Paano

30 0 0
                                    

Kristine.

Para sakin, hindi batayan ng pagiging masaya kapag in a relationship status ang facebook mo o di naman kaya kung may ka holding hands ka sa Mall o may kasamang manood ng sine.

"Bakit?wala na ba sa kalendaryo ang edad ko?"

Yan ang lagi sagot kong patanong kapag sinasabing bakit hindi ko uli subukang magmahal?

28 pa lang ako (may 3 years pa ako kasama ang buwan na may 31)

Ang hirap kasi, kakaunti lang ang nakakaalam ng hindi ko makakalimutang love story ng buhay ko.

Na hanggang ngayon, kahit alam kong masaya na siya, hindi man aminin ng utak ko, sa puso ko, siya parin ang hinihintay, na umaasa sana magiba ang ikot ng mundo.

Sana una kaming nagkakilala nung hindi pa kumplikado ang salitang pagmamahal.

Yung pwede kong sabihin:

"Si Marc, ang boyfriend ko."

Ang kwento nating dalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon