Chapter 5 – Sayo lang ako
"Alice, paturo naman dito oh, sa geometry. Wala kasi talaga akong maintindihan eh" sabi ko kay Alice habang tinuturo yung libro ko
"Teka, tapos na kasi ako jan. Balikan kita mamaya okay lang? Sagutan ko lang to." Sabi ni Alice habang nakatingin parin sa practice set na sinasagutan niya.
Napasimangot naman ako kaya tumingin nalang ulit ako sa libro ko at tumingin kay Bryle, na nakatingin din sakin.
"Akin na, ako na muna magturo sayo." Sabi ni Bryle sakin na nagpalaki naman ng ngiti ko.
Nakinig naman ako sakaniya kaso walng pumapasok sa utak ko. Ang bilis lang ng tibok ng puso ko. Ang bango-bango kasi tapos ang lapit niya pa sakin. Kung ganto naman maamoy ko for life jusko paano ba mag register?
Char. Focus, Michelle.
"Naiintindihan mo ba?" ay shet ano daw? "Hoy naiintindihan mo ba kako?"
"hehe. Pwede paulit?" naka-peace kong sabi.
"Hindi kasi nakikinig eh!" nagdadabog niyang sabi sakin.
Kasalanan mo ang bango mo kasi.
Nakinig nalang ako baka kasi sa susunod, mabatukan na ako nito.
Sumulyap naman ako saglit kay Alice na pangiti-ngiti lang saming dalawa.
Ganito lagi eksena namin simula nung maliliit pa kami. Ako yung pinaka makulit samin, risk taker kumbaga. Si Alice naman yung babaeng-babae, calculated. Tapos si Bryle, parang kuya, sobrang responsible. Kaya madalas kami nag-aaway ni Bryle, una kasi opposites kami. Pangalawa kasi, pasaway ako.
"Naiintindihan mo na ba?" tanong niya habang nakatingin siya ng malalim sakin.
"Yup, madali lang pala."
"Kung nakikinig ka kasi sa klase kesa tumatakas kumakain sa upuan mo, maiintindihan mo sana yan!" sabi niya sakin sabay gulo uli ng buhok ko.
What's with Bryle and Hairs. Grr.
Nag-aral nalang ulit ako, at sinagutan na rin yung problem set na binigay para lalo ko maintindihan itong topic na to. Mahina kasi talaga ako sa math kahit na plano ko talaga mag-mechanical engineer sa college.
Tahimik lang kaming nag-aaral, paminsan-minsan nagtatanong ako kay Bryle kasi halos sabay kami ng inaaral. Minsan naman, pinapacheck ko yung sagot ko kay Alice kung tama ba pag nagrerest siya.
Inabot na kami ng medyo pagabi na kaya naman nagulat ako bigla nung tumayo si Bryle, mukhang aalis na siya.
"Uwi na ako, Lice." Nag thumbs up lang naman si Alice sakaniya habag nakatingin parin sa libro na inaaral niya. Ibang subject na pala siya/
Ako naman ay titig na titig lang sakaniya. Hindi ka man lang ba magpapaalam sakin ha?!
"Tingin ka jan." sabi niya sakin pagkakuha niya ng mga gamit niya.
"Aga pa ah." Sabi ko sakaniya.
"May lakad pa ako eh. Si Riala kasi pupuntan ko sa cafe, tutor" tutor, my ass. Eh alam ng lahat na may gusto yun kay Bryle.
"Mich, pahatid naman si Bryle sa gate kesa yung nangangamatis yung mukha mo jan sa inis." Patawa-tawang sabi ni Alice sakin na sinamaan ko naman ng todo ng mukha.
Sinundan ko si Bryle hanggang gate at nung pasakay na siya ng AMG niya ay bigla siya nagsalita.
"Bakit ka nakasimangot jan? Selos ka?" natigilan naman ako sa pagbalik sa pintuan nila Alice dahil sa sinabi niya.
"Bat naman ako magseselos? Gwapo ka ba?" naiinis na sabi ko sakaniya nung humarap muli ako sa gate.
"Hindi ba?" nakakalokong ngiti niya
Wag kang mag-smile smile ng ganyan di ka nakakatuwa. Nakakatunaw ka. Grr
"Mukha kang unggoy. Dun ka na kay Riala!" sabi ko sabay talikod ulit sakaniya.
"Bakit gusto mo ba sayo lang ako?!" sigaw niya sakin habang kumakaripas ako pabalik kanila Alice.
BAWAL PA-FALL DITO BRYLE ARTHUR MONTEREAL!
"Oh anong nangyari sayo? Bat pulang-pula yang mukha mo?"
"Bawal ka magtanong Alice ha?! Sabunutan kita jan!" natawa naman siya
"Hindi na kayo nagbago. Talo niyo pa mga mag jowa na nag LQ eh." Sabi niya habang nagsusulat ulit sa papel niya.
"Mukha mo, Alice!" natawa nanaman siya ng malakas.
"Michelle, hindi ako bulag okay. Alam ko!" ako naman yung natahimik ngayon. "Ingat ka lang, may ibang mahal ata yun eh."
Kung alam mo lang! Padabog akong umupo sa lapag at nagsimulang mag-aral ulit.
-
Natapos na ang Hell Week at malapit na mag Foundation Week celebration. Finally some fun and games!
Sa Foundation Week din plano ni Mico gawin ang surpresa niya. So, yup. Malapit na talaga yun. Alam ko ba yung plano? Syempre hindi, madaldal daw ako sabi ni Bryle eh.
Basta ang role ko lang is magwala at sabihin kay Alice na pumunta ng Grounds para sa surprise.
Ito namang si Bryle, napapadalas kasama yung babaitang Riala. Kala mo maganda, mukha namang aso kakangiti niya tuwing kasama niya si Bryle.
Nakakairita! Ang bali-balita pa jan mga sister, itong si gaga, sinasadya bumagsak sa mga subjects niya para lang maturuan ni Bryle! Ugh. Kairita! Papasok ba si sir? Zumba nana-
Ayan kakatiktok ko yan mga sis.
Anyways, going back. Sabunutan ko kaya yan.
"Baka mamatay yan." Sabi ni Alice sakin
"Aba! Dapat lang. Manggagamit!" napalakas yung sabi ko nun kaya napatingin bigla si Bryle sa pwesto namin ni Alice!
Tumingin din bigla si Riala sakin. Tingin-tingin mo jan! Tusukin ko mata mo eh. Inirapan ko naman siya.
"Selos na selos? May Karapatan, sis!" panloloko ni Alice sakin
"Hindi ko hinihingi opinion mo jan, manahimik ka!" natawa naman bigla si Alice sa sinabi ko.
"Atlis siya may ginagawa, yung iba jan ang kupad. Ayaw kumilos!" tatawa tawa nanaman niyang sabi
"Foul! Hindi ako desperada katulad niyang babaeng yan. Maganda ako, di katulad niyan. Chaka!" pabulong kong sagot kay Alice, yung chaka lang yung pasigaw.
Tumingin nanaman si Bryle sa pwesto namin. Na umiwas naman ako ng tingin.
Ito naming best friend ko, tawang tawa. Ano ako dito clown. Bigla naming lumapit si Bryle sakin, I mean samin, kaya natahimik ako bigla.
"Sinong chaka, Mich?" tanong-tanong ka pa, sapakin kita.
"Paki mo? Chismoso!" tawang tawa nanaman si Alice sakin.
"Nagseselos ka talaga ano?" huh sinong nagseselos? Ako? Sa ganda kong to. Excuse me!
Hindi ko nalang pinansin.
"Do you want me to drop this tutoring for you, Mich?"
Ang pangit mo Bryle, pa-fall!
"At bakit mo naman yun gagawin ha?!" sagot ko saknaiya habang nakatingin sa mata niya
Na dapat di ko ginawa! Gahd tunaw na tunaw na ako dito, mami!
"Just say the word, Mich. I will" sabi niya sabay alis papunta ulit kay Riala.
Habang ako, tulala sa pwesto ko at itong si Alice ay nakangiti ng pagkalaki-laki.
BINABASA MO ANG
Underneath the Mask
RomanceHe save me through my lowest time, he was there when no one else does. But I can't tell him, I can't show him. Ang hirap, ang hirap ipakita araw araw na you care. Kasi baka mahalata niya. Baka umiwas siya. Baka. Baka mas okay na itago ko nalang. Bec...