Vic's POV
Nag dadrive ako ngayon papunta kila motherf. Nag dadrama kasi kaya pinag bigyan ko na. di kasi siya makakasama samin nila kianna kaya pinagbigyan ko na sa yaya niya. di naman makakasama si kianna kasi nga may lakad siya.
siguro mga 10mins drive nalang nandun na ko. sa totoo lang wala akong idea kung san kami pupuntang dalawa.
but sumama nalang ako kasi di ko naman to mahihindian e. tyaka ayoko rin mag mukmok sa bahay lalo lang ako mag iisip ng mag iisip ayoko mastress masyado.
agad akong nag park ng makarating ako sa bahay ni motherf sa antipolo. bago ako bumaba tinawagan ko na siya nandito na ko.
ang tanging sinabi niya lang sakin na mag dala akong mga pang swimming at iiwan namin yung kotse ko sakanila tapos ang gagamitin namin yung sakanya.
then wala na kong maisip pa.
nakita ko na siyang palabas ng gate at agad din naman akong lumabas.
"teka lang nak ilalabas ko lang yung gagamitin natin na sasakyan." bungad nito sakin.
tumango lang naman ako sakanya. at pumasok narin ulit sa kotse. nang mailabas niya yung kotse niya agad naman ako na park sa loob.
bago ako pumasok sa sasakyan agad akong nag tanong sakanya. "motherf san ba tayo pupunta?"
"basta sigurado akong sasaya ka sa pupuntahan natin." sagot lang nito sakin.
agad akong pumwesto sa pag tulog kasi siya na daw ang mag dadrive papunta at ako nalang daw pauwi tutal naman di ko alam kung san kami pupunta at wala din ako sa mood matutulog nalang ako.
sinuot ko na yung shades ko at agad na pumikit ng marinig ko na ang makina hudyat na aalis na kami.
--
"Vic nandito na tayo" rinig kong sabi ni motherf
onti onti ko namang binuksan yung mga mata ko at sobrang narelax ako ng sobra sa nakita ko.
"motherf." yun lang ang nasabi ko at nakangiti itong nakatingin sakin.
"yes nak nandito sa elyu." sabi nito at nakita ko nga yung cafe shop ni motherf.
Di ko alam pero sobrang narerelax ako tuwing nasa tabing dagat ako. iba yung epekto sakin.
habang nag mumuni muni ako tanaw ang papalubog na araw.
"nak tara na tapos ko nang ayusin mga gamit natin nag aantay nasila." sabi nito na nakapukaw sa atensyon ko.
"Ha? may mga kasama tayo?" tanong ko.
"oo naman no. pano tayo sasaya diba? kanina pa daw sila dumatin medyo late tayo kaya nag dinner na sila. tara na at makakain na tayo." sabi nito at pumasok na sa loob.
Sumunod nalang ako at wala naman narin akong magagawa pa.
Nang makapasok nakita ko sila ate rad. Team captain ng cignal hd.
Di na ko nagulat alam ko naman close sila. Kilala ko narin naman yung iba sakanila.
"Hi ara." Sabi ni ate chelle nang makalapit ako sakanila. Ngumiti lang namn ako at nag hi din.
Umupo ako sa tabi ni motherf tapos umorder na kami. Nag kwekwentuhan lang sila habang nag didinner kami ni motherf.
Nang matapos kami pumunta muna ako sa hotel na tutuluyan namin. Pag pasok agad akong nahiga at bigla akong may naalala kaya kinuha ko yung phone ko at nag type.
Hi musta? I miss you..
Sent.Di ko alam bat bigla siyang pumasok sa isip ko siguro kasi siya yung madalas kong nakakausap nung college days.
Nag bgo lang naman lahat ng maging kami ni shiela o mas kilala sa pangalang Bang Pineda.
Bago pa ko malungkot nag pasya akong pumunta na kung nasan sila motherf.
--
Nakita ko silang nag iinuman at nag tatawanan lang. Naisip ko tuloy buti pa sila.
Lumapit narin ako at inabutan ni ate chelle ng isang bote pero tinignan ko lang ito.
"Sige na ara kahit isa lang. tignan mo pang ininum mo yan matatanggal yang hiyamo." sabi nito ng nakangiti sakin tyako tinignan si motherf.
naka ngiti ito sakin kaya tinanggap ko. pero nakatingin parin sila sakin kaya tinungga ko ito.
"wooooh"
"ganyan yan nga tol."
"anak ko yan!!."
ilan lang yan sa mga sigaw nila ng inumin ko yung alak. kaya napangiti nalang ako kasi sarap din pala sa feeling ng umiinum.well, di naman kasi talaga ako umiinum e.
ilang naman kami si ate chell, maylene kasama yung partner niya, si ranya at ate jheck pati yung cindy. the rest di ko masyado kilala e. ngayon ko lang din nameet.
ang saya naman pala nila kasama sobrang nag eenjoy ako na di ko na namalayan na naparami na pala yung inum namin.
Di pala sila tapos mag inum pero nag paalam ako na mauuna na sa hotel. pero yung totoo gusto ko muna mag lakad lakad.
medyo malayo narin yun nalakad ko kaya bumalik narin ako ng hotel at natulog.
----
kinabukasan medyo masakit ulo ko kaya di ako sumama sakanila mag breakfast. tinignan ko muna yung phone ko at nakitang may message dun.
napangiti naman ako sa nabasa ko.
"i miss you too. see you soon pls."
agad akong nag reply. tapos tinago ko na yung phone ko.
naka ngiti akong lumabas ng hotel at sumunod kila motherf. naka pang swimming narin ako sinabihan kasi ako ni motherf.
ayoko sana kaso mapilit talaga, kesyo daw bat pa para kami nag punta dun kung di kami mag eenjoy.
"good morning." bungad ko sakanila ng makarating ako sa cottage na nirent nila para mag breakfast.
agad din naman silang nag paalam na mag bibihis lang daw ng bikini. kaya naiwan kaming tatlo nila berns yung partner ni maylene. yung isa di ko na matandaan yung pangalan e. HAHA sorry na.
Napansin kong kong natulala yung dalawa ng may ngiti sa mga labi kaya napatingin dun ako.
ewan ko pero bigla nalang akong natulala at biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa sobrang bilis napahawak pa ako dito.