58

12 3 0
                                    

Kuya kong Gwapo

You:

Hoy kuya SALAMATTTTTT

HULOG KA TALAGA NG LANGIT HUHUHU.

NAPAKA SUPPORTIVE MO.

Kuya kong gwapo:

Syempre sabi ko sa'yo pag nag ka trabaho na ako suportahan ko yang art skills mo e.

You:

Akala ko kasi nag bibiro ka lang no'n saka Ten years old pa lang ata ako no'n nung sinabi mo 'yon.

Kuya kong Gwapo:

Baliw. Seryoso ako doon.

Kung nag tataka ka kung bakit sinisimulan pa lang gawin yung bahay namin, yun ay dahil pinag ipunan namin.

Nag laan ako ng pera para sa kila Mama at Papa. Saka sa'yo din support kita sa gusto mo Hahaha.

Okay na college fund mo.

Hindi mo na need mag part time job kagaya nung akin.

Inayos muna namin lahat ni Desiree bago yung amin.

May itinabi na din si Desiree na pera para sa magulang niya, kay Laurence saka kay Letizia.

You:

Halaaaa ang bait mo kuya 🤧

Paano si Belladonna?

Kuya kong Gwapo:

Kumpleto na 'yan.

Tapos na pati college funds niyan, hindi na siya mamomroblema kapag nag aaral siya, may nakalaan ng account para doon.

You:

Paano yung future baby ninyo?

Kuya kong Gwapo:

Kapag nag five na si Bella, siyaka namin balak mag anak ulit, kailangan din planado ang savings baka kasi pangarapin maging piloto e ang mahal no'n.

You:

Ang galing ninyo mag Family planning.

Magawa nga 'yan ngayon 🤧

Kuya kong Gwapo:

Hanap ka muna jowa bago pumasok sa isip mo 'yang family planning. Hahaha

You:

Alam mo? Tangina mo.

Kuya kong Gwapo:

Haha gagalit.

You:

May ipapabili ba si Ate Desiree?

Kuya Kong Gwapo:

We can afford naman kahit hindi sale.

You:

E di ikaw na, duh?!

Civil engineer na walang bahay.

Civil engineer na mahirap!

Kuya kong Gwapo:

Haha pasado ka na bilang panibagong salta ng Tsismosa HAHAHA

Naalala ko dati wala pang k-12 nasabihan ako na repeater daw ako kasi 5 years na daw ako nag aaral U.P pa man din daw.

E, 5 years naman talaga ang engineering sa old curriculum HAHAHA.

You:

Naalala ko 'yon pinag tanggol kita non pinaprint ko yung  list na License Engineer ka na saka list na nakapasa ka.

Malay ko ba kasi kung paano mag pa tarpaulin.

Yung topnotcher ka sa board exam printed 'yon.

Pero yung Summa Cum Laude ka nilettering ko lang sa karton yun.

"Congratulations Kuya!  Anthony Allison." Yun yung nilettering ko sa karton 

1. 005 yung gwa mo no'n kahit hindi ko alam yun no'n proud pa din ako sa'yo.

Ang alam ko lang graduate kang Summa cum Laude.

Kuya kong Gwapo:

Grabe 'no? Nakaka proud?

Nakaka proud na napagtapos ako ni Mama ng College kahit that time labandera siya, tapos si Papa tricycle driver.

You:

Nag part time job ka din naman kaya mas lalong kinaya.

Nakita ko din pag hihirap mo no'n.

Samahan mo pa na nag gago ka dati kay Ate Desiree, e 'di lalo kang namroblema.

Hahaha anyways I'm so proud of you.

Pero pakyu ka pa rin that time kahit kapatid kita nag init ulo ko sa ginawa mo

Kuya Kong Gwapo:

Tapos ikaw nakakapag aral pa din ng college hindi na masyadong hassle kasi scholar ka naman na, saka ayaw pa tumigil ni Papa sa pag da drive.

Pinagsisisihan ko na 'yon, sobra, binalik  mo pa.

BeauTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon