Chapter 3

18 3 0
                                    

Chapter 3 – Basta para kay Alice..

Nanood nalang ako ng Netflix buong maghapon na nagpapahinga si Bryle sa kwarto niya. Grabe ang pogi talaga nitong bida sa The Witcher. Mapapa-fck ka nalang din kasabay siya eh. Charot lang. Haha. Slight.

Nawala ako sa panonood ko nang bigla nalang naglapag si Ate ng pagkain sa harapan ko. Nakaupo kasi ako sa sahig yung sofa nasa likod ko.

"Baka po gusto niyo na kumain." Sabi ni ate

"Hala, lunch na po pala?" tumango siya habang dala yung bed table na may pagkain. "Ako na po magdala niyan, ate"

"Ay, sige kung ganun." Iniwan ni ate sa harapan ko yung table.

Umakyat na rin naman ako agad sa kwarto ni Bryle. Pagbukas ko ng pinto nakita ko siya biglang nagpunas ng luha. Hindi ko nalang pinansin baka kasi ayaw niya pag-usapan.

"Bryle, lunch na. Masakit parin ba ulo mo?" sabi ko sakaniya sabay lapag ng pagkain sa harapan niya.

Lumayo naman ako agad sakaniya at binuksan ang mga kurtina.

"Nagmahal ka na ba, Mich?" napatigil ako sa tanong niya.

"Bakit mo naman natanong yan?" Natatawa kong sabi.

Natawa siya ng unti "Wala lang. Wag ka na magmahal, ang sakit pala." Alam ko.

"Nako, ano ka ba! Sa mga nabasa kong story sa wattpad, sa simula lang ganyan. Pag naka-move on ka na. Nako, who you yang si Alice" tatawa tawa kong sabi habang inaayos parin yung mga kurtina niya.

"Ang swerte ng taong mamahalin mo kasi sobrang totoo ka sa sarili mo." Kung alam mo lang!

"Nako, matagal pa yun. Bata pa ako!" bata pa ako nung umibig ako sayo.

"Tama, wag muna saka na pag hindi na ako masyadong protective sayo. Baka masapak lang namin ni Kuya Mark yan" ano raw?!

Tumingin ako sakaniya at nakita ko siyang nakatitig sakin. "Kumain ka na nga jan!"

"Saan ka pupunta?" dali-dali kasi akong pumunta sa pintuan niya.

"May pagkain kasi ako sa sala. Baka lumamig eh." Pasara na yung pintuan niya nung bigla siya magsalita

"Aalis ka ba agad?" seryosong tanong niya.

"Hindi, dito lang ako hanggang wala ka pang kasama." sinara ko na yung pintuan sabay baba sa hagdan.

Kelan ba ako umalis?


Binukas ko uli yung tv tapos nag binge watch uli ako habang kumakain. Maya-maya pa naramdaman ko nalang na may naupo sa sofa sa likod ko.

"Ano yan?" tanong niya

"The Witcher." Simpleng sabi ko habng tutok na tutok pa rin sa tv.

Nanood na rin siya habang kumakain sa likod ko.

"Bakit ka pala tumayo, hindi na ba masakit ulo mo?" umiling lang siya kaya naman tumingin na uli ako sa tv

Tahimik lang kaming nanood nang bigla nalang pumasok si Mico sa bahay ni Bryle. 4pm na pala? saka friends pala sila?

"Uy, Mich nandito ka pala?" tatawa-tawang sabi ni Mico habang palapit sa amin.

"Hi, Mico! Ahh oo, ito kasi ahmm." tinignan naman ako ni Bryle na parang sinsabi na wag akong maingay. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tumayo ako.

"Ahm, tutulungan kasi ako ni Bryle sa plano ko para kay Alice" tumabi naman siya kay Bryle at nag-apir sila.

Ako naman kinuha ko yung mga pinagkainan namin ni Bryle at dinala kay ate sa kusina. Sinilip ko naman si Bryle dito sa may kusina nila at napaisip nalang ako nang malalim.

Grabe talaga pagmahal mo yung isang tao noh? Gagawin mo lahat para sumaya sila. Kahit pa hindi ikaw yung kaligayahan nila.

Kahit na msaktan ka pa.

"Ate, may popcorn ka ba jan?" tanong ko kay ate habang naghuhugas siya ng pinggan.

"Meron ata jan sa taas." Turo niya sa cabinet na nakasabit.

"Kunin ko po ah? Lutuin ko nalang." Tumango siya.

Dumiretso ako sa lutuan at sinimulan paputukin ang mga popcorn. Nagulat naman ako nang biglang kumaripas ng takbo tong si Bryle papunta dito sa kusina.

"Anong nangyari? Okay ka lang?"

"Huh?" nagtatakang tanong ko sakaniya.

"May narinig akong pumutok eh."

Humagalpak naman ako bigla ng tawa sabay turo yung niluluto kong popcorn. Binato niya naman ako ng towel na nadampot niya somewhere.

Yiie. Concern ang lolo mo.

"Namumula ka, maam. Okay ka lang?" nawala naman ang ngiti ko nang magtanong si ate.

"Ah, eh. Oo naman ate, bakit? Hehe" nag-iwas ako ng tingin sakaniya.

"Ang bait-bait niyan ni Sir ano? Pogi pa." ay hampasin ko kaya tong si ate. Char. Slight.

"Ganyan talaga yan, ate si Bryle. Panganay kasi, tapos babae pa yung sumunod. Kaya responsable." nakangiti kong sabi sakaniya.

"Girl friend ka ba niya maam? Bagay po kasi kayo." Ay like na kita ate. Di na kita hampasin.

"Nako ate, bata palang kami magkaibigan na kami niyan ni Bryle. Para na siguro akong kapatid niyan." simpleng sagot ko sakaniya.

"Talaga ba maam? Bakit hindi ko kayo masyadong nakikita maam? Si Maam Alice kasi ang madalas dito. Tapos inaaway pa yun lagi ni Maam Tiffany." ang babaeng yun talaga!!

"Kakauwi ko lang kasi dito ng Pinas, ate" sabi ko sakniya habang inililipat yung popcorn sa lalagyan.

"Akala ko nga dati eh si Maam Alice ang girlfriend niyan ni Sir. Grabe kasi mga tingin niya dun, maam. Nakakamatay sa kilig" hindi na ako sumagot kasi medyo kumirot na yung puso ko sa sinabi ni ate.

Dali-dali ko nalang na kinuha yung popcorn at pumunta sa sala. Whaaa, wala na ang The Witcher ko! Bakeeeeetttt!?

"So far, kaylangan ko yung buong basketball team para dito." Sabi ni Mico ng sobrang seryoso. Si Bryle naman nakikinig lang.

"Ikaw naman ang captain. For sure eh papayag naman silang tumulong. Kahit napaka corny nitong plano mo." Sagot ni Bryle

"Anong plano? Share!!" sabay kain ko sa popcorn at alok sakanila.

"Wag mong sabihin jan, madaldal yan." Sabi ni Bryle sabay gulo ng buhok ko.

"Tulong ako. Sige na!" pangungulit ko habang kumakain parin ng popcrn at binubukas uli ang tv.

"Kaylangan lang kita para dalhin si Alice mula classroom papunta sa field." Sabi ni Mico sakin.

"Yun lang? Easy peasy" sabi ko habang hinahanap yung The Witcher.

"Madali kausap yan, sabi sayo eh. Basta para kay Alice." Umalis si Bryle papuntang kusina. Hmm.

Sabihin mo lang na ayaw mo. Gagawin ko lahat para matigil tong planong to. Just say the word. Kasi mas gagawin ko ang lahat, para sayo.

Underneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon