Chapter 1

1 0 0
                                    

Ding dong. Somebody’s on the door.

Ding dong.  Ulit nya.

I was going down the stairs nang narinig ko yung doorbell. “Parating na…” my answer in a dragging voice. Well, after nung nangyari kanina, sino ba naming hindi made-depress? Tinawag pa akong malandi …

Hayyst, parang ayoko munang pumasok …

Ding dong. Nasa tapat na ako ng pinto then I heard my name, “Gale?”

Binuksan ko ang pinto nang mabagal. It was Jadie, bestfriend ko. Nakatira siya sa opposite block kaya dinadaanan niya ako para sa school. Naging friends kami since elementary. Long black hair, round eyes, slim body—naaalala ko pa nang maraming boys na gustong lumapit sa kanya. I protected her back then, kaya heto kami ngayon. Staying strong.

Meron siyang sinasabi sakin, pero hindi ko marinig. Para bang nasa ilalim ako ng tubig. Looks like I used up all my energy kakaaway kay kuya ...

“Gale!” pinitik niya ang noo ko.

“Aray!” sigaw ko sabay hawak sa noo ko.

“Hay, I knew it! Hindi ka man lang nakikinig sakin!” she pouted.

I made a smile, “Ah, sorry, sorry…” yung pangalawang sorry sinabi ko nang mas mahina.

“May nangyari ba?”

“Ah, wala. Sorry if I make you worry.” I said. Kahit kay Jadie, sinikreto ko rin ang pagsusulat ko. In this boyish side of me…

“Ayusan nga kita!” she fixed the necktie on my uniform, even my hair. The hell, ang gulo ko palang tignan, I’m not really into skirts anyway.

“Oh, alis na kayo?” sigaw ni kuya mula sa malayo, nandun siya sa kusina.

“Problem?” I answered.

"Oo." sagot ni kuya, "Iniwan mo yung gatas mo--"

“Bye.” I waved my hand without looking back.

"H-Hoy, Gale!" sumigaw si kuya, "Sinasabi ko sayo, walang lalaking lalapit sa 'yo!!!"

"Ah?! Anong pake mo?!" Binelat ko siya, tapos sinara ko nang malakas ang pinto. "Tara na nga, Jadie..."

"Gale, don't mind..." sabi niya.

Mula sa loob, naririnig ko parin si kuya, "Uu~mii~no~mm ka~~"

"SHUT UP!"

***

 Naglalakad kami ni Jadie sa usual route naming papunta sa school. We also talked about our last year on high school, then what university to attend, what courses to take, at marami pa. Hindi talaga kami nauubusan ng topic kami kapag magkasama kami. Well, I think that’s a good thing.

Well, it’s still a pretty sad thing na matatapos na ang high school life namin, with only one year left…

If there was just something new.

Napadaan kami sa  isang bakanteng lote at mayroong naglalaro ng soccer—mga at least limang bata at isang binata. Ang mga damit nila ay maputik pero masaya silang pinapasa ang bola. Inisip ko na may pagka-isip bata ang binatang kasama nila, pero nang lumingon sakin, Damn. He looks so mature. My heart pounds heavily. Halos may tumugtog na love song sa utak ko.

“Gale!”

Nagkatinginan kaming dalawa. He has messy hair, sharp eyes, at magandang jawline—I just remembered a hero in my story na ganitung-ganito ang pagkaka-describe ko. I felt like the time runs slowly, slowly until it stops. Fudge, ano ba 'tong nararamdaman ko??!!

“Gale!”

He parted his lips and extending his hand to me, parang may sinasabi sakin.

“Gale!!!”

Maya-maya I came up to my senses again at tumama ang soccer ball sa ulo ko—the same location kung saan ako pinitik ni Jadie kanina. Then I fell.

“Gale! Okay ka lang?” Sinalo ako ni Jadie.

“S-Sorry talaga, miss! Sorry!” "Kuya, okay lang ba siya??"

“Gale, gusto mo ba munang umuwi sa bahay?”

My eyes are blurry, pero for sure si Jadie yun, then yung guy at tsaka ung mga bata nakapaligid sakin.

“Ahh, what the hell is happening today?” I said softly.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sugar, Spice, and Something NiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon