Kisha's Pov
Pasukan na! Bat kaya ganun hano kapag bakasyon na gustong pumasok tapos kapag pasukan naman gusto na magbakasyon?! Kalito. Haist bat ko ba pinoproblema yun? XD
Tumayo na ko sa aking kama, hindi ko na aayusin yun kase magugulo din naman yun mamaya kapag natulog ako deh sayang lang naman yung pinagpaguran ko at paglilinis ko ng kama.
Pumunta na ko sa CR at naligo na tapos toothbrush, suot ng uniform tapos kain. Done na ko
"Ma alis na po ako!" sabi ko kay mama.
Sinukbit ko na ang aking back bag saka umalis na.
"Hoy bata ka! Ala bang goodbye kiss?!" sabi ni mama. Hay talaga si mama oh ang tanda ko na. Pinagdikit ko na lang yung dalawang pisngi namin yan yung palagi kong ginagawa pinagdidikit ko lang hindi ko kinikiss. Yuck! Kadiri kaya yun laki-laki mo na iki-kiss mo pa rin mama mo.
Tumawag na ako ng tricycle.
"Manong para po!" sabi ko.
"Ate san po?" tanong niya.
"Kuya hindi niyo po nakikita yung suot kong damit? SCHOOL Uniform po to oh malamg sa paaralan tayo pupunta" bagot na sabi ko sa tricycle driver.
"Ano pong pangalan ng SCHOOL? At saka ano pong ADDRESS?" diniin niya yung pagkasabi ng SCHOOL at ADDRESS tsk..
"Sa Montesory of High School and Cologe po for short MHC, siguro po alam niyo na yun kase hindi po kau magiging tricycle driver kung hindi mo alam lahat dito sa Maynila" sabi ko.
"Ou na! Kala mo kagandahan!" bulong ni kuya
"Kuya kung bubulong po kayo siguraduhin mo hindi ko maririnig at saka kuya hiyang-hiya ako dyan sa mukha mo at isa pa po pakibilisan nga yung pagpapatakbo niyo ng motor niyo napaka bagal po kase eh malalate na ho ako. Palibhasa laos na yung motor" bulong ko siguro hindi niya naring kase mabilis na yung pagtakbo ng motor niya at saka masyado na siyang matanda kaya medyo hindi niya na rin ako narinig.
Nakalimutan ko pala ipakilala sarili ko.
Ako nga pala si Kisha Mae Kyuu 15 years old, forth year highschool na ko. Half Canadian ako kase ang lolo ko ay tiga-Canada deh bale ang tatay ni mama ay Canadian at si mama ay half Canadian din kase si lola yung mama ni mama ay Filipino. Gulo noh?! Intindinhin niyo na lang at ala na kong pakialam kung slow kayo at mahirap kayo makagets. Hindi ko pa nararanasan mainlove promise pero crush ko yung hearthrob sa school namin si Jacob. Kaso paano ako magugustuhan nun eh ang panget ko?
Bumababa na ko sa tricycle at nag bayad kay tandang driver! Nagsuklay na ko at nag pusod saka inayos ko yung bangs ko. Anyway balik sa dati pinag titinginan na naman. First day na first day pinag titinginan ako. Ano ako famous? Maganda? Ako yung famous na panget.
Magpapatalo ba ko kaya minsan hanggang tingin na lang sila sakin kundi babarahin ko sila eh. Kaso ang nakakatalo lang sakin ang grupo ng Bully Angels sila yung sikat dito mang bully at ang gaganda nila kaya makapanglait parang perpekto sila. Pag pinatulan mo yung mga yun sigurado bubug sarado ka.
"Aray!" sigaw ko na nakapaghinto sakin sa pag kukwento ko sa inyo. Bwisit yung tumunggo sakin ah.
"Hoy hindi ka ba magsosorry sa pag kabunggo mo sakin?" sigaw ko ng tumatakbo siya palayo sakin at nung lumingon siya .... Oops siya yung crush ko na si Jacob yung famous dito pero parang hindi ko na siya crush sa ginawa sakin ala siyang respeto sa mga babae!
Nilapitan ko siya at sinabing...
"Bulag ka ba at hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo, at saka manhid ka siguro naramdaman mo na, na may natunggo ka pero dare daretso ka pa rin sa pag tatakbo mo! Hindi ito playground para pag takbuhan kung gusto mo tumakbo dun ka pumunta sa playground o kaya sa gym."
O.O
Ganyan ang itsura ng lahat. Bakit? Kasi ala pang gumaganto dito kase famous nga siya at pinapangarap ng lahat kaya pakitang tao lang sila pag kaharap na nila toh.
"Hoy miss! Pupunta nga ako sa gym kaya ako tumatakbo" sabi niya. Boom pahiya ako dun ah pero papatalo ba ako?! No way!
"Tinatanong?"
"Pshh.."
"Aba't, Hoy!" tinakbuhan na naman ako
"Duwag!" sigaw ko na naman
Vote and comment thanks po sa pagbasa niyo :)