Chapter 13

54K 727 6
                                    

Cassandra's POV
Kinabukas ay nagising ako na may mabigat na nakapatongsa may bandang tiyan ko at pati mga binti ko... Binukas ko ang aking mga mata at nabigla ako na si Kenneth na ang nakayakap sa akin. Kagabi kasi ay dito na ulit sila natulog sa kwarto ko. At ang katabi ko kagabi ay si Keith. Dahan dahan kong inalis ang mga braso at binti ni Kenneth na nakapulupot sakin. Dinadahan dahan ko at iniiwasan kong magising siya. Nang malapit ko nang matanggal ay hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sakin.
"Hmmmmm...."
Ungol niya... Pinipilit ko pa din siyang itulak hanggang sa sinukuan ko ma dail di ko talaga kaya ang bigat niya. Hanggang dumako ang tingin ko sa kanyang mukha.
Talaga ngang nag mature na ang kanyang mukha. Kung dati gusto niya na neat and clean lagi ang mukha niya, ngayon siguro ay hindi na every two days ang oag shave niya dahil mayroon maiiksing bigote ang tumutubo sa kanyang mukha na lalong nag pa dadag ng sexappeal niya. Ang hot niya lang lalo tignan.... Hindi ko naman itinayangging gwapo siya oh ano man, hindi ko rin naman tinatangging wala na ang pagmamahal ko sakanya kaya lang takot pa din ako...maya-maya pa ay naramdaman kong medyo nagiging maluwag na ang pagkakayakap niya at..
"Hmmmm... Good Morning Dardar ko.."
He said and smiled while his eyes are still close.
"Uhmmm.. Good Morning din.. Ahhh... Baka pwede mo na alisin ang pagkakayakap mo, aasikasuhin ko pa ang mga bata..."
Tinanggal naman niya at sawakas ay nakaupo na ako. Patayo na sana ako at papuntang banyo ng biglang...
"Good Morning Mommy and Daddy!!!"-Keith
"We asked yaya to help us po to pwepawe ouw bweakfast... Let's eat po in youw tewwace mom!" -Kate.
Pagkasabi niya nun ay pumasok si Yaya Chacha at si Nana Lucia.
"Good Morning Ma'am, Sir." -Yaya Chacha
"Good Morning mga anak. Hay nako. Ang aga nagising ng Kambal niyo at nangulit sa kusina."
Sabi ni Nana ng naka ngiti.
"Hay nako naabala pa ata nila kayo. Salamat po Nana, Ya salamat at Good Morning din."
Nakangiti kong sabi
"Sge hija mauuna na kami, hijo."
"Sge po. Salamat at Good Morning din." -kenneth.
At lumabas na nga sila Yaya.
"Mommy daddy come na po!" Kate.
"Wait lang ahh, i'll just freshen up okay.? If you want, mauna na kayo i'll follow nalang"
They nodded and smiled..
.
.
.
.
.
Kenneth's POV
Ang sarap talaga ng tulog ko kagabi at ang ganda ng gising ko lalo na at si Cassandra ang bumungad sakin. Nauna akong nagising sakanya at nagpanggap akong tulog at sinadya kong higpitan ang yakap ko sakanya... Buti nalang at mas malaki ako sakanya kaya wala siyang nagawa... Hehe... Naramdaman ko din ang pag titig niya sa akin. At nung naramdaman kong hindi na siya nakatitig sakin ay nag simula na ako magising kunware... Hehehe... Ang saya ko talaga ngayong umaga... At dinagdagan pa ng surpresa nang kambal.. Haaaayyy... 2 years old lang ba talaga sila?! Ngayon, lalo akong nagsisisi at wala ako sa lahat ng first time na meron sila. Wala din ako sa tabi ni Cassandra nung mga panahong naglilihi siya at pinaka pinagsisisihan ko ay ang hindi ako ang unang nakakita sa kambal nung lumabas sila sa mundong ito... Haaaayyyy... Babawi talaga ako sakanila lalo na kay Cassandra...

"Daddy, what is youw favowite food po?"
"Hmmm.. Shrimp Pesto with lots of cheese. And hmmm... Carbonara.. How bout you two!?"
"Weally daddy?! That's ouw favowite too!! Escpecially mom's Pesto.."
"Yes dad!! When mommy has no work and we just want to stay at home, she cooks for us."
"Hey guys! What did I miss?"
Dumating na pala ang Reyna namin..
"Nothing much Dar. Nagtanungan lang kame ng Favorite food. And parepareho pala tayo ng paborito..."
Ngumiti lang siya at umupo na sa tabi ni Keith. Si kate kasi ang katabi ko.
"Come on Let's Eat!!"
At nagsimula na nga kami kumain. May mga kwentuhan kami. Nagtanungan din ng bagay bagay. Ngayon masasabi ko na medyo kilala ko na ang mga anak ko. Sobra lang talaga ang pasasalamat ko kay Cassandra para sa lahat ng bagay...
.
.
.
.
.
Cassandra's POV.
Natapos na nga ang breakfast namin. Nakaligo na din kami at ngayon ay nandito sa may Park na malapiy sa bahay. Nakaupo lang kami ni Kenneth sa isang bench dito since andyan naman si Yaya Chacha, siya ang nagbabantay.. Ng biglang...
"Uhmm... Dar, uhmm.. Gusto ko lang malaman kung balak mo bang umuwi ng Pinas?"
"Oo nasa plano ko yun. Bago siguro mag 3 ang kambal. Mga 4 months nalang naman ehh.."
"Naayos mo na ba ang mga papeles nila?! Tsaka paano pala yung mga bahay niyo dito?"
"Inaayos ko na yun bago mo pa malaman ang tungkol sakanila. Nung unang kita mo samin sa toy store nun ay ipinapamadali ko ang pag asikaso sa papeles nila nun. Dahil ayaw ko pa sana makita mo sila. Pero wala ehh.. Nakita mo na sila. 1week nalang naman at lalabas na ang mga pinaayos kong papeles at pwede na sila madala sa Philippines."
"Ahhh... Sge.. Uhmmm gusto ko sana sabay-sabay na tayong umuwi sa Pinas. Inaayos ko lang naman ang Canada branch ng KCDM empire.. Mga next momth na ok lang ba?"
"Sige. Pero uhmmm.. Ano hindi pa nila mama alam na alam mo na ang tungkol sa kanila baka pwede isecret muna antin. Para surprise."
Sabi ko sabay ngiti.. Sasagot pa sana siya ng may tumawag sa phone ko..

My Twins' Father is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon