Jave's POV
"Tulong! Mamaaaa!!" narinig kong sigaw ng isang batang babae.
"Mamaaaa, huhuhu." sunod na sigaw n'ya.
Naglakad-lakad ako at hinanap kung saan ba nanggaling 'yong boses.
"Huhuhuhu." iyak ng bata habang sumisinghot.
Paglingon ko, may nakita akong butas na napapalibutan ng mga makakapal na dahon. Nilapitan ko ito, nagbabakasakaling nandito 'yong bata.
