Prelude

2 0 0
                                    

"Anak?!!" sigaw ng babae.

"Anak?! Nasaan ka na?!! Maghahapunan na tayo!" muling pagtawag ni Victoria sa kaniyang anim na taong gulang na anak.

Pero, wala paring sumasagot.

Lumabas na si Victoria upang hanapin ang kaniyang anak. Hinanap niya ito, hanggang sa matagpuan na niya ito, malapit sa malaking puno pababa ng bundok.

Akmang tatawagin na niya sana ito, nang may napansin siyang may kausap ang kaniyang anak.

"Gusto ko po ng doll." narinig niyang sabi nito.

"Talaga po?! Yeheeeyy!!" dagdag nito.

Nagtaka si Victoria kung sino ang kausap ng kanyang anak, gayong nakaharap naman ito sa puno ng mag-isa.

"Anak!" pasigaw na tawag ni Victoria sa kaniyang anak. Nag-alala na siya sa kaniyang anak.

Nagulat ang bata at lumingon ito sa kaniya.

"Mama! Mamaya na po. Bibigyan pa ako ni kuya ng doll eh." ngumuso ang kaniyang anak.

"Kuyang pinagsasabi mo dyaan. Umuwi na tayo."

Mabuti at masunurin ang kaniyang anak at ito ay umuwi nalang.

"Yung doll ko kuya ah? Aantayin ko 'yon." huling sabi ng batang babae.

Naglakad na sila pauwi.

Pagkarating nila sa bahay, nagsihapunan na sila agad.

"Anak? Sino pala 'yong kausap mo kanina?" mahinahong tanong ni Victoria sa kaniyang anak.

"Si Kuya po ma, sabi niya bibigyan niya ako ng doll eh."

"Kuya? Anong pangalan niya anak?" tanong ulit ni Victoria.

"Jave daw po." nakangiting sabi ng kaniyang anak.

"Ilang tao daw anak? Matanda na ba 'yan?"

"Nineteen daw mama."

"Ah. Wag mo na kausapin si kuya Jave mo ha? Ako nalang ang bibili ng doll para sa'yo. Ilan ba gusto mo anak?"

"Ay. Sabi ni kuya eh, na nagsasalita daw 'yong doll. Pwede daw kami maging magkaibigan noong doll." malungkot na sabi ng bata.

"Sinabing 'wag mo na nga iyon kausapin eh! Hala ka, kakainin ka nun. Momo pa naman 'yon."

"M-momo po?" takot na sabi ng bata. "Sige po mama." maiyak-iyak na sabi nito.

Ipinagpapatuloy na nila ang kanilang hapunan.

Bandang alas otso ng gabi, ay nakaramdam na ng antok ang bata kaya, pumunta na ito sa silid tulugan upang matulog na.

"Pst!"

"Pst!" this time, mas malakas na ito.

Nagising ang bata at nagulat ito.

"Kuya Jave?!" napangiting tawag ng bata.

"Shhh." tinakpan ni binata ang bibig ng bata.

Kinalas ng binata ang pagkatakip at may kinuha mula sa kaniyang likuran.

Inabot ng binata ang manika papunta sa bata.

"Ito na ang manika mo baby girl."

Maliit ang manika, pero nagsasalita nga lang ito.

"Woww!! Ang ganda nito kuya!"

Lumapit ang bata sa binata at niyakap ito.

"Salamat po kuya!"

Yumakap pabalik ang lalaki and caressed her back.

"Sige baby girl, aalis na ako. Bukas ulit!" kumalas na sa pagkayakap ang binata.

"Sama ako." nag pout ang bata.

"Isasama kita pag malaki ka na ha? Sa ngayon, 'wag muna." hinalikan ni Jace ang noo ng bata.

Tumango ang bata at tuluyan nang umalis ang binata.

Tinitigan ng bata ang manika.

"Ano kaya ang ipapangalan ko sa'yo? Hmm...." tumingin ang bata sa taas na para bang nag-iisip.

"Aha! Alam ko na! Mona nalang ang itatawag ko sa'yo simula ngayon."

"Gusto ko 'yang Mona." sagot ng manika.

Kinuha n'ya ang manika at itinago malapit sa kama upang hindi makita sa kaniyang ina.

To be continued...

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon