Chapter 9
Who are you?
I'm on the past, nasa nakaraan ako. I am definitely sure of that.
Hindi pa ako kilala ni Vann, at nagkakausap pa kami ni Leila, samantalang nag-away lang kami noon.
Ibig sabihin hindi pa rin ako kilala ni Leon? Kaya ba ganoon na lang ang tingin niya sa akin kanina?
Oh no! Pero sana kilala niya pa rin ako kapag off camera na? Kaya lang pa'no? Kung madalang ko lang makita si Leon?
So tinatanggap mo na talaga Narizz na nasa isang storya ka lang?
Yes, wala na rin namang ibang reason or dahilan eh. Lahat ng nangyayari sa akin, patunay na story lang ito.
Now, my goal is how to find my lost memories? Ano ang hahanapin ko? Kay Narizz o kay Narizzalyn?
Who am I?
Lahat ng katanungan na iyan sa isip ko ay hindi ko masagot. At isang tao lang ang alam kong magbibigay sa akin noon.
"Leon..."
Natatanaw ko na naman siya ngayon, kumakain kasama ng grupo ng mga lalaking siga dito sa school.
Nagbaba nalang ako ng balikat at huminga nang malalim. Alam ko naman na hindi ko pa rin siya makakausap. I remember what he said to me. Galit pa rin pala talaga siya sa akin.
Iyon kaya ang dahilan kung bakit kasama ko na siya pero nalilipat pa rin ako ng lugar at hindi nahihinto ang paligid?
Leon, how can I ease your anger towards me? Pa'no kita makakausap kung ayaw mo naman?
Matagal akong nakatulala, hindi pa rin ginagalaw ang pagkain ko.
Ano pang hinihintay mo Narizz? Gutom ka na 'diba?
Nasagot ang tanong ko nang mapadako ang tingin ko kay Leila na palapit na sa akin ngayon. May hawak siyang tray ng pagkain.
I can see on her face that she is not in the good mood? Busangot kasi ito at magkasalubong pa ang dalawang kilay.
"Got a problem?" Bungad na tanong ko sakanya nang makaupo siya sa tabi ko.
"Hindi ba malapit na ang science fair? Okay na ang booth natin?" Tanong nito na ikinatigil ko saglit sa pagkain.
"Hindi ko pa alam eh, siguro? Hindi na kasi ako pinatulong ng mayor natin kasi alam mo n-" pinutol niya ang sasabihin ko kaya hindi ko na ito naituloy.
"Alam ko na ano? Na nag volunteer ka para makasama sa mga in-charge sa pag-aayos ng science fair? Bakit hindi mo sinabi sa akin? May tinatago ka?"
I got stunned about what she said. Kalaunan napailing iling ako sakanya.
"Akala ko alam mo na kaya hindi ko na sinabi? Anong sinasabi mo Leila, wala akong tinatago.." mahinahon kong paliwanag sakanya.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko sinabi sakanya.
"Kaibigan mo ako, Narizz! Nababalita rin na nagiging close na kayo ni Vann? Ano? Aagawin mo siya? Gusto mo na rin siya?" Medyo nagsisimula nang uminit ang usapan naming dalawa. Tumataas na rin ako boses niya.
Nagugulat ako sa mga sinasabi niya. Saan niya nakukuha ang mga sinasabi niyang ito?
"Leila? Okay, I am sorry kasi hindi ko nasabi sa iyo na isa ako sa in-charge sa science fair. Saka naging busy na kasi kaya hindi ko na nabanggit. Nakita mo naman kami no'n na nag-aayos 'diba? Kaya hindi ko na sinabi. At wala akong gusto kay Vann. Kinakausap niya lang ako kasi kasama rin siya sa pag-aayos."
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...