One message recieve

80 2 1
                                    

Nag dadrive ako ngayon pabalik ng antipolo, ihahatid ko si motherf pati kukunin ko yung kotse ko.

Sobrang ganda ng mood ko. kaya nag play ako ng music habang nakangiti.

"Alam mo nak iba ata ngiti mo ngayon ah. May naamoy ako." sita nito sakin habang nakangiti ng nakakaloko.

Di ko alam pero para akong naguilty. Ano ba yan si motherf e. ok na nga yung mood ko sinira pa.

"Oh ngayon naman nakabusangot ka." sabay batok sakin.

"Araaay naman motherf e!!" sabi ko. Pero sa totoo lang sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Di katulad nung mga nakaraan grabe parang pasan ko na yung mundo.

"Sana ganyan nalang lagi yung ngiti mo." sabi ni motherf kaya napatingin ako sakanya. "Ohh hoy tumingin ka sa daan." sita nito sakin.

sabagay. buti nalang nasa Hi-way kami ngayon at onti lang yung mga sasakyan.

"ano bang sinasabi mo diyan motherf."

"Sana mag tuloy tuloy na yan. Alam mo naman ayokong nag kakaganun ka, matgal ko na siyang sinabihan na wag na wag kang sasaktan kasi nakita ko lahat ng effort mo at napakaswerte niya sa part na yun tapos ganun lang. Alam mo nak mag move on kana. hayaan mo na siya. Ayokong nakikitang parang pasan mo lahat ng problema ng mundo. marami pang iba diyan na alam kong di ka sasaktan" -aby

"Motherf." yun nalang talaga yung nasabi ko.

Siguro nga tama si motherf kailangan ko na mag move on. kung siya masaya kahit na wala na ko sa tabi niya dapat ganun din ako.

kasi kung kami talaga kami talaga.

naging tahimik na yung byahe namin hanggang makarating kami ng antipolo.

kinuha ko lang yung kotse ko at nag paalam narin ako kay motherf.

"o sige nak mag ingat ka sa pag drive ah. basta alam kong sasaya kana. hindi sa feeling niya kundi sa feeling nang iba." sabi nito sabay ngiti sakin.

ngumiti nalang din ako at "Sana motherf. Sana." sagot ko naman.

---

nakarating ako ng manila ng mga 8pm na. nag drive thru nalang ako kanina sa mcdo.

Haaaay! Napagod ako dun sa derederetsong byahe. napatingin ako sa phone ko ng mag ring ito.

Mama Tess Calling....

"hello."

"hello nak uuwi ka ba bukas?" 

"Opo siguro mga tanghali po."

"osige tumawag ka muna bago umuwi ha."

"Opo ma. bye po"

Pinatay rin agad ni mama tess yung tawag. Weird naman nun.

nakahiga lang ako nang maisipan kong tignan yung mga social media accounts ko.

scroll lang ng scroll nang may mahagip kong post na nasaktan ako ng sobra.

post ng isa sa basketball player ng NU kasama si bang. ito na ba yung sign?

Pinatay ko yung phone ko. Siguro ubos na yung luha ko kaya wala na kong maiiyak ngayon.

nag talakbong nalang ako at natulog...

------

Nag aayos na ko para sa pag uwi ko ng pampangga habang nag aayos ako napansin kong may text sa phone ko.

"Hi." basa ko dun sa text. nag taka naman ako kung sino yun, dahil unregisterd yung number. kaya nireplayan ko nalang tinanong ko kung sino.

"Cindy to. musta?"

Ohh. San naman niya nakuha yung number ko.

"Hi. ikaw pala? kanino mo nakuha number ko?" sent

"kay tyang . hahahaha sorry walang pasabi ha."

"naaah. ok lang, ok lang naman ako. ikaw? kayo nakauwi na ba kayo?" sent.

"yep. pag uwi niyo hapon umuwi narin kami. punta kaming pampangga."

wow. HAHAHAHA ang galing kung kailan uuwi ako pupunta rin pala sila.

"Wow. Uuwi ako ngayon dun e. sino mga kasama mo?" sent

"Sila ate chelle parin."

Hmm. gusto ko sana sumama sakanila kaya lang di naman ako ininvite. nandito na ko ngayon sa parking lot. binuksan ko yung music at nag suot ako ng shades. wala lang trip ko lang.

inistart ko na yung kotse, mga 4hrs drive lang naman nandun na ko.

----

Yey. after 4hrs and 30mins nakarating din sa wakas. Agad naman akong sinalubong ni josh tapos pumasok narin ako sa bahay.

sinalubong ako ni mama tess.

"Nak galing dito si bang." bungad nito sakin. anong naman kayang ginawa niya dito.

"Oh ano daw pong sabi?" sagot ko naman agad. di manlang ako tinext haaays ngayon ko lang naramdaman ulit na namimiss ko na siya. siguro kasi nung mga nakaraan nawala sa isip ko yung mga problema ko.

"kinuha niya na yung mga gamit niya sa kwarto mo. ayaw naman niya ipatext ka. sasabihan ka nalang daw niya. ano ba kasing nangyari ara?" tanong nito sakin. ayoko naman sabihin kung anong nangyayari samin. ayoko masira siya sa pamilya ko. naging parte rin naman siya nito.

"Ok lang naman kami. di lang nag kaintindihan." sagot ko nalang. "akyat muna po ako sa kwarto ko." dagdag ko pa at umakyat na.

pag pasok ko. ayoko na ng ganito buti nalang maraming taong nandiyan lagi para sakin. nakahiga lang ako. iniisip ko kung ano pa ba mga kailangan kong gawin para maging masaya nalang.

30 mins na kong nakatulala dito sa kwarto ko pero hinahanap ko parin yung sagot. kinapa ko yung phone ko para tignan yung oras. nang makita kong may text ito.

"Otw na kami pampangga." 1hr ago pa yung text. teka may isa pa.

"Gusto mo ba sumama samin aqua planet. lang sunduin ka namin diyan sainyo?" 30 mins ago

nag isip muna akong mabuti kung sasama ako sakanila. wala si motherf baka kung anong isipin naman nila ate chelle.

teka bat naman sila mag iisip ng kung ano. sasama lang naman ako sakanila tyaka sila naman nag invite sakin,

ayoko maissue nanaman ako tapos nandiyan nanaman mag lilipana yung mga basher na chismosa. Pero wala pa naman masyadong nakakaalam ng breakup namin ni  bang.

ayoko lang na mag kaissue kasi gusto ko pa naman to maayos e. kasi gusto ko pa na nasa buhay ko siya. 

pero baka ito na yung sign na kailangan unahin ko muna yung sarili ko. eto na yung time na ako muna at di ko muna dapat isipin yung ibang tao. 

eto na ba yung sign?

wala naman sigurong masama kung gusto ko nang maging masaya naman ako.

"Oo naman gusto kong sumama sainyo. kung ok lang kila ate chelle." sent....


The making of our story.Where stories live. Discover now