Chapter 2

85K 1.3K 23
                                    

Maaga akong nagising at nag gayak ngayong araw dahil nga dadating na ang bagong boss namin. Inasikaso ko ang kambal saglit at pumasok na sa opisina. Pag dating ko, aligaga ang karamihan. 

"Good Morning Ms. Cassy!" Bati ng ibang tauhan ko. 

"Good Morning din sainyo! Ready na ba kayong lahat?" Tanong ko.

" Opo mam ok na po lahat. Aligaga lang yung mga kababaihan kase sobrang gwapo daw ng bagong CEO natin maam!" Kinikilig na sabi ng aking secretary. 

"Hay nako kayo talaga...anong schedule ko ngayon Mel?" Sabi ko sakanya.

" Ms. Cass wala naman pong masyadong meeting ngayon pero may isa po kayong schedule. Sa isa po sa mga Junior Accountants sa Construction dept. po. Tapos po yung mga pipirmahan niyo pong papers na ipapasa na dn sa SVP Acctg. Head. Yun lang po ms." 

"Sge Mel thank You, pakisuyo nalang ng coffee.." 

"coming right up Ma'am!" 


After 10 minutes... 

Dumating ang coffee ko at nagsimula ng magreview ng mga trabaho...

 Hanggang sa.....

"Gerl labas na jan andto na daw yung bagong boss!" Sigaw ni Janine. 

"Oo na oo na anjan na!! Makasigaw to," pagkalabas ko.. 

"Dardar?!" 

Para akong naestatwa...Sh*t isa lang tumatawag sakin nun.. Walang iba kundi si....

"Kenneth?!" 

Oo si Kenneth Del Madrid ang nandito ang dating asawa ko. At tatay ng mga anak ko. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako..

"DarDar asawa ko..ang tagal kitang hinanap..."

pilit ko siyang tinutulak dahil pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ay nasa amin ang tingin... 

Nagtagumpay naman ang pagtulak ko at daliang tumakbo sa loob ng elevator at dalian sinasara ko ito..ngunit sadyang malaki talaga si Kenneth kaya naabutan niya ako...

"Ano ba!!? Bitawan moko Kenneth! Matagal na tayong wala at matagal na tayong tapos!" Buong tapang kong saad sakanya.

"Hindi...hindi asawa pa din kita... Akin ka pa din... At akin ka lang Cassandra Andrea Montesilva-Del Madrid!" 

Kinilabutan ako sa paraan ng pagsabi niya at pilit na nilalakasaan ko ang loob ko... Saktong pagtunog ng elevator ay tumakbo na ako papunta sa aking kotse at nag drive pauwi. Buti nalang at bitbit ko ang aking maliit na bag na may laman ng aking Cellphone at wallet...
Habang nag dadrive ako tinitignan ko kung may nakasunod sakin.. Awa ng diyos nakauwi naman ako ng matiwasay...

Paano nga ba umabot sa puntong ito....

*FlashBack*

5th Year College...

Mayroong gathering dito sa mansion ng mga Del Madrid. Nandito ang buong pamilya namin since Best of Friends ang mga angkan pa ng mga Del Madrid at Montesilva.

 Yearly kase isini-celebrate ang anniversary of friendship ng dalawang angkan. Ngayon nga ay ika-75th Friendship anniversary na ang sini-celebrate namin. 

Kaunti lang naman kami dito ngayon... 

Sa aming pamilya Sina Lolo at Lola ----tito Crisostomo at tita Clara----Papa Clarence at Mama Alexandrea. Si tito Crisostomo ay Kuya ni Papa. Ang anak nila tito ay dalawa lang.. Sina Kuya CC at ate Christina. Meron din akong nag iisang Kuya. Si Kuya Clarence Alexander... So bali sa side namin ay 10 lang kami. 

Ganun dn sa side nila KenKen. Lolo at lola niya. Tito at tita niya. Mama at papa niya. Silang magkapatid. At 2 pinsan din niya. 10 dn sila so 20 kame lahat dito.. Pati mga maid na nag preprepare ng lahat since ayaw nila lolo at lola na may umagawa ng gawain sa kusina habang nagkakasiyahan ang iba.

 Matapos ang selebrasyon, kinausap ako nina mama, papa, tito Karl at tita Amanda at siyempre kasama si Kenken... Sa private living room nila kami nag usap..

"Anak, Cassy, since magtatapos ka na next week, sasabihin na namin ang mahalagang bagay na nakatakda sa inyong dalawa." Sabi ni Papa... 

Medyo kinakabahan na ako dahil parang alam ko na...

"Since 75th anniversary, sainyo natapat ang kasunduan ng ating mga pamilya na maging isa na..." Patuloy ni tito Karl. 

"Ano pong ibig niyong sabihin?!" Sabay na tanong namin ni Kenken.

"Mga anak sorry pero nakatakda kayong makasal bago matapos ang taon na ito. At ang balak namin ay sa susunod na buwan na." Sabi ni mama...

at nagulat ako ng biglang...

"WHAT?! Hell no!! MAMA YOU KNEW NA MAY GirlFriend ako at isang taon na kami.! Si Dardar may mga manliligaw yan madami. Bat pa----" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil...

"Kenneth! You don't need to shout like that.! Hiwalayan mo ang Girlfriend mong yan kundi bukas na bukas walang eskwelahan na papasukan yan. Kilala ko yang girlfriend mo!" Medyo pagalit na sabi ni Tito.

"Tito, Papa bat po kailangan na kami pa. Pwede naman po na si ate Tina at Kuya Kim ang ikas---" d ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin ni papa yun..

"Hindi pwede Cassandra! Dahil kayo ang bunso sa parehong angkan kaya kailangan masunod ito sa ayaw at sa gusto ninyo." Madiing sabi ni papa..

"But---" "NO BUTS young Lady!" Magsasalita pa sana ako ng biglang tumayo si KenKen at daliang lumabas ng kwarto....

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: hello guy! Sana magustuhan niyo... ---

❤️Ate A.

My Twins' Father is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon