Chapter 15 – game
Hindi agad nakasagot si Bryle kaya naman tumalikod na ako at bumalik na sa kwarto ko. Nakita ko naman si Alice na nakaupo sa kama ko.
"So?" tanong niya pagkakita niya sakin kaya umiling nalang ako.
Napabuntong hininga siya kaya inakap niya nalang ako. This time wala ng luha ang pumatak sa mga mata ko. I really thought I would be happy pagnarinig ko sa mga bibig ni Bryle na yayayain niya ako sa date o lumabas kami.
Pero mali ako, kasi feeling ko ginawa niya lang yun dahil mahal ko siya. Hindi dahil gusto niya talaga. Hindi yun katulad ng ginawa niya kay Therese o ang mga gusto niyang gawin para kay Alice.
Lalo ko lang naramdaman na option 2 lang ako. Option lang pag wala na ang lahat and I think I don't deserve that. No, I don't deserve that.
"Can I stay, Mich?" tanong ni Alice na nagpupunas ng luha.
"Why?" I asked her and umiling lang din siya "Of course you can stay."
We sleep in silence; I don't know kung nakatulog ba si Alice pero ako hindi. Gising na gising ako at paikot ikot lang yung utak ko sa mga sinabi ni Bryle kanina. Hindi ko kayang matulog.
The next day, one day before my birthday, I am hoping that it will be a little more fun than yesterday. Lloyd's happy. Oliver is his normal self. Adrian is still quiet but thoughtful. Alice is so much better and me I am happy with my coffee. Antok na antok ako mga bes.
And Bryle? I don't know where he is and ayaw ko rin naman alamin.
"We should play a game!" sigaw ni Lloyd samin.
"No inom for me na please." Sagot ko naman sakaniya ng pasigaw din kaya nagtawanan kaming dalawa.
"I have cards sa kwarto." Alok ni Adrian
"Kunin mo na pare, bored na ako. Nasan pala si Bryle?" tanong ni Oliver na mukhang walang kaalam-alam
Umiwas naman ng tingin si Lloyd, ako nagkibit balikat, si Adrian tumayo na. Si Alice, being Alice, siya ang sumagot.
"Baka tulog pa." simpleng sagot niya sa tanong ni Oliver na tumango tango naman
Maya-maya pa may narinig akong nagtatawanan sa malayo kaya napatingin ako. Bryle with Adrian. Wow.
Umiwas naman ako agad ng tingin nung nakita kong napatingin si Bryle sakin. Kaya tinulak ako agad ni Alice gamit ang mga balikat niya, paraan niya para tanungin kung okay lang ba ako. And yes, I am fine. I am so much fine than yesterday.
"Oh pare, ikaw lang? Nasan na si Therese?" tanong ni Oliver
"Pinauwi ko na, it will never work pare. Lalo na kung may iba naman akong gusto." Sagot ni Bryle sakaniya sabay tingin sakin
Napaubo naman agad yung katabi ko kaya napatingin ako. Si Lloyd naman umismid na parang naiirita.
"Really pare? Sino ba yang gusto mo?" panunuya ni Lloyd
Tinignan ko naman si Lloyd ng parang sinasabi na wag na kaso ngumiti lang siya sakin ng palihim.
Tumingin si Bryle sakaniya ng masama kaya naman ang best friend ko syempre to the rescue nanaman.
"Laro nalang tayo, ungguyan. Kung sinong unggoy, may gagawin na dare or truth. Game?" sabi ni Alice
"Game!" excited na sabi ni Oliver. Naupo kami sa buhangin ng pabilog
Unang naging unggoy si Oliver at pinili niya ang dare. Dinare naman siya ni Lloyd na magskinny dip sa dagat ng isang laro namin. Tawa kami ng tawa kasi asar na asar siya. Puro siya reklamo na iitim na siya ng sobra, papangit at hindi na pwede mang-chix.
Sumunod naman si Alice, na pinili ang Truth. Tinanong naman siya ni Bryle kung may pag-asa ba si Mico sakaniya. Sumagot naman ito ng oo. Kaya naman naghiyawan sila pati na rin si Bryle.
Of course, Alice will love Mico and Mico will love Alice forever. They are just made for each other and we all know that.
Tinignan ko naman si Bryle, mukha naman siyang masaya sa kaibigan namin. Walang halong sakit, sa totoo lang. Nakakapagtaka. O baka naman magaling lang talaga magtago ang isang to.
Si Lloyd ang sumunod, pumili ito ng truth. Tinanong naman ito ni Oliver ng tungkol sakanila ni Heather na ayaw niyang sagutin kaya pumili siya ng dare. Bryle dare him to tell the truth so he had no choice.
"I don't know. Hindi ko naman ipipilit yung sarili ko sakaniya. Mahal ko siya pero kung ayaw niya, edi wag." Sagot niya sabay tingin sakin na parang para sakin din yung sinasabi niya. "I just know my worth you know?"
Naglaro ulit kami and this time it's Adrian's turn na maging unggoy
"Truth or Dare?" tanong ni Lloyd
"Truth" sagot naman nito
"May plano ka bang ligawan tong si Michelle?" tanong niya dito sabay smirk kay Bryle
"If she allows me, I will." Mahinang sagot niya na narinig naman naming lahat dahil kami lang naman nasa islang to
Napaubo si Alice sa tabi ko kasi umiinom siya ng tubig, ako naman napatingin kay Adrian tapos kay Lloyd na nakasmirk parin tapos kay Bryle na nakakuyom ang kamao. Oliver laughs na nagpaalis ng tension sakanila.
"Laro na ulit!" sabi ni Oliver saka bigay ng cards sa amin.
The atmosphere really changed parang anytime may magsusuntukan. Ako yung sunod na naging unggoy at tinabla ako ng kaba dahil sa tingin sakin ni Lloyd.
"Mich, truth or dare." Sabi ni Oliver sakin.
"Truth." Tahimik na sagot ko
"Bryle or Adrian?" sabat ni Lloyd
"What?" tingin ko naman sakaniya
"You heard me Mich." Sabi niya sabay inom ng tubig para itago ang ngiti sa mga labi niya
Hindi ako nakasagot agad kaya nagulat nalang ako ng bigla nalang sinapak ni Bryle si Lloyd. Inawat naman agad ito ni Adrian saka Oliver.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Bryle
"Ikaw, pare! Wag mong paglaruan si Michelle kung hindi mo naman mahal. Wag mong paasahin yung tao kung wala kang balak!" sabi ni Lloyd sabay sapak ulit sakaniya.
"Tama na nga hoy!" sigaw ni Oliver na pumagitna sakanila
"Ano ba kasing paki mo?!" sagot naman ulit ni Bryle na hindi parin tumitigil sa pagsugod.
"Ayoko sa lahat yung paasa, pare, alam mo yan! Layuan mo si Michelle kung hindi mo siya kayang saluhin! Adrian is so much better than you!" sigaw ni Lloyd sakaniya sabay tulak kay Oliver at umalis.
"Anong problema nun?" narinig kong sabi ni Oliver
Narinig ko namang pinaliwanag ni Alice sakaniya lahat ng nangyari kahapon, tahimik lang siyang nakinig. Si Adrian naman, sumunod kay Lloyd. Si Bryle lumayo sa amin.
Pinili ko naman lumapit kay Bryle.
"He is right you know. I should just walk away and stay away." Sabi niya pagkalapit ko sakaniya "but I cant." sabay tingin sakin
"Malungkot lang yun kaya nasabi niya yung mga yun. You guys will be fine later." I assure him
"I know, kilala ko na budhi nun. Heather is an ass for not seeing that guy" pailing-iling niyang sabi
Same as you, Bryle.
"Heather's a bitch. Lloyd deserve so much better." I say, instead. Natawa naman siya kaya natawa na rin ako.
"I wont go away Michelle. I just cant. If Adrian wants you, I want you more. Let the game begin." Tumayo siya sabay alis.
Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Tumabi sakin si Alice at Oliver, nagsimula kaming magkwentuhan. And for a while, dahil sa nakakatawang pagkatao ni Oliver at sa magagandang kwento ni Alice, nakalimutan ko si Lloyd, si Adrian, si Heather, at si Bryle. I am just happy. Really happy.
BINABASA MO ANG
Underneath the Mask
RomanceHe save me through my lowest time, he was there when no one else does. But I can't tell him, I can't show him. Ang hirap, ang hirap ipakita araw araw na you care. Kasi baka mahalata niya. Baka umiwas siya. Baka. Baka mas okay na itago ko nalang. Bec...