!! Yan tayo ehh.."
Sabay-sabay nilang tatlo na sabi...
"Mga loko!!"
At tuluyan na akong pumasok sa opisina ko... At sinimulan ko nang tapusin ang gabundok kong trabaho...hehehe...
Di ko na namalayan ang oras ng biglang
"Cassandra Andrea! Anong oras na bakit hindi ka pa nag Lulunch?!"
"Busy ako. Wag kang makulit jan! At sinong nagsabi sayo na pumasok ka dito?!"
"Yung secretarya mo. oh ayan na ang pagkain! Kumain ka na."
"Busog pa ako... Lumabas ka na nga.."
"Kakain ka o pakakainin pa kita. Kanina ka pa Cassandra ahh.. Baka gusto mo talagang sa bah----"
"Topak ka din ehh no!! Sabi ko naman sayo nung nakaraan mag reresign nalang ako ayaw mo. Tapos ngayon ganyan nanaman..,"
"Ehh kasi naman ehh... Pinapabayaan mo na ang sarili mo.. Kumain ka na muna kase."
Talo lang ako sa pangungulit niya kaya eto kami ngayon at kumakain dito sa may living room ng office ko.
"Nga pala Dar, nag retire na si mrs. Gamboa, yung SVP for finance natin. So bakante na ang posisyon na yun, kelangan ng kapalit at ikaw ang ipapalit ko dun since ikaw din ang sinuggest ng previous owner neto at dahil ikaw yung may pinakamagandang record sa mga iba pang senior accountants dito... Ibignsabihin nun, lipat office ka na din. Dun ka na din sa 20th floor. And hindi ko hinihingi ang suggestion mo dito.. This is an order. Starting tomorrow, dun ka na mag oopisina."m
Dirediretso niyang sabi habang kumkain kami.
"Kelan pa siya nag retire?!"
"Last week pa pala siya nag file ng retirement niya... Bago pa man maturn over sakin eto."
Hindi ko alam kung anong sasabihin komkaya napatango nalang ako.
"Isa pa pala. Since na-merge na ang Montesilva at Del Madrid empires, isa itong Canada Branch sa mga bagong offices natin."Tumango nalang ako ulit. May napapagusapan pa kami tungkol sa trabaho hanggang sa matapos ang pagkain namin at dumiretso na agad ako sa trabaho ng hindi ko na siya pinapansin. Hanggang sa naligpit na pala niya ang kinainan namin. Maya-maya pa ay may narinig akong inilapag niya sa center table ko. Hindi ko pa din pinapansin dahil sa pag ka busy ko.. At tuluyan na ngang nanahimik dito. Na-curious ako at tinignan ko kung anong ginagawa niya at nagulat ako kasi andito na ang laptop niya at lahat ata ng paper works niya ay dito niya dinala...
"May sarili ka namang office bat andito ka pa?"
"Ehh sa mamimiss kita ehh.."
"Hindi ka pa ba nagsasawa naman. Jusmiyo. Sa bahay magkasama na nga tayo. Hanggang dito ba naman gusto mo dito ka lng sa opisina ko?!"
"Nope, hindi, no, not ever, at never akong magsasawa sayo. *wink*"
"Hmp! Magtrabaho ka na nga lang!!!"Nanahimik na kaming dalawa at bumalik sa kanya-kanya naming mga trabaho...hanggang sa hindi ko namalayan na 5:30 na pala at oras na para umuwi.
"Uhmm.. Dar, okay ka na? Uwi na tayo?"
"Sge.. Daan anlng tayo ng KFC Keneth ah.. Tinatamad akong magluto ngayon ehh.. Yun kase oaboritong fastfood ng kambal."
"Ok sige."
At umalis na kami ng office, sabay na kami na sumakay ng elevator pababa ng Parking lot.
Sa byahe ay tahimik lang kami. Hanggang sa makatapos kami sa drive thru sa KFC at hanggang makarating kami sa bahay ay tahimik lang kami.
Pagkapasok namin sa loob ay..
"mommy!! Mommy!! Daddy!! Daddy!! "
Sabay na sigaw ng kambal na ikinatuwa namin ni Kenneth. Hayyy... Sila talaga ng stress reliever ko ehh...
"Wow!! KFC ouw favouwite!!!" Kate.
"Yeeeyy thanks for the pasalubong mom and dad!!" Keith.
"Welcome babies!! How's your day? Nagpasaway ba kayo kay yaya?"
Tanong ko sakanila habang palakad kami papuntang Kitchen.
"No po mommy. We wewe behave the whole day po."
"Thats true po mommy. We just watched tv and followed everyhting that yaya told us to do. We even tried to study po the alphabets and we learned a bit.."
"Wow.. Very good pala kayo.. Tama lang pala na bumili kami ni mommy ng Pasalubong na KFC"
Sabi ni Kenneth na tuwang-tuwa sa mga anak.Kumain na nga kami at nag kwewento pa din ang kambal ng mga ginawa nila. Medyo familiar na daw sila sa mga alphabets at kaya na nila itong isulat. Sabi ko nga next time name naman nila... Hayy ang bilis ng araw talaga... Ilang months nalang ay mag te-three na sila.. Parang kelan lang ay ipinag bubuntis ko lang sila... Hayyy.. Natapos na kaming kumain at nag ready na para matulog....
Kinabukasan...
Nagising ako ng quarter to 6 at tulog pa ang mag-aama ko. Bumangon na ako at nagsimula na akong mag prepare for work. Pagkatapos ng 30 minutes ay wala na sila sa kwarto ko at nakakapagtaka na hindi ko namalayan. Pero ayun nga, lumabas na din ako ng kwarto at nakita kong bihis na din si Kenneth at nakaupo ito sa may sofa sa living room.
"Cass, hindi pa kasi tapos sila Nana mag prepare. At yung mga bata. Nagpaalam na kung pwede daw ba silang sumama. Sabi ko antayin ka nila at maligo nalang muna sila."
"Ahh sge.. Wala naman na akong masyadong paper works kase natapos ko na yung iba kahapon. Pasamahin nalang natin. Teka aakyatin ko muna sila."
Paakyat na saana ako ng...
"Mga anak, kumain na kayo. Ready na ang breakfast!"
Tawag ni Nana.
"Sge po. Sunod ako. kenneth mauna ka na akyatin ko lang ang mga bata."
"Ako na anak, sige na kumain an kayo ni Kenneth dun."
Ngumiti nalang ako atsaka tumango kay Nana.at dumiretso na kami sa dining area."Mommy! Daddy! Wewe finished pwepawing na po." Kate said.
"You take a seat and eat with us na.. And you'll come with us in the office." -kenneth.
"Talaga po daddy?!"Keith.
"Yes kaya eat faster ahh..." Kenneth said.
We eat quietly and after nun ay nagpalit lang ng pang alis ang dalawang bata at pumunta na kami sa office. Hindi na namin pinasama si Yaya Chacha dahil andun naman daw ang sekretarya namin kaya ok lang daw.Pagdting sa lobby ng office, as usual pinag titinginan nanaman kami. Paanong hindi ehh hindi pa naman pormql n naipapakilala ni Kenneth kami sa lahat ng empleyado dito. Lhat ng meron sil ay haka-haka pa lang...
Pasakay na sana kami ng private elevator ng biglng..
"Cassy!?"
Napalingon ako at... Ohmygosh!-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bitin?!
Hehehe hi guys!! Yan muna..
Medyo di maganda pakiramdam ko ngayon ehh..
Sana matuwa kayo.
Sorry for the wrong grammars and typos..
Thanks You and Enjoy Reading!!Hello pala sa pinsan kong reader din neto!!
❤️A
BINABASA MO ANG
My Twins' Father is My Boss
RomanceWhat will you do if you found out na yung taong matagal mo nang kinakalimutan ay biglang babalik sa iyong buhay ehh ang feelings mo pa naman sakanya ay magkahalong Galit at Pagmamahal.. ano kayang mas mananaig, ang Galit o Pagmamahal gayong may isan...