Chapter One

1 0 0
                                    

Iris' POV

"Goodafternoon baby giirrll!"

Para ko nang alarm clock ito eh.

"Arrggg!! Will you please stop calling me thaaaat?!! Nakaka-irita ka naaa, you know?. I'm not baby anymore." napatakip nalang ako sa aking tenga.

For 10 years, palagi niya akong tinatawag na 'baby girl'. Like, I don't want to be called by that word, as in.

"Eh, nababagay naman sa'yo eh. Ang cute mo kaya. Ang arte mo naman masyado." masungit na sagot ni Jave sa akin.

"Nanunukso ka ba? Pwes, kung nanukso ka man, tigil mo na 'yan. Hindi nakakatuwa." niirita kong sabi.

'Yan talaga ang kadalasang tawag ni Jave sa akin, pero may halong tukso, dahil iyon din ang tinatawag ng aking ex-boyfriend sa akin na gusto ko nang kalimutan.

"Sorry na master." patawa niyang sabi sa akin.

Umirap nalang ako. Sanay na talaga ako na di kami bati ni Jave.

Buti nalang at nakapag-asawa ulit si mama at naka-ahon kami mula sa kahirapan. Pero kahit lumipat na kami ng tirahan sa malayong lugar, sumunod parin si Jave. 'Di n'ya ako kayang iwan. Syempre.

"Happy 16th birthday beautiful!" patawa niyang sabi.

"Salamat." bumaba na ako at pumuntang bathroom upang maligo na and mag ready para mamaya.

Napadaan na naman ako sa salamin.

I heaved a sigh.

I'm annoyed, kasi nakikita ko na naman mismo 'yong third eye ko. Like, nakakatakot. It's feels so uncomfortable. Buti nalang at hindi ito nakikita ng ibang tao.

Pumasok nalang ako sa loob ng banyo at sinimulan nang maligo.

"Iris! Bilisan mo na jan. Andito na ang mga tita mo!" sigaw ni Jave sa akin.

"Luh, alangan naman babagalan ko. " pilosopa kong sagot.

Tapos na akong maligo at umakyat papunta sa kwarto ko upang magbihis.

"Hoy! Anong tinitingin mo jan ha? Sho! Umalis ka nga, perv!"

Tumawa ng napakalakas si Jave.

"Luh, parang di ko pa nakita 'yang katawan mo dati ah." sagot n'ya.

Eww!!

"Shut up. Susuntukin talaga kita."

"Susuntukin? Pano?" patawa niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo. Sige na, tumalikod ka na." pagmamaka-awa ko.

Tumalikod naman s'ya.

"Done." hudyat ko.

Humarap si Jave sa akin at lumaki ang kaniyang mata.

"Gago, baliw ka talaga kahit kailan." umirap ako at tinalian ang aking buhok.

"Luh. Totoo naman eh. Nakakamangha ang kagandahan mo, miss." kumindat s'ya.

"Ewan ko sa'yo. Eww." lumabas na ako ng silid at bumaba patungo sa backyard.

"Luh! Sungit naman nito! May dalaw ka ba? Ha?!" narinig kong sigaw ni Jave pero di ko nalang ito pinansin.

Pagkapunta ko sa backyard, sinalubong ako ng aking mga aunties and cousins sa side ng step father ko.

"Uy andito na pala si Iris." sabi ng isa kong auntie.

"Uy, ang ganda naman nitong pamangkin ko." sabi ng isa ko pang auntie.

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon